Friday, July 17, 2015

Ai Ai binigyan ng tirahan at trabaho ang utol ni Jiro

Hindi naiwasang itanong kina Direk Wenn Deramas at Marvin Agustin ang sinapit ng dating child actor na si Jiro Manio sa thanksgiving presscon ng Flordeliza.



Nakatrabaho nila ng ilang taon sa “Ang Tanging Ina” si Jiro. At si Direk Wenn mismo ang naka-discover kay Jiro noong tatlong taon pa lang ito.
Pareho nang sinasabi sina Direk Wenn at Marvin na kailangan magsimula kay Jiro ang pagbabago. After that, tiniyak nila na marami ang willing na tumulong sa aktor para ma-kabawi especially sa showbiz.
Kering-keri ni Marvin na bigyan ng posisyon si Jiro sa mahigit 40 restaurants niya. And of course, si Direk Wenn sandamakmak ang pelikula niya at TV shows.
Dasal ng mga taong concern kay Jiro tulad nina Direk Wenn at Marvin ay magtuluy-tuloy na ang paggaling nito sa loob ng rehab.
Ang nanay ni Jiro sa “Ang Tanging Ina” na si Ai Ai delas Alas ang gumawa ng paraan na maipasok siya sa rehab.
We heard, hindi lang ang pagre-rehab ang sinagot ng Comedy Queen kundi pati na ang tinitirhan ng younger brother ni Jiro na si Anjo.



Si Ai-Ai din ang nagpasok kay Anjo bilang waiter sa isang comedy bar, “Nadagdagan ng dalawa ang mga anak ko. At least may work na si Anjo. Saka may tinitirhan ng kwarto na maayos-ayos.”

No comments: