Sunday, November 23, 2014

Jay Manalo may apo na; sustentado pa rin ang 10 anak

AS usual, masaya pa ring kausap ang kaibigan naming papa Jay Manalo, kahit na hindi kami
madalas magkita ay bongga pa rin ang naging kuwentuhan namin.
Proud “lolo” na nga ang mahusay na aktor at sinabi pa nitong halos kaedad lang ng kanyang bunsong anak ang apo. May 10 anak si papa Jay sa anim na mga nanay na kanyang kinasama.
At ang pinakahuli nga ang  pinakasalan niya kung saan siya may apat siyang anak. “Masaya lalo ngayong magpa-Pasko. Barkada naman ang turingan namin ng mga anak ko at magkakapatid silang lahat.
Pati nga mga nanay nila magbabarkada rin, pati na mga BF nila, tropa namin,” masayang tsika ni Jay. Ipinakita niya sa amin ang pictures ng mga anak niya na puwedeng-puwedeng mag-showbiz pero sabi niya sa amin, “Ayoko.
Hindi ko sila ineengganyo. Basta ang usapan namin, mag-aral at tapusin ang school nila, then kung gusto nila mag-showbiz, baka doon lang ako pumayag.”
Balik-salbahe role si papa Jay sa seryeng Strawberry Lane ng GMA 7 after nga siyang kamuhian sa nagtapos na Niño. “Ganu’n talaga, artista tayo, eh. Basta matinong trabaho, okey ako diyan,” hirit pa nito.
Halos hindi na nga siya nag-ahit ng balbas since gawin niya ang TV5 project na Madam Chairman with Megastar Sharon Cuneta hanggang sa gawin na niya ang Niño at dito nga sa Strawberry Lane kung saan kinaiinisan at isinusumpa ang role niya ng mga bidang sina Bea Binene, Jake Vargas, Jhoana Marie Tan, Sunshine Dizon, Kiko Estrada, Kim Rodriguez, Sheryl Cruz, Rita de Guzman, Christian Bautista at iba pa.

No comments: