Sunday, October 4, 2015

Nanay na napaanak habang nanonood ng kalyeserye gustong kuning ninong si Alden






SI Aling Maliit, mula sa pagiging pinakabatang talk show host sa Pilipinas, araw-araw na ngayong sasabak sa aktingan bilang si Princess sa teledramang Princess in the Palace sa GMA 7.
At ngayong Linggo, dahil nalilinya na si Ryzza sa pag-arte, hahamunin siya ng Kapuso Mo, Jessica Soho na isabuhay muli ang ilan sa mga di malilimutang eksena sa pelikula at telebisyon.
Hindi lang ‘yan – dahil mala-Presidential daughter siya sa kanyang daytime series, bibigyan din ng KMJS si “Princess” ng isang special project – ang tuparin ang kahilingan ni Catherine na matatandaang napaanak habang nanonood ng Kalyeserye.
Nais kasi ni Catherine na kuning ninong sa binyag ng kanyang sanggol si Alden Richards! Matutupad kaya ito ng Prinsesa ng dabarkads?
Mapapanood din ngayong Linggo ang pagpapakitang-gilas ni Goodie, isang walong taong gulang na batang talaga namang nakabibilib ang cheerleading stunts; ang iba’t ibang klase ng paboritong Arroz ala Valenciana; at ang nagmimilagro raw na mga talulot ng rosas o rose petals na iniaalay sa imahen ng Birheng Maria sa isang mini-chapel sa Quezon City.
Iyan at marami pang iba ang dapat na abangan ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho pagkatapos ng Ismol Family sa GMA 7.

No comments: