Friday, September 25, 2015

Alden, Yaya Dub totohanan na ang ligawan





MA-BREAK kaya uli nina Alden Richards at Maine Mendoza alyas Yaya Dub ang record-breaking 12 million tweets na nakuha ng kanilang kalyeserye sa Eat Bulaga?

Ngayong araw na magaganap ang muling pagkikita nina Alden at Yaya sa mansi-yon matapos ngang pumayag si Lola Nidora (Wally Bayola) na umakyat ng ligaw ang binata.

Ngayon din ang tinaguriang National Pabebe Wave Day ng EB. Ang NPWD ay pagdiriwang ng kaligayahan at pagmamahalan na kahit anong pinagdadaanan at pagsubok ay may dahilan pa rin para ngumiti.

Sa wakas, makikita na ng milyun-milyong dabarkads ang magarang mansyon ni Lola Nidora. Ayon kay Lola, ilan sa mga paghahandang ginagawa nila ay ang pagpapaayos ng bubong, pagpipintura at pagpapalinis ng buong mansion.

High na high pa rin sa li-gaya si Alden sa regalong ito ni Lola sa kanila ni Yaya. Abot-tenga rin ang ngiti ni Maine habang inaasar ng buong Dabarkads family na nagsabing parang totohanan na raw ang feelings ng dalawa para sa isa’t isa.

Isa-isa ring nagpahayag ng kanya-kanyang advice ang mga Dabarkads para sa pag-akyat ng ligaw ni Alden. Pero siyempre, may mga kundisyones si Lola Nidora sa binata.
Una, dapat daw ay 6 feet apart sila ni Yaya at no touch pa rin. Pero kumontra sina Tidora (Paolo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo) hanggang sa napapayag nila si Lola na one foot apart lang ang AlDub basta no touch pa rin.

Ikalawang kundisyon: magdala si Alden ng chicharon. At ang huli na talaga ikinakilig ng lahat, kailangang kantahin ni Alden ng live ang “God Gave Me You” na parang nanghaharana.
Bago matapos ang kalyeserye, tumawag uli ang caretaker na si Rhianna at may ibinalita kay Lola Nidora na talagang ikina-shock nito.

Makaapekto kaya ito sa pagpunta ni Alden sa mansion? Yan ang aabangan ng buong mundo ngayong tanghali. Sabi nga ni Lola, expect the unexpected!
HUWAAAWWW!!!



No comments: