Friday, July 10, 2015

Julia Buencamino, nagpakamatay!


SHOCKED ang mga kaibigan at kasamahan ni Julia Louise Buencamino sa seryeng Oh My G! nang makarating sa kanila ang balitang nag-suicide ang teen actress sa pamamagitan ng pagbibigti sa mismon bahay nila sa Quezon City.

Una nang nagparating ng pakikidalamhati ang bida sa seryeng si Janella Salvador. Ang anak ng showbiz couple na sina Nonie at Shamaine Buencamino ang gumaganap na best friend ni Janess sa nasabing soap ng ABS-CBN.
Ayon kay Janella nagulat siya sa pagpapakamatay ng kanyang “bestie” ang tawagan nila sa kanilang daytime series na Oh My G!. Hindi raw niya akalain na mangyayari iyon sa dalagita.
Nabasa rin namin ang ipinost na mensahe ng isa pa nilang kasamahan sa serye na si Marlo Mortel sa social media para kay Julia Julia Louise na natagpuan ngang nakabigti mula sa kisame ng kanilang tahanan kagabi.
Ni-repost din ni Marlo sa kanyang Instagram account ang isang litrato kung saan makikita si Julia na yakap-yakap ang aso ni Marlo kasabay ng pagtatanong kung bakit nangyari ang ganu’n sa kanilang kaibigan.
Sabi ni Marlo, “C’mon Julia what happened ;( I still can’t believe it. We shared a lot of moments together and always had the longest hugs ;( I just hope you’re happy wherever you are now. #RipJulia.”
Samantala, nakiusap naman ang mga magulang ni Julia na sina Nonie at Shamaine Buencamino na bigyan muna sila ng privacy habang nagdadalamhati sila sa pagkamatay ng anak.
Napasalamat din ang pamilya ni Julia sa lahat ng mga nagmamahal sa dalagita at nakikisimpatya sa kanilang paglukuksa.
Narito ang official statement ng mag-asawang Nonie at Shamaine sa pagkamatay ng kanilang anak.
“We are deeply saddened to announce the death of our beloved daughter Julia Buencamino.
“We would like to make a firm request to allow us to mourn her passing in private. We make this appeal for privacy also on behalf of those close to us, who wish to remember Julia and celebrate her life in peace and quiet.
“We thank you for your love, understanding, and prayers of support during this time of profound grief. Julia led a beautiful and blessed life, and she will be fondly remembered and terribly missed by her family and friends.



No comments: