Wednesday, October 7, 2015

Daniel pinuri ang AlDub: Mabait talaga si Alden kaya bini-bless siya





HINDI na kailangang aminin ni Daniel Padilla na sila na ni Kathryn Bernardo dahil very obvious naman sa mga kilos nila.
Sinabi namin kay DJ na halatang-halata ang kilos nila ni Kath sa Animbersaryo ng It’s Showtime na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Set. 26 dahil sa tatlong magka-loveteam na KathNiel, LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) at JaDine (James Reid at Nadine Lustre) ay sila ni Kath talaga ang nilalanggam sa sobrang ka-sweetan.
Samantalang ang LizQuen at JaDine ay may hindi naman ganu’n ang mga kilos at ang laki pa ng puwang sa pagitan ng bawa’t isa. Tawa nang tawa ang batang aktor at sabay sabing, “Ganu’n po talaga boss Reggee ang tamang pag-handle ng babae.”
Sinagot naman namin si Daniel ng, “Okay, sige gets na namin ang message,” at tawa pa rin ng tawa ang batang aktor. Super tanggol naman si Daniel sa mga negatibong nababasa niya tungkol kay Kathryn na kesyo nagbago na raw ang ugali lalo na sa nakaraang Star Magic Ball kung saan hindi raw nito pinansin si direk Bobot Mortiz. “Si Kathryn? Sa totoo lang si Kathryn ang isa sa pinakamaawain, napaka-generous na tao niyan. May mga nagsabi nga na hindi namamansin ‘yan.
“Ako rin naman ganu’n, kung hindi mo ako pinansin, bakit kita papansinin, anong utang ko sa ‘yo. Kasi kung pansinin mo ako, papansinin kita. Ako rin naman ang nagturo sa kanya na ganu’n, huwag niyang ibigay ‘yung lahat.
At tungkol doon sa hindi pinansin ni Kath si direk Bobot Ito ang Ball (Star Magic) na parang ang bilis-bilis lang ng lahat pati programs.
“Kasi pagdating namin sa Ball, red carpet, pumasok ako sa loob, hindi ko nga nakasamang pumasok sa loob si Kathryn kasi nagbihis siya kaagad para sa sayaw namin.
After ng sayaw, bihis siya kaagad kasi may birthday kaming kaila-ngang puntahan, after no’n, umalis na kami kasi may ta-ping naman kinabukasan. Kahit nga ako marami akong hindi nabati no’n,” ani Daniel.
Tinanong din ang batang aktor tungkol sa AlDub phenomenon, “Happy ako kay Alden (Richards) kasi nakilala ko na siya, katrabaho siya ng nanay ko (Karla Estrada), mabait talaga si Alden, kaya siguro binigyan siya ng (blessings) at na-meet ko na siya dati pa, mabait talaga.”
Naniniwala ba si DJ na “fad” lang ang AlDub? “Pinauso nila kaya ganu’n saka iba ang style nila di ba, nagda-dub sila, sila (lovetem) lang ang may ganu’n, saka sinugalan din naman sila (ng Eat Bulaga), kung pansinin o hindi, e, pinansin naman (ng mga tao), so ibigay natin sa kanila.”
In fairness, nakatutuwa si Daniel dahil mature na talaga siyang sumagot.

No comments: