Friday, September 4, 2015

Marjorie kay Dennis: Iba ang sinasabi niya sa press, pero alam ko ang totoo!




NAGLABAS ng saloobin si Marjorie Barretto hinggil sa pagsasalita ni Dennis Padilla sa isinampang petisyon sa korte ni Julia Barretto na may kuneksyon sa pagbabago niya ng apelyido.

Kahapon sa grand presscon ng bagong teleserye ng TV5, ang Pinoy version ng Koreanovelang My Fair Lady starring Jasmine Curtis and Vin Abrenica, nakiusap si Marjorie na sana’y tumigil na sa pagdakdak ang kanyang dating dyowa.
Iba raw kasi ang sinasabi ni Dennis sa tunay na buhay kesa sa mga pinagsasasabi nito sa miyembro ng media. At ‘yun daw ang ikinasasama ng loob ni Marjorie at ng kanyang mga anak.

Kung matatandaan, sa mga huling panayam kay Dennis, sinabi nitong nagtataka siya kung bakit hindi pa rin iniuurong ni Julia ang kaso tulad ng napag-usapan nila noon, bakit daw tuloy pa rin ang hearing nila at parang wala naman daw itong ginagawang hakbang para iurong na ang petisyon sa pagbabago nito ng apelyido.

“Actually, may gag order na on that case, so, I don’t know why he’s keeping on talking about it,” simulang pahayag ni Marjorie nang makorner ng entertainment reporters sa prescon ng My Fair Lady.

Ano’ng feeling ni Julia tungkol dito? “You know, mahirap naman talagang kalabanin ang magulang mo, ang tatay mo, kasi kahit anong sabihin niya, mami-misinterpret, iba ang magiging opinion ng tao. Kaya tahimik na lang ang anak ko.”
May komento ba siya sa pagsasalita ni Dennis about the case? “He’s saying something else in public, iba yung sinasabi niya sa personal, iba yung sinasabi niya sa inyo (press). Kaya nasasaktan ako para sa mga anak ko. Sana ipakita na lang niya ‘yung totoong ginagawa niya sa mga bata. Yung totoong sinasabi niya sa mga anak ko, the way he says it, sana yun din ang sabihin niya sa media, pero ibang-iba, e.

“I would want to appeal to him na sana kung anuman yung personal, sa amin na lang, within the family na lang, wag na niyang ipa-cover or what. Sana maayos na yung relasyon nilang mag-aama na hindi na isinasali ang publiko.
“I know the truth, the whole truth and there’s a different side, the truth is different from what he tells everybody. Hindi ko rin naman mapatulan kasi naaawa ako sa mga bata, e,” paliwanag ni Marjorie.

Nasasaktan ba siya kapag bina-bash o binabastos si Julia sa social media at sinasabing masamang anak ang dalaga? “I wish people would hold their judgement, kasi there’s a deeper story, and I don’t have plans of divulging it.


“Ang sama ng loob ko, hindi na dahil sa akin, super wala na kami, nine years na kaming hiwalay, lahat ng hinanakit ko para sa mga anak ko. Kasi nalalagay sa position ang mga bata kung saan hindi nila kayang lumaban.

“So, napapasama sila, kasi hindi nila nai-air ang side nila. Yun ang ikinasasama ng loob ko. Why put our children in that position? I would wish na sana he would just support our children, give them words of encouragement. Or tell them, ‘Anak, I’m so proud of you.’ Or isipin niya yung anak ko, hindi na natutulog sa katatrabaho trying to build a name and future for herself.

“Any negative words from him is very painful to her. Nagtatrabaho ang anak ko, trying to save for her future, tapos hindi naman niya pwedeng i-defend ang sarili niya dahil dito sa atin, alam n’yo naman pag anak, hindi ka pwedeng sumagot sa parents mo, so it’s painful,” patuloy pa ni Marjorie.



No comments:

Post a Comment