Friday, September 4, 2015

Piolo mas lalo pang yumayaman dahil sa pagiging ‘kuripot’




AHENTE rin pala ng insurance mula sa ine-endorse niyang Sun Life Financial si Piolo Pascual. Hitting with two birds in one stone ang drama ni Papa P, huh!

And why not? Hindi naman masama ‘yun lalo na kung may magandang imahe naman si Papa P na ini-instill sa mga kapwa niya artista. Kilala sa showbiz ang pagiging “kuripot” ng aktor at kung gaano siya kagaling mag-handle ng pera.

Kaya hindi kataka-taka na ma- ging curious ang iba kung saan dinadala ni Papa P ang kanyang milyones. At dito na nga papasok ang kuwento ng walang tigil na pagkuha niya ng policy sa Sun Life at saka niya ipapakausap ang sister niya doon sa interesado to explain how it goes.

For the record, mahigit limang policy na ang natapos bayaran ni Papa P. Labas pa riyan ang dalawang policy na kinuha niya para sa anak na si Iñigo Pascual kung saan ang isa riyan ay pwede nang makuha ni bagets when he reaches 18.
For the first time naman ay napanood naming mag-concert ang mag-ama during the free concert sa SM Pampanga. Before the show, we had the chance na makausap si Papa P sa dressing room nila ni Iñigo.

We asked him kung may plano ba silang magsama ng anak sa mas malaking concert. “Actually, I had a meeting with Star Records last Thursday. So, I’m gonna do an album.

Ang hirap kasi parang kapag nagpepelikula ka, kapag nagso-soap ka, kapag pinagsabay mo, and then, wala ka namang cut-off, or even if you have a cut off, the next day parang ang hirap kapag wala kang tulog,” pahayag ni Piolo.

Magtatatlong taon na raw mula noong huli siyang gumawa ng album. Even concert ay matagal na rin niyang ‘di ginagawa. “Even concert every year they asked me.

They asked me for Valentines, Christmas, throughout the year. Mas gusto ko kasing nagpo-focus sa isang bagay, e. Ayoko nang pinagsasabay even you know for my rest days,” esplika pa sa amin ni Piolo.

Balik-recording daw siya sa Disyembre. At ‘yung concert naman with his son, mukhang matagal pa.

No comments:

Post a Comment