a blog and Super Collections for all Classic Tagalog Movies and Actors from 1912 to 2016 from famous and not so famous Movies in the Philippines, Actors and Actresses, Directors, Movie Company and Great Actors of Silent Films from Prewar up to the Present of Movie Video, Bluffs and other happenings and Award Giving Bodies.
Friday, September 4, 2015
Kris TV, Aquino & Abunda Tonight malapit nang matsugi?
THERE are rumors that Kris Aquino and Boy Abunda’s evening show is on the chopping board na.
A mole told us that ilang buwan na lang daw at matsu- tsugi na ang show ng dalawang kilalang hosts sa bansa.
The reason? The show is not rating anymore. Puro one digit rating na lang daw ang nakukuha nito.
What’s more, medyo tumataas daw ang rating nito kapag si Boy lang ang nagho-host.
Kapag wala raw si Kristeta ay saka lang pumi-pick up ang ra- tings nito. How true? Also going to be axed soon is Kris’s morning show.
Wala pala itong binatbat sa rating ng kalabang programa sa Siyete na anime. Heard that it’s also a one-digit rating show.
This is sad considering that Kris is easily the most popular celebrity now. Parang hindi nga naman deserving ni Kris na maka-one digit lang. but that’s what it is.
Hindi talaga nagre-rate ang kanyang programa and what should be done should be done. Why is her show suffering from competition? We don’t know.
Baka mas gustong panoorin ng mga bata ang anime kaysa sa show niya which appeals to the mothers naman. Anyway, madalas na magkasakit si Kris ngayon and we wouldn’t be surprised kung health reasons ang idadahilan sa pagkakatsugi ng show niya soon.
Siguro dapat na rin namang magpahinga si Kris. Magkasya na siya sa isang show para hindi naman mag-suffer ang kanyang health. Clearly, overwork na siya kaya siya nagkakasakit.
Denise Laurel: Nawalan ako nang ganang kumanta!
“PRESSURE para sa sarili ko, teaser pa lang ng unang season ng Your Face Sounds Familiar, I said, I wanna do that, I wanna be there gusto ko ‘yan!”
Iyan ang bungad sa amin ng Kapamilya actress na si Denise Laurel sa presscon ng Your Face Sounds Familiar kamakailan kung saan isa nga siya sa masusuwerteng celebrity na magpapakitang-gilas sa pagi-impersonate ng mga kilalang music icons.
“Akala ko nga every weekend ibang set of artists kaya sabi ko I wanna audition. The moment there’s an audition, call me, I want to be there.
“Sabi sa akin, it’s the whole season (same artists), so sabi ko, maghihintay ako for season 2, gusto ko unang day palang ng audition nandiyan na ako, first thing in the morning, hindi ako natulog the night before, bagong gising talaga,” tugon pa ng dalagang ina kung may pressure ba sa kanya ang pagsali niya sa YFSF.
Nabanggit pa ng aktres na sumali siya rito dahil gusto niyang patunayang singer din siya, “Kasi do’n ako na-discover ni Mr. M (Johnny Manahan) sa musical theater, when I thought that it’s been 10 years almost since I’ve sung, or dance on stage, so I wanted to get back in touch with that kung kaya ko pa (kumanta) kung nandiyan pa ang boses ko, kasi for a time, sinabi ko nobody wants to hear me naman, so acting na lang talaga.
“So kinalimutan ko na talaga ‘yung boses ko, kinalimutan ko na ‘yung pagsasayaw, now that I have the chance, more than two lines na ‘yung kakantahin ko, I was so excited, so sa audition, it feels great, kasi at least naibigay ko sa audition ‘yung puso ko,” kuwento ni Denise.
May hugot si Denise sa sinabi niyang walang gustong makinig sa boses niya at manood sa sayaw niya kaya isinantabi niya ito at nag-concentrate sa acting.
Kilala naming mahusay na mang-aawit si Denise, tulad nga ng sinabi niya, sa musical theater siya nagsimula tulad nina Lea Salonga, Monique Wilson, at may pagmamanahan din naman ang aktres dahil mahusay na mang-aawit ang tito niyang si Cocoy Laurel.
Tinanong namin siya kung bakit nga ba nawala ang urge niya sa pagkanta, “I think the reason nga why I joined (YFSF) is gusto kong makita kung kaya ko pa, kasi talagang hindi ko na ginamit ang boses ko, hindi ko na inalagaan,” sagot nito.
Totally hindi pala talaga kumanta si Denise, maski sa bahay nila o sa corporate shows, “Wala talaga, nawalan ako ng gana, nagalit ako sa self ko, naisip ko na baka ako lang sa sarili ko ang marunong kumanta, pero sa ibang tao, hindi (pala). If you’ll see me (behind the scenes ng YFSF), you will see me…struggle talaga, simula pa lang, ang daming doubt.”
“So tingnan natin kung kaya ko pa, now that may bukol ako sa vocal chords. This is the reason why I’m so excited with this one, gusto kong makita kung kaya ko pang mag-perform,” aniya pa.
Kaya kapag may invitation daw siya sa mall ay talagang super excited si Denise, “Ine-enjoy ko talaga, akala mo nagko-concert talaga ako sa mall kasi ang saya-saya ko, kasi yun ang unang salpak ko nu’ng bata pa ako, singing, dan- cing and acting, lahat talaga.
“Pero nu’ng pumasok ako sa mundo ng showbiz, na-rea- lize ko na iisa lang pala, mamimili ka kung singing, dancing o acting, so du’n ko naisip na bakit dito sa Pilipinas, hindi puwedeng maging all around performer, kailangan somebody ka para maging all around performer, akala ko that time, ripe na ripe na ako, ang galing kong kumanta, sumayaw, hindi pala, ngayon ano na ako, rusty na ako, me kalawang na, wala na akong confidence so, I wanna do this (YFSF), I wanna challenge myself,” kuwento pa sa amin ni Denise.
Makakalaban ni Denise sa Your Face Sounds Familiar si- mula sa Setyembre 12 sina Kakai Bautista, Kean Cipriano, Myrtle Sarroza, Sam Concepcion, Michael Pangilinan, Eric Nickolas at KZ Tandingan.
Kasalang Vic-Pauleen aprub kina Danica at Oyo
Sa ngayon, ay wala pang planong pumirma ng pre-nuptial agreement sina Vic Sotto at Pauleen Luna. Ito’y matapos ngang aminin ng TV host-comedian na engaged na sila ni Poleng.
Sa panayam kay Bossing, hanggang du’n lang muna ang maaari niyang i-share sa publiko, pero sa “tamang panahon” naman daw ay i- dedetalye rin nila ang tungkol sa wedding.
Nabatid na noong nakaraang trip nila sa Hongkong nag-propose si Vic kay Pauleen. Ayon sa manager ni Pauleen na si Manay Lolit Solis, sa December na raw ang Catholic wedding ng dalawa at posibleng sa ipinagagawa nilang bahay sa Laguna ito ganapin.
Nagtungo si Pauleen sa Amerika kasama ang nanay nito at balitang doon na rin daw pipili ng kanyang wedding gown ang aktres na mula sa mga design nina Monique Lhuillier at Vera Wang.
Samantala, nabatid na may blessing na rin ng mga anak ni Vic ang kasal nila ni Pauleen, kabilang na nga rito sina Danica at Oyo Sotto na nabalita noong hindi boto sa aktres para sa kanilang ama.
Marjorie sa bansag na playgirl kay Julia: Kilala ko ang anak ko!
HINDI istrikto si Marjorie Barretto pagdating sa lovelife ng anak na si Julia. Sa katunayan, pinapayagan niya agad ang dalaga kapag makikipag-date ito.
Pero mariin niyang itinanggi na playgirl ang anak tulad ng mga naglalabasang tsismis. Kung sinu-sino raw kasi ang nakikitang ka-date nito gayung nababalitang nagkakamabutihan na sila ni Inigo Pascual.
Sa presscon ng bagong teleserye ng TV5 na My Fair Lady, kung saan isa sa magi- ging kontrabida si Marjorie, nasasaktan siya bilang ina sa kung anu-anong malilisyosong chika about Julia.
“I feel unfair for her. Pero it’s part of the business, e. Minsan nga, mas marami pang alam ang mga tao kaysa sa amin. “Minsan kahit siya, nakita raw sa ganito, parang, ‘Huh? She’s never been to that place.’
It’s part of the business,” paliwanag ng comebacking actress. Kamakailan kasi ay naba- litang nakita si Julia na ka-date si James Reid sa isang coffee shop na idinenay naman ng dalaga.
Kaya natanong si Marjorie kung alam ba niya ang tungkol dito, “I know everything so I don’t have to ask her. I know where she goes and she really doesn’t have time to go dating.”
Pero pinapayagan naman daw niya ang anak na lumabas-labas, “Oo naman. I don’t wanna be a corny mom. Baka kapag pinigilan ko, hindi na magkuwento ang mga anak ko.”
Heart nanay na nanay sa kambal ni Chiz
Sinisiguro ni Heart Evangelista na kahit busy siya sa trabaho ay nagagampanan pa rin niya ang kanyang mga tungkulin bilang misis ni Sen. Chiz Escudero pati na rin ang pagiging mommy sa mga anak nito.
Kapag walang taping si Heart para sa GMA Telebabad series niyang Beautiful Strangers with her best friend Lovi Poe, Rocco Nacino, Boyet de Leon and Benjamin Alves, nasa bahay lang siya para asikasuhin si Chiz at ang mga anak nito.
Pero kamakailan ay naispatan ang mag-asawa na ipinapasyal ang kanilang kambal na anak sa isang mall sa Q.C. Sabi nga nina Heart at Chiz, hindi pwedeng matapos ang isang linggo nang hindi sila naglalaan ng quality time together para makapag-bonding kasama ang kambal, lalo na tuwing weekends.
Sabi ni Chiz, nag-aadjust pa rin siya sa schedule ng misis lalo na’t busy ito ngayon sa Beautiful Strangers at iba pang showbiz commitments.
“Ibang-iba ang buhay ng mga artista. Sikat, malaki yung bayad, pero yung buhay mahirap din. Monday, Wednesday and Friday ang taping niya para sa teleserye.
Aalis siya ng bahay ng mga ala-5:30 ng umaga, matatapos yung taping niya ng ala-una ng umaga ng susunod na araw,” kwento ni Chiz sa isang panayam.
Bukod pa rito, busy rin si Heart sa kaniyang modeling career at sa weekly showbiz talk show na Startalk at ganoon rin sa kanyang hobby na pagpipinta.
Paglilinaw ni Chiz, hindi nila pinanghihimasukan ni Heart ang kani-kanilang career sa pulitika at showbiz. Ni hindi nga nababanggit ang pulitika at showbiz kung sila ay mag-uusap ng kaniyang maybahay, “Kwentong bahagi lang ng kung anong nangyari sa araw.
Sa araw ko, sa araw niya. Pagka-tungkol sa pulitika hindi namin pinag-uusapan. Pagka-tungkol din sa showbiz hindi ko rin pinanghihimasukan,” ani Chiz.
Melai pang-asar lang sa Your Face Sounds Familiar 2
Pang-asar sa mga celebrity contenders ang magiging papel ni Melai Cantiveros sa season ng Your Face Sounds Familiar na magsisimula na sa Sept. 12, Sabado, sa ABS-CBN.
Si Melai ang first grand winner ng YFSF at siya ang magsisilbing “KaTroFamiliar” sa nasabing reality talent show, paliwanag niya, “Pang-gulo po ako dito, pang-asar sa mga contestants ng new season bale makikita rin nila ako dito na nag iba-iba ng itsura sa bawat episode pero ‘di mga icons ang gagayahin ko kundi mga sikat na celebrities naman.”
Nang mapanood ni Melai ang performance ng bagong batch ng YFSF, bigla itong napa-throwback, “Parang kakaiba nga ang pakiramdam ng mapanood ko sila kasi this time nanonood na lang ako, hinahanap ko sila ate Karla, sila Jolina, yung grupo namin noon, pero ngayon iba na, pinapanood ko na lang sila.”
Ano naman ang maipapayo niya sa mga bagong celebrity contenders ng Your Face? “Basta mag enjoy kang sila, ako noon pressured ng magsimula ang season namin.
Pero nag-enjoy lang ako na may kahalong pag career sa performance kaya ayun ako ang nag champion.”
Huwag palampasin ang linggo-linggong transformations sa Your Face Sounds Familiar ng Absolute Performer na si Sam Concepcion, ang Soul Supreme na si KZ Tandingan, ang Dental Diva na si Kakai Bautista, ang Harana Prince na si Michael Pangilinan, the Playful Angel Myrtle Sarrosa, ang Komikero ng Masa na si Eric Nicolas, ang Rebel Rock Royalty na si Kean Cipriano, at ang Sultry Heiress na si Denise Laurel.
At siyempre, magbabalik din sa show ang jurors na sina Gary Valenciano, Jed Madela at Sharon Cuneta para husgahan ang performances ng celebrity performers.
Heart hindi na naman nakapagpigil sa mga bastos na bashers
“You cannot please the WORLD... them bashing doesn’t say anything about me it says so much about them?? #notocyberbullies #heartinstameetpart,” she tweeted.
“Minsan Tao minsan patola…is so true! Tao Lang pero anonymity doesn’t give you the right to hurt others…always assume,” dagdag pa niya.
Napakarami ng bashers ni Heart sa social media, mostly coming from fans of Marian Something. Palagi silang pinagkukumpara, eh, wala namang comparison to begin with.
Ang lahat ng mayroon si Marian Something ay meron na noon pa si Heart so hindi kailanman maiinggit ang dyowa ni Sen. Chiz Escuero sa dyowa ni Dingdong.
Bakit kaya ayaw pa ring tigilan ng fans ni Marian si Heart? E, nanananhimik na naman ang misis ni Chiz? Lumalabas tuloy na ginagamit na naman nila si Heart para pag-usapan ang idol nila dahil wala na naman itong libreng publicity.
Piolo mas lalo pang yumayaman dahil sa pagiging ‘kuripot’
AHENTE rin pala ng insurance mula sa ine-endorse niyang Sun Life Financial si Piolo Pascual. Hitting with two birds in one stone ang drama ni Papa P, huh!
And why not? Hindi naman masama ‘yun lalo na kung may magandang imahe naman si Papa P na ini-instill sa mga kapwa niya artista. Kilala sa showbiz ang pagiging “kuripot” ng aktor at kung gaano siya kagaling mag-handle ng pera.
Kaya hindi kataka-taka na ma- ging curious ang iba kung saan dinadala ni Papa P ang kanyang milyones. At dito na nga papasok ang kuwento ng walang tigil na pagkuha niya ng policy sa Sun Life at saka niya ipapakausap ang sister niya doon sa interesado to explain how it goes.
For the record, mahigit limang policy na ang natapos bayaran ni Papa P. Labas pa riyan ang dalawang policy na kinuha niya para sa anak na si Iñigo Pascual kung saan ang isa riyan ay pwede nang makuha ni bagets when he reaches 18.
For the first time naman ay napanood naming mag-concert ang mag-ama during the free concert sa SM Pampanga. Before the show, we had the chance na makausap si Papa P sa dressing room nila ni Iñigo.
We asked him kung may plano ba silang magsama ng anak sa mas malaking concert. “Actually, I had a meeting with Star Records last Thursday. So, I’m gonna do an album.
Ang hirap kasi parang kapag nagpepelikula ka, kapag nagso-soap ka, kapag pinagsabay mo, and then, wala ka namang cut-off, or even if you have a cut off, the next day parang ang hirap kapag wala kang tulog,” pahayag ni Piolo.
Magtatatlong taon na raw mula noong huli siyang gumawa ng album. Even concert ay matagal na rin niyang ‘di ginagawa. “Even concert every year they asked me.
They asked me for Valentines, Christmas, throughout the year. Mas gusto ko kasing nagpo-focus sa isang bagay, e. Ayoko nang pinagsasabay even you know for my rest days,” esplika pa sa amin ni Piolo.
Balik-recording daw siya sa Disyembre. At ‘yung concert naman with his son, mukhang matagal pa.
Michael: Ayokong isiping hadlang sa career ang magiging baby ko!
MATAPOS ang matagumpay at top-rating na unang edisyon nito, magbabalik sa telebisyon ang Your Face Sounds Familiar upang linggo-linggong handugan ang mga manonood ng kakaibang aliw kasama ang bagong batch ng celebrity performers simula Set. 12.
Humanda para sa mas level-up pang mga pasabog at transformations na tiyak na magbibigay ng concert-like experience sa pangunguna ng host na si Billy Crawford at ang bagong KatroFamiliar na si Melai Cantiveros, ang unang YFSF grand winner.
“It’s all about just having fun and doing things that you would not expect doing for everyone to see. It’s all about enjoying the weekend and changing the weekend habit of viewers.
Nabigyan kami ng pagkakataong bumalik, and we hope na magpasaya uli kami ng mga tao,” sabi ni Billy. Si Melai ang magiging espesyal na KatroFamiliar na magdadagdag ng riot na katatawanan sa bawat episode ng programa.
Makikilala siya linggo-linggo bilang iba’t ibang personalidad na makakasama ng walong celebrity perfor- mers sa kanilang mga paandar pagkatapos ng kanilang performances.
Ayon kay Melai, lalo siyang excited sa kanyang pagbabalik sa programa dahil aniya, sa pagkakataong ito ay walang pressure para sa kanya na mag-perform.
Nagpapasalamat din siya sa naging experience niya rito dahil nabago raw nito ang kanyang buhay.
“This time, na-appreciate ko talaga ang pagbabago sa buhay ko nang sobra-sobra dahil nanalo ako na alam kong pinaghirapan ko, lalo na sa prosthetics at pagkanta.
As a performer parang nagkaroon ako ng confidence sa sarili ko. Parang nag-level up ako. Nalampasan ko na ang kaba kapag lumabas sa stage at humarap sa audience,” ani Melai.
Siguradong magbabago rin ang buhay ng walong bagong celebrity performers sa programa sa kanilang pagtanggap sa hamong maging ka-face at ka-sound ng iba’t ibang local at international na music icons.
Huwag palampasin ang pagsisimula ng linggo-linggong showdown kasama ang mga celebrity contenders na sina Sam Concepcion, KZ Tandingan, Kakai Bautista, Michael Pangilinan, Myrtle Sarrosa, Eric Nicolas, Kean Cipriano at Denise Laurel.
Gaya ng naunang season, walang elimination sa programa at dadaan ang performers sa acting, dance, at vocal training, kasabay ng kumpletong make-up transformation para lubos nilang makopya ang ayos, itsura, at galaw ng kanilang assigned music icons.
Sa bawat episode, ang performer na makakakuha ng pinakamataas na puntos ang siyang magwawagi ng cash prize, na ang kalahati ay ipagkakaloob sa napili niyang charity.
Maliban kina Billy at Melai, uupo pa rin bilang jurors na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano, world singing champion Jed Madela, at Megastar Sharon Cuneta.
Mapapanood na simula sa susunod na Sabado ang Your Face Sounds Familiar sa ABS-CBN.
Speaking of Michael Pangilinan, nagimbal ang sambayanan nang aminin niya publicly na he is an expectant father sa ipinagbubuntis ng kanyang ex-girlfriend. Bale five months nang nagdadalantao ang ex niya.
“We were so in love nu’ng panahong iyon kaya nabuo ang baby. Pero wala na kami ng magiging mother ng baby ko. Excited ako sa paglabas ng bata kaya nagsusumikap akong magtrabaho nang maayos para paglabas niya ay handa na ako to feed him – para tustusan ang mga pangangailangan niya and all.
“Magkaibigan naman kami ng ex-GF ko. Hindi naman kami magkagalit kaya malaya kong mahihiram ang baby namin paglabas niya. Ayokong isiping hadlang ito sa karera ko – I take it as a blessing pero of course, I am not encouraging boys my age na pumasok sa ganitong sitwasyon. Hindi po madali.
“Nagkataon lang na nangyari sa akin kaya pinanindigan ko ito. Focused na ako sa career ko ngayon. Busy tayo sa work, and I am very happy with how my career is doing,” ani Michael na nabunutan nang malaking tinik nang aminin niya ang estado niya.
Nakakatuwa ang fans, ni Michael, nu’ng una medyo na-disappoint sila nang konti pero a few minutes later ay nanindigan sila to support Michael all the way dahil inako nito ang responsibilidad sa nalalapit na pagiging binatang ama.
“Hindi siya nagsinungaling kasi. He didn’t deny the coming of his angel. Nakakatuwa si Michael.
Tutal break na naman sila ng girl kaya oks lang sa amin. Mamahalin din namin ang magiging baby ni Khel,” sabi ng isang loyal fan ni Michael.
May nagtanong sa amin kung bakit ngayon lang daw namin sinabi ito publicly. Ang sa ganang akin lang naman, we didn’t offer talaga this story to anyone – what for? Pero sabi ko, once someone asks, he will admit.
We never intended na mag-lie. Nagkataon lang na natanong na sa amin kaya ibinigay namin ang totoong sagot, tama? A baby is always a blessing.
Kailangang panindigan ni Michael ang bunga ng pagmamahalan nila ng kanyang ex. Pero wish ko lang na tigilan na muna ni Michael ang kalandian.
Gosh! Hindi ganoon kadali for someone as young as he is na magkaroon ng maraming responsiblidad, ‘no! Tama na ang isa for now. Tsaka na lang niya dagdagan pag 35 years old na siya, okey? Ha-hahahaha!
Rica Peralejo naipit sa iskandalo, sinisi ang Media
Inisa-isa ni Rica Peralejo ang buong detalye nang kinasasangkutan niyang isyu ngayon tungkol sa pagpapapiktyur sa kanya ng ilang nurse sa St. Luke’s Global hospital.
Nalokah kasi si Rica dahil na-blown-out-of-proportion na ang pagpo-post niya sa social media sa pagka-disgusto niya sa pagpapapiktyur sa kanya while in pain.
Kaya inisa-isa ni Rica ang mga punto niya. Una sa mga nurse ng hospital, sabi niya sa kanyang blog, “I don’t hate nurses and never expressed that.
The media and some narrow-minded followers did that, not me. I have always meant to get at the leaders of the establishment, not you.”
Nanawagan din siya sa mga nagba-bash sa mga nurse na huwag gawin ‘to, “Please check the original post and not rely merely on media’s sensationalizing and faulty headlines.
We are all victims of click-baits! Let’s not fall for this. Let’s be smarter. And of all the outcomes I feel the saddest about this — ako na lang i-bash niyo.”
Nanawagan din si Rica sa mga taga-media, aniya “Please, make accurate headlines.” Nag-react din siya sa mga nang-aaway sa kanya sa social media, “You say I shouldn’t have posted my rant when there you are posting your rant against me.
So paano na? Kayo nalang pwede? Hahaha!” At sa huli, nabanggit ni Rica ang tungkol sa pagdi-disown sa kanya ng grandparents niya dahil sa paggawa niya ng bold movies years ago.
“Naturally they would. After all, I carry their last name in those TRASHY films. Even if they did not do any of those things, their name is imprinted boldly on every filth of a film.
I pray it is a lesson for all of us to also consider whose name do we dirty when we do things? That group of people who took photos of me live free of hassle today while St. Luke’s and nurses are getting all fired up.”
Marjorie, pinagtanggol ang legasyon ni Dennis kay Julia
Ipinagtataka ni Marjorie Barretto kung bakit patuloy pa rin ang pagsasalita ng dati niyang asawa na si Dennis Padilla tungkol sa inihaing petisyon ng anak nilang si Julia Barretto na palitan ang apelyido nito
Mula sa Baldivia, na siyang tunay na apelyido ni Dennis, ay hinihiling ng young actress na gawin itong Barretto.
Pahayag ni Marjorie, “You know, about the case kasi…
“I don’t know why Dennis is comfortable talking about it, may gag order kasing talaga.
“There was a gag order, so I cannot really talk about it.
“At saka mas maganda if Julia addresses the question herself.
“Ayoko namang ma-accuse na nakikialam or nang-iimpluwensiya.”
Sa opinyon ni Marjorie, mas maganda kung pabayaan na lang sina Dennis at Julia na ayusin ang isyung ito, at huwag munang makialam ang media.
“I wish, kasi this is very personal.
“I wish na hindi siya masyadong ma-cover or mahaluan ng… para peaceful ang maging resolution.
“Kasi, whatever... katulad niyan, kahit na anong maganap, dapat hindi na pag-usapan, kasi there’s a gag order.
“But if we leave them alone or Dennis, baka maayos nilang mas maganda kung hindi nai-involve ang media.
Sam YG on AlDub: 'Parang nagkaka-develop-an na yung dalawa'
“No script, it’s all organic.”
Ganito inilarawan ng Eat Bulaga! co-host na si Sam YG ang tambalang Alden Richards at Yaya Dub o mas kilala bilang AlDub.
Ang AlDub ang sinasabing pinakamainit na tambalan ngayon na napapanood sa KalyeSerye ng Eat Bulaga.
Pahayag ni Sam, “The beauty about AlDub is, it’s organic.
“Pati kami kinikilig, makikita mo naman kaming mga hosts, lahat kami kinikilig.
“Nung una kasi, with Alden, at least parang pa-joke joke lang, ‘Yaya Dub.’
"E, ngayon, totoong pangalan na ginagamit."
Maine Mendoza ang tunay na pangalan ni Yaya Dub.
Dagdag ni Sam, “Pero ngayon, parang nagkaka-develop-an na yung dalawa.
“All the viewers, whether you’re a viewer, you are there, tumatawid sa camera yung emotion, e.
“You can actually see it, the way she [Maine] smiles, it’s real.
“I think that’s why it’s so powerful and it's very effective.
"Kasi nga, there’s a thin line between comedy, drama... lahat ng elements nandun, e.
“You don’t know what’s gonna happen next.
New single ni Alden, No. 1 agad sa iTunes; talbog si Justin Bieber, Taylor Swift
TINALBUGAN ni Alden Richards sina Justin Bieber at Taylor Swift ngayong araw kung bentahan ng single sa iTunes ang pag-uusapan.
Ayon sa report, naging number one agad ang bagong single ng Kapuso singer-actor sa iTunes’ Philippine song charts.
Ang “Wish I May” ng ka-loveteam ni Yaya Dub ang most downloaded song sa iTunes as of this hour.
Kahapon lang ni-release ang nasabing single ni Alden pero napakabilis nitong umakyat sa number one spot.
At dahil sa wagas na suporta ng fans nina Alden at Yaya Dub, tinalo niya ngayong araw sa iTunes sina Justin Bieber, kung saan pumangalawa lang ang latest single nitong “What Do You Mean?” habang pumangatlo naman ang kanta ni Taylor Swift na “Wildest Dreams”.
Bukod dito, ang self-titled album ni Alden na ni-release noong 2013 ang sinasabing highest-selling album ngayon sa iTunes among Philippine releases.
Ella Cruz
Ella Cruz
Born: Gabriela Annjane Umali Cruz
Aug 17, 1996 (17)
Angat, Bulacan, Ph
Screen Names: Ella Cruz
Occupation: Actress, host, endorser, commercial model
Yrs active: 2006-present
Height: 4 ft 3 in
Gabriela Annjane "Ella" Umali Cruz, is a Filipina teen actress, model, product endorser, host, and commercial model. She become more popular in the country from her under ABS-CBN's Star Magic.
JM tsugi sa ASAP London tour; MMFF entry baka malasin din
HOW true, hindi na nakasama ang lead actor sa seryeng All Of Me na si JM de Guzman sa ASAPLondon dahil sa kinakaharap nitong problema?
Kuwento ng aming source, supposedly isa si JM sa unang batch ng mga Kapa- milya stars na lumipad patu- ngong London noong Mi- yerkules pero biglang nawala sa listahan si JM. Hindi naman binanggit sa amin kung sino ang pumalit sa kanya London tour ng ASAP.
Isa raw si JM sa most requested sa TFC London dahil nga sa All Of Me nito na talagang humahataw sa ratings game, na nagtala ng 18.4% sa pilot episode.
Ayon pa sa aming kausap, pinoproblema raw ng production ng AOM si JM dahil nga bumalik na naman daw ang attitude problema nito. Isa pang nalaman namin, 50-50% ang tsansang matuloy ang pelikula ni JM kasama si Jennylyn Mercado na “#Walang Forever”, isa sa official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival. Nakapanghihinayang naman kung totoo ang balitang ito.
DJ Mo naaksidente sa motor, braso at binti duguan
Naaksidente si Mo Twister habang sakay ng kanyang motorcycle recently.
Sunud-sunod ang tweet niya about his accident.
“So I just crashed on my motorcycle & took heavy damage to arms and legs. Want to say thank u to the @FedEx (not involved) for helping me.”
“@FedEx driver stopped his massive truck to pick up my Vespa & check my injuries. I appreciate. I likely won’t be on my radio show today. Fortunately I didn’t hit my head or get run over by a car though I’m hurt pretty bad on both arms & legs are a bit mangled at the moment.”
“The real tragedy here is that I can’t play the new ‘Metal Gear’ today. Was so excited to bring it home then I crashed. You sucks life.”
He also posted a of his bruised arm with this caption, “I’m selling tocino cheap! Come and get it. There’s a lot more on my legs for those interested. @iamsamoh @stationguy899.”
Marjorie kay Dennis: Iba ang sinasabi niya sa press, pero alam ko ang totoo!
NAGLABAS ng saloobin si Marjorie Barretto hinggil sa pagsasalita ni Dennis Padilla sa isinampang petisyon sa korte ni Julia Barretto na may kuneksyon sa pagbabago niya ng apelyido.
Kahapon sa grand presscon ng bagong teleserye ng TV5, ang Pinoy version ng Koreanovelang My Fair Lady starring Jasmine Curtis and Vin Abrenica, nakiusap si Marjorie na sana’y tumigil na sa pagdakdak ang kanyang dating dyowa.
Iba raw kasi ang sinasabi ni Dennis sa tunay na buhay kesa sa mga pinagsasasabi nito sa miyembro ng media. At ‘yun daw ang ikinasasama ng loob ni Marjorie at ng kanyang mga anak.
Kung matatandaan, sa mga huling panayam kay Dennis, sinabi nitong nagtataka siya kung bakit hindi pa rin iniuurong ni Julia ang kaso tulad ng napag-usapan nila noon, bakit daw tuloy pa rin ang hearing nila at parang wala naman daw itong ginagawang hakbang para iurong na ang petisyon sa pagbabago nito ng apelyido.
“Actually, may gag order na on that case, so, I don’t know why he’s keeping on talking about it,” simulang pahayag ni Marjorie nang makorner ng entertainment reporters sa prescon ng My Fair Lady.
Ano’ng feeling ni Julia tungkol dito? “You know, mahirap naman talagang kalabanin ang magulang mo, ang tatay mo, kasi kahit anong sabihin niya, mami-misinterpret, iba ang magiging opinion ng tao. Kaya tahimik na lang ang anak ko.”
May komento ba siya sa pagsasalita ni Dennis about the case? “He’s saying something else in public, iba yung sinasabi niya sa personal, iba yung sinasabi niya sa inyo (press). Kaya nasasaktan ako para sa mga anak ko. Sana ipakita na lang niya ‘yung totoong ginagawa niya sa mga bata. Yung totoong sinasabi niya sa mga anak ko, the way he says it, sana yun din ang sabihin niya sa media, pero ibang-iba, e.
“I would want to appeal to him na sana kung anuman yung personal, sa amin na lang, within the family na lang, wag na niyang ipa-cover or what. Sana maayos na yung relasyon nilang mag-aama na hindi na isinasali ang publiko.
“I know the truth, the whole truth and there’s a different side, the truth is different from what he tells everybody. Hindi ko rin naman mapatulan kasi naaawa ako sa mga bata, e,” paliwanag ni Marjorie.
Nasasaktan ba siya kapag bina-bash o binabastos si Julia sa social media at sinasabing masamang anak ang dalaga? “I wish people would hold their judgement, kasi there’s a deeper story, and I don’t have plans of divulging it.
“Ang sama ng loob ko, hindi na dahil sa akin, super wala na kami, nine years na kaming hiwalay, lahat ng hinanakit ko para sa mga anak ko. Kasi nalalagay sa position ang mga bata kung saan hindi nila kayang lumaban.
“So, napapasama sila, kasi hindi nila nai-air ang side nila. Yun ang ikinasasama ng loob ko. Why put our children in that position? I would wish na sana he would just support our children, give them words of encouragement. Or tell them, ‘Anak, I’m so proud of you.’ Or isipin niya yung anak ko, hindi na natutulog sa katatrabaho trying to build a name and future for herself.
“Any negative words from him is very painful to her. Nagtatrabaho ang anak ko, trying to save for her future, tapos hindi naman niya pwedeng i-defend ang sarili niya dahil dito sa atin, alam n’yo naman pag anak, hindi ka pwedeng sumagot sa parents mo, so it’s painful,” patuloy pa ni Marjorie.
Billy: Mas sira-ulo kami ni Melai!
AARIBA na ang second season ng Your Face Sounds Familiar simula sa darating na weekend to be hosted by Billy Crawford and Melai Cantiveros. Umaasa si Billy na matatapatan kundi man mahigitan ng walong celebrity contenders ang tagumpay ng season one.
“I think ‘yung goal namin is hindi malampasan but sana mapantayan lang. Ang goal lang talaga namin dito is magpasaya ng tao. That’s what we strive for,” ani Billy.
“I’m really nervous kasi usually kapag may shows na ganito and it’s the second season, you really don’t know what to expect anymore kasi the first season is really successful. Hopefully it will be as good as the first one or maybe even better,” dagdag pa ng TV host-actor.
“Pero ang sasabihin ko sa inyo, mas sira ulo (kami ni Melai dito). We get to just enjoy being on stage, it’s not just pure harutan. Si Melai kasi, she has a special part,” chika pa ni Billy.
Kaya tutukan ang pagsisimula ng YFSF Season 2 simula Sept. 12 sa ABS-CBN lang.
Netizens nag-away-away dahil sa kasalang Vic-Pauleen
Finally, inamin na rin ni Vic Sotto na engaged na nga sila ni Pauleen Luna.
Noong una, nag-post si Pauleen ng photo ng kamay niya while wearing what looks like an engagement ring. Then, a photo was also posted by Beverly Vergel sa kanyang Instagram account and she congratulated Pauleen.
Sa kanyang recent interview naman ay inamin ni Vic na engaged na nga sila ni Pauleen. Pero hindi naman siya nagbigay pa ng ibang detalye kung paano siya nag-propose, kung saan nangyari ang kanilang engagement.
Wala rin siyang ibinigay na detail kung saan sila magpapakasal at kung kailan talaga ang wedding.
Agad-agad namang nag-post si Pauleen ng “ENGAGED” sa kanyang Twitter account after aminin ni Bossing Vic na engaged na sila ng dalaga.
This was followed by an Instagram post of her engagement ring which she captioned, “In God’s perfect time.”
Ang lumabas na chika, sa December daw ang wedding ng couple. At three karat diamond daw ang engagement ring ni Pauleen. Actually, sari-sari ang reaction ng mga tao sa engagement ng dalawa.
“Sana tuluy tuloy na. problem baka hanggang engagement lang. knowing vic, paasa,” said one fan.
“Grabeh 61 vs 26 pala ang age nito. Hay naku Vic kadiri ka!” tili naman ng isang guy.
Na kaagad namang sinagot ng fan ni Vic ng, “Ano namang kadiri ang sinasabi mo? Nothing is wrong with a huge age gap dahil pareho naman silang adults. At least inamin ni Vic ang engagement and there is nothing wrong with that at all!”
May nagmahadera naman at nagsabing, “Naalala ko tuloy yung video ng little ms philippines na si vic ang nagtatanong kay pauleen, lol!”
Teka, ano naman kaya ang reaction ng mga anak ni Vic na sina Danica Sotto at Oyo Sotto sa engagement ng kanilang ama kay Pauleen?