Tuesday, October 6, 2015

AlDub, hindi pa siguradong makakasama sa MMFF movie nina Vic Sotto at Ai ai Delas Alas?




Kamakailan ay naglabas ng pahayag ang Philippine Queen of Comedy na si Aiai Delas Alas na confirmed nang kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza sa kanilang pelikula ni Bossing Vic Sotto na My Pabebe Love.

Pero sa naganap na press conference ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry kamakailan lang, nilinaw ni Vic na hindi pa raw sigurado na makakasama nila ang sikat na AlDub love team.

READ: Alden at Yaya Dub, nagkita na sa McDo TV commercial?

"Kasi medyo mahaba pa 'yung tatakbuhin ng kalye-serye. Parang ngayon pa lang nag-uumpisa eh. So depende roon. We're keeping our fingers crossed that everything will fall into its proper place," pahayag ni Vic sa Unang Hirit.

No comments: