Friday, October 23, 2015

Bukod sa mga malalaking sorpresa ng 3 lola Alden, Yaya Dub maraming pasabog sa Tamang Panahon fans day ng ‘EB’


Ngayon na ang tamang panahon. At ngayon na ang Tamang Panahon na gaganapin sa dambuhalang gusali ng mga kapatid natin sa INC, ang Philippine Arena, na gagawa ng marka sa kasaysayan ng telebisyon.
Sa unang pagkakataon ay makikita na namin nang personal sina Alden Richards at Maine Mendoza, masasaksihan na namin ang nakahahawang tilian at pagkakilig ng kanilang mga tagahanga, mararanasan na namin nang personal ang matagal nang sinasabing lagnat ng bayan na nanghawa na nang milyun-milyong Pinoy sa buong mundo.
Ito na nga ang tamang panahon para maibalik ng Eat Bulaga sa kanilang mga tagasuporta nang mahigit na tatlong dekada ang isang matamis na pasasalamat sa mga kababayan nating walang patlang na tumatangkilik sa kanilang programa saanmang istasyon sila mapunta.
At ang kinaaaliwan na-ming panoorin na kalyeserye ay mapapanood na namin nga-yon nang live, siguradong maraming ihinandang sorpresa sina Alden at Yaya Dub para sa kanilang mga tagahanga, pati na ang napakagaling na pag-atake nina Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Jose Manalo.
Isang direksiyon lang ang tatahakin ngayon ng AlDub Universe, nandito man sila o wala, sa makasaysayang pagtatanghal ng Tamang Panahon sa Philippine Arena.
Mabuhay ang Eat Bulaga! Mabuhay ang AlDub! Mabuhay ang kalyeserye!



No comments: