Friday, December 4, 2015

Sheryl nagpipiyesta dahil sa mga kasong isinampa laban kay Grace?





Maraming nagtatanong, ano raw kaya ang nararamdaman ngayon ni Sheryl Cruz sa mga isyung kinasasangkutan ni Senadora Grace Poe, nagbubunyi raw kaya ang aktres na matagal nang nangnenega sa senadora?

Hindi ba’t nu’ng una pa man ay ‘yun na ang sigaw ni Sheryl, hilaw pa raw si SGP para kumandidatong pangulo, marami pa raw dapat pag-aralan ang senadora bago mangarap tumakbo sa isang mataas na posisyon.

Nu’ng isang araw ay masayang-masaya naman ang kampo ng senadora dahil sa ikalawang sultada ng kanyang laban sa Senate Electoral Tribunal ay ibinasura ang motion for reconsideration ng isang abogadong naghain ng kaso laban sa kanyang citizenship.

Panalo si Senadora Grace sa SET, pero sila naman ang maghahain ng MR ngayon sa COMELEC, sa kinukuwestiyon niyang residency ay natalo ang senadora sa botong 3-0.

Malayo pa ang pagta-tapos ng laban, sabi ng kampo ni Senadora Grace Poe, may karapatan pa siyang mag-apela hanggang sa makarating ang usapin sa Supreme Court.

Kapag pala inabot ng eleksiyon ang mga usaping ito nang hindi pa nareresolbahan, manalo o matalo si Senadora Grace Poe ay mawawalan na ng saysay ang lahat, kaya nag-aapura ang kanyang mga katunggali na madesisyunan agad ang mga kasong ihinahain laban sa senadora.



No comments: