Friday, October 16, 2015

Nora , Ayaw ng Manampal




"Maliit ang kamay ko 'di ba? Pero hindi ko alam na malakas pala [ako] sumampal," pahayag ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Nakarating kay Nora ang balita na pangarap daw ni Hiro Peralta, ang kanyang co-star sa upcoming GMA show na 'Little Nanay,' na masampal siya ng Superstar.

READ: Hiro Peralta, matutupad na ang pangarap na masampal ni Nora Aunor

"Ay kawawa naman. Huwag naman," natatawang reaksyon ni Nora.

Ayon sa kanya, kung tutuusin daw ay ayaw na sana niyang manampal dahil mabigat daw talaga ang kanyang kamay. Aniya, "Ayoko nang manampal, sa totoo lang. Kasi lahat ng nasasampal ko [ay] umiiyak."

Ikinuwento pa nga niya ang pagsampal niya kay Hilda Koronel sa pelikulang 'Beloved' noong 1985. "Noong magkaeksena kami noon ni Hilda sa 'Beloved,' 'di ba matangkad si Hilda? Ang nangyari noon, dahil sa tangkad niya, bumuwelo pa 'ko ng sampal. Medyo tumalon ako at saka siya umiyak pagkatapos ng take," bahagi ng 'Little Nanay' star.

LOOK: Multi-awarded actors Eddie Garcia and Nora Aunor mapapanood na sa GMA Telebabad

"Kaya ayoko nang manampal. Pero kung may sasampalin ako, masaya pa rin ako," pabirong pagtatapos ni Nora.
- See more at: http://www.gmanetwork.com/entertainment/gma/articles/2015-10-16/19288/Lahat-ng-nasasampal-ko-ay-umiiyak-Nora-Aunor#sthash.sk10wsLR.dpuf

No comments: