a blog and Super Collections for all Classic Tagalog Movies and Actors from 1912 to 2016 from famous and not so famous Movies in the Philippines, Actors and Actresses, Directors, Movie Company and Great Actors of Silent Films from Prewar up to the Present of Movie Video, Bluffs and other happenings and Award Giving Bodies.
Tuesday, September 1, 2015
Karla ano ang masasabi mo sa itinatapat sa anak mong si Daniel na si Alden?
Noong 2011 at nasa GMA Network pa si Karla Estrada ay gumanap siyang ina ni Alden Richards sa afternoon soap na Alakdana.
Ang Alakdana ang kauna-unahang project ni Alden bilang isang artista.
Pagkalipas ng apat na taon, umalagwa na nang husto ang career ni Alden, lalo na ngayon dahil sa phenomenal AlDub tandem nila ni Maine Mendoza (na mas kilala bilang Yaya Dub) sa kanilang kalyeserye sa Eat Bulaga.
Masayang-masaya raw si Karla para sa anak-anakan niyang si Alden.
Pahayag ng actress-singer, “Happy ako dahil nakitaan ko na siya ng potensiyal, e.
“Sinabihan ko siya na, 'Pagpatuloy mo lang, matuto kang makisama and darating yung time mo.'”
May ikinuwento pa si Karla na isang insidente noong nagte-taping sila ni Alden ng Alakdana.
Sa pagbabalik-tanaw ni Karla ay magdya-judge noon si Alden sa isang pageant sa Laguna.
“E, di ba, may pagka-pakialamera ako?
“Parang kailangan na niyang umuwi sa Laguna, tapos parang hindi pa siya pinapayagan sa set dahil meron pa siyang eksena.
“Nakialam ako, so pinaalis ko siya.
"Kinausap ko pa yung mga hura-hurado dun sa Laguna, ‘Parating na siya, hintayin niyo siya, huwag niyo naman siyang ngaragin!’
“Tanungin mo siya, maaalala niya yun!” natatawang kuwento ni Karla.
Sa tingin ba niya ay long overdue na ang kasikatan ni Alden?
“Medyo. Natagalan, oo natagalan, pero wala namang makakatalo dun sa right timing na ganun.
"Pag right timing, e, di right timing, di ba?"
Hindi naman kaila sa lahat na si Karla ay ina ni Daniel Padilla, isa sa pinakasikat na young stars ngayon kasama ang ka-loveteam nitong si Kathryn Bernardo.
Ano ang masasabi ni Karla na itinatapat ang AlDub loveteam sa KathNiel tandem nina Kathryn at Daniel?
“Ang cute lang!” tawa ni Karla
A Tear Fell (1970) - Victor Wood
A tear fellwhen I saw youin the arms of someone newA tear fellall alone and feeling bluewhen you left meA tear fell when you told meOh, I didn't miss the teardropsthat your love was not for me but I missed you constantlyThe teardropsA fool am I, a fool am I, in love.Were crushed likethat you stepped on as you danced across the floorwhen you told memy poor heart was when you walked out of my door A tear felllike this tear dropsthat the flame in your heart died Darlin' have I lost you from my eyes?when you told meA fool am I, a fool am I I in love... (Instrumental) A tear felllike this tear drops from my eyesthat the flame in your heart died Darlin' have I lost you A fool am I,
a fool amI in love...
Ejay sa relasyon nila ni Ellen: Ayoko nang magpadalus-dalos!
MARAMING bumibilib kay Ejay Falcon bilang breadwinner ng kanyang pamilya. Talagang inuuna niya lagi ang kanyang family kesa sa pansariling kaligayahan.
Sa presscon ng bagong season ng Wansapanataym, ang I Heart Kuryente Kid na pinagbibidahan nila ni Alex Gonzaga, nakaka-relate raw talaga ang binata sa role niya sa nasabing programa dahil sa pagiging mapagmahal nitong anak at kapatid.
“Ako panganay din ako at meron din akong mga kapatid pero ano siya parang parehas kami, parang ang bilis kong nakahugot sa mga karakter na ito dahil sa kwento ni Tonio (role sa Wansapanataym),” kuwento ng hunk actor.
Breadwinner din daw kasi siya sa tunay na buhay, “Breadwinner din ako, ako ang nagpapaaral sa ka- patid ko.”
Naniniwala rin si Ejay na pinagpapala ang mga mapagmahal na kapatid at anak, “Masasabi ko na parang mabuti akong tao kasi bago ako gumawa ng hindi magagandang bagay, pinag-iisipan kong mabuti kasi ayaw kong mawala sa akin itong ibinigay sa akin so ayokong maapektuhan ang family ko, mga kapatid ko.”
Proud na proud ding i- binalita ng Kapamilya actor na malapit na niyang mapagtapos ng college ang dalawa sa kanyang mga kapatid.
“Nakaka-proud kasi meron akong kapatid na magtatapos. Ang sarap ng feeling na makakatapos na ang mga kapatid ko. Parang ‘yun na talaga ‘yung premyo sa lahat ng paghihirap ko,” anang binata nang makachika ng ilang reporters sa presscon ng Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid na nagsimula na noong Linggo.
Bukod dito, hindi rin nakakalimutan ni Ejay na balikan ang kanyang pinanggalingan. Alam n’yo ba na regular na dumadalaw ang aktor sa probinsiya kung saan siya lumaki? Tuwing December, nag-i-sponsor siya ng basketball at gift-giving activity sa isang lugar sa Mindoro.
“Nagpapa-basketball, nagpapa-liga every December 26 to December 31 and every December 31, nandon kami lahat sa basketball court at lahat ng endorsements ko ‘yung mga sponsors, ‘yung mga gift sa akin, ibinibigay ko sa lahat ng mga tao, ‘yung mga giveaways ‘yung iba nagpapa-raffle,” anang binata.
Alam daw kasi niya ang feeling ng walang natatanggap na regalo tuwing Pasko at birthday.
“Naranasan ko noong bata ako dati ‘yun nga parang humingi ako ng gift every Christmas, hindi ko nararamdaman dati.
“Nakikita ko ‘yung mga bata ngayon na wala ‘yung mga parents nila, walang mabigay so ako ‘yung parang kahit simpleng pabango, simpleng sapatos ibinibigay ko sa kanila.
Ang sarap sa feeling na ginagawa ko siya for five years na,” pagbabalik-tanaw pa ni Ejay. Samantala, tigas pa rin sa pagtanggi si Ejay na magdyowa na sila ni Ellen Adarna, ang partner naman niya sa afternoon series na Pasion de Amor.
Single na single pa rin daw siya, “Wala pa po talaga. Single po talaga ako. Wala pa po, ano pa lang kami, sabi ko nga siya ‘yung pinakamalapit na babae sa akin.
Palagi ka- ming magkasama. Sobrang close kami ni Ellen.” Dagdag pa niya, “Luma- labas po kami pero group naman kami.”
Posible bang mag-level up na ang kanilang friendship very soon? “Ayoko na kasing padalos-dalos kasi ‘yung ang aking nakaraan kasi. ‘Di ba dati po masyadong mabilis ‘yung pangyayari? Dahil doon natuto naman ako so siguro ngayon po mas importante na makilala ko ‘yung tao.
Mas matagal pa naman kaming magkasama. Ayokong madaliin ang mga bagay-bagay. So kung darating naman kami doon, aaminin ko.”
Hirit pa nito, “Kasi si Ellen gusto ko talaga ‘yung personality niya kasi sobrang…sabi ko nga kahit saan mo siyang dalhin eh napaka-cowboy niyang tao, sa sosyal o sa jologs, kaya niyang pa- kisamahan lahat.
Nagugulat nga ako sa kanya kasi alam naman natin na lumaki sa yaman si Ellen pero pagnakausap mo siya parang nakikipag-usap siya kahit kanino sa set.
Napaka-humble niyang tao, sobrang humahanga ako sa personalidad niya.” Sa taunang Star Magic Ball, si Ellen ang magiging ka-date ni Ejay. So, alam n’yo na!
Mga seksing cover girls kabog sa bagong pasabog ni Vice Ganda
Kabogera talaga itong si Vice Ganda.
Aba, siya lang ang first gay na nasa cover ng Mega magazine for its September issue. This is the very first in Asia, ha!
“Set in the picturesque Lavender Fields of Hokkaido, Japan, we marvel at the realization of a re-imagination that is Vice Ganda (@praybeytbenjamin).
A multi-faceted performer and ally in the LGBT cause, Vice Ganda walks us through the story of his life as he is photographed wearing floor-grazing feminine numbers in the most airy of pastels.”
‘Yan ang maikling mensahe about Vice sa magazine na available na on Sept. 9. Naku, tiyak na mas kabogera ang mga outfits ni Vice Ganda sa pages ng Mega.
For sure, magpipiyesta ang fans niya sa mga dresses niyang tiyak na kaiinggitan ng marami or kokopyahin ng mga beki.
Coco sa mga bading na pulis: Hanga ako sa katapangan nila!
INAABAGAN na ng madlang pipol ang nalalapit na pagsisimula ng TV version ng classic FPJ film na Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ng Teleserye King na si Coco Martin with Maja Salvador and Bela Padilla as his leading ladies.
Kambal ang magiging role ni Coco sa nasabing Primetime Bida series, ang isa ay magiging mabuting alagad ng batas ngunit mapapaslang agad ng kalaban at ang isa nama’y pinagkakatiwalaang miyembro ng SAF na siyang gagamitin ng pamunuan ng pulisya para mahuli ang pumatay sa kanyang kakambal.
At dahil nga kapulisan ang tema ng nasabing serye, sa nakaraang presson ng Ang Probinsiyano, natanong si Coco kung ano ang masasabi niya sa mga pulis na bading.
Sey ng Kapamilya actor, wala siyang nakikitang masama kung bading man ang isang pulis, “Sa tingin ko, walang problema du’n. Actually, kahanga-hanga nga po yon, eh.
Dahil siyempre, unang-una, hanggang hindi niya dinudumihan yung uniporme nila, hangga’t nirerespeto nila yung trabaho nila at ginagawa yung trabaho nila, wala pong problema do’n.”
Dagdag pa niya, “Kasi, iba naman po tayo sa trabaho natin at sa personal na buhay natin. Sa akin po, wala pong masama don sa mga ganung bagay.”
Natanong din si Coco kung nate-threaten pa ba siya kapag may dumarating na bago at mas batang aktor sa showbiz, lalo na sa ABS-CBN? “Kahit nu’ng nasa indie pa ako, hindi po pumapasok sa isip ko ang kompetisyon.
Basta ako, ginagawa ko kung ano yung tingin kong tama.” Wala raw siyang nararamdaman ngayon kundi feeling blessed kaya puro pasasalamat na lang ang ginagawa niya, “At paano ako napagpapasalamat? Siyempre, dapat tumulong din ako sa mga taong nagsisimula na kagaya ko noon.
Kasi, sabi ko nga, nu’ng nagsisimula ako, maraming mga taong tumulong sa akin. “So, bakit hindi ko ise-share ‘yon? Kumbaga, ito yung pagkakataon na mai-share ko kung anuman yung mga blessings na nakukuha ko ngayon sa buhay ko,” aniya pa.
“Ano bang mapapala ko kung makikipag-compete ako? Bakit hindi ko na lang i-share kung ano yung talentong nalalaman ko sa kanila. Kaya ganu’n ang ginagawa ko nga- yon sa mga nakababatang artista sa akin.
“Masarap kasi sa pakiramdam kapag may mga taong na-appreciate ka, kapag nakakatulong ka. Eh, ano pa bang hahangarin ko sa ngayon? Sobra-sobra na po kung anong meron ako ngayon… sobra na po para sa akin,” paliwanag pa ng Teleserye King.
Samantala, makakasama rin ni Coco sa Ang Probinsiyano si Ms. Susan Roces na gaganap na lola niya sa serye, at inamin ni Coco na kahit sa tunay na buhay ay parang maglola na talaga ang turingan nila ng biyuda ni FPJ.
“Nakikita ko talaga na para ko siyang lola. May panahon ako sa kanila para kumustahin sila, para makipagkuwentuhan sa kanila, alagaan sila sa set.
Kasi, sabi ko nga napaka-thankful ko na nandiyan sila para sa akin, para tulungan ako at suportahan,” ani Coco. Hiningi na ba ng veteran actress ang suporta niya para sa pagtakbo ng anak nitong si Sen. Grace Poe sa 2016 elections? “Sa akin po, hindi po sa akin pamantayan na parang…at klaro po sa amin ni Tita Susan yon.
Sa totoo lang po, walang halong kasinungalingan, pero never naming pinag-usapan kung tutulungan ko ba siya o hihingi siya sa akin ng tulong. Kapag nag-uusap po kami ni Tita Susan, about sa personal na buhay, about sa trabaho namin.
“Kasi, alam kong napakataas din po ng respeto niya sa akin, eh. Na para tanungin o lapitan. Kasi, maski siya ‘pag tinanong mo, sasagutin niya lang na ‘hindi ko alam sa anak ko kung anong plano niya.’ Kasi ganu’n yung respeto nila sa isa’t isa,” chika pa ng award-winning actor.
Mark, Rocco naiinggit nga ba sa kasikatan ni Alden?
Nang matanong naman sina Mark Herras at Rocco Nacino kung naiinggit o nai-insecure sila kay Alden, sinabi ng dalawa na masaya rin sila para sa Kapuso leading man.
Basta may Kapuso raw na nagtatagumpay ay sinasaluduhan nila, at pareho raw nilang kaibigan ang binata. Alam daw nila kung paano magtrabaho si Alden at kung gaano ito kasipag.
Mapapanood ang StarStruck Season 6 mula Lunes hanggang Biyernes simula sa darating na Sept. 7 sa GMA bago mag-24 Oras.
Yaya Dub pinangaralan ang Aldub fan na nanlait kay Kathryn: Make love, not war!
HINDI nagustuhan ng ka-loveteam ni Alden Richards na si Maine Mendoza ang isang tweet which compared her legs with that of Kathryn Bernardo.
“Aren’t Maine Mendoza’s legs lovely? She’s not SAKANG unlike some other starlet we know…
#ALDUBTheREVELATION,” said one @bimby_kalerQUI recently after posting a photo of a plier and Kathryn’s legs.
“@bimby_kalerQUI friendly reminder: kung hindi maayos ang sasabihin sa kapwa mas mabuti pang wag na magsalita. Make love, not war,” ang naging tugon naman ni Maine.
Obvious na ginamit ang anak ni Kris Aquino ng isang basher by using his name on his Twitter account. Bobo lang ang mag-iisip na si Bimby nga ang nag-tweet noon, ‘no.
Anyway, marami ang pumuri kay Maine sa kanyang “make love, not war” stance. “Maine, Liza, Julie Anne, Nadine are definitely the role models. They don’t tolerate these kind of fans. Saludo.”
“Maine, Liza, and Nadine are the only celebs I know that have reprimanded their fans on social media. This is why I love all three of them.”
“Ayan dapat ganyan, hindi yung kinukunsinti pa ang fandom kaya lalong nagiging war- freak! To think na postive compliment ang kay Maine dito.
This is against K, but pinagtanggol pa rin ni Maine, go AlDub! Nakakbilib lang. Really a breath of fresh air! Ibang iba sa ibang fandom na nakasanayan na ntin dito sa Pinas, mga warfreaks.”
One suggested Kathryn na, “Dapat si Kath pinagsasabihan din mga fans ng KN na bawas bawasan ang pagiging warfreak, See? si Maine pinagsasabihan nya kasi di nya tinotolerate mga ganyang bagay kaya sa AlDub fandom hindi rin sila nagtotolerate ng ganyan kasi nga alam nila na ayaw ni Maine ng hindi magandang comments sa iba.”
Lea nagpaputol ng buhok, may pinagdaraanan?
LUMIPAD papuntang New York, USA ang Broadway Diva na si Lea Salonga right after ng grand finals ng The Voice Kids kung saan isa siya sa mga coach last Monday. Balik-Broadway si Lea at next year na siya ulit mapapanood sa The Voice for the blind auditions.
“Alis na ako tomorrow for New York and I’ll have this entire season. Ibabaon ko, masarap na baon ‘to habang ako’y matagal na mawawala,” lahad ni Lea referring to TVK.
Nakausap namin si Lea sa red carpet ng The Voice Kids na ginanap sa Resorts World Manila bago ang live telecast nito sa ABS-CBN last Sunday. Si Lea ang coach ng dalawa sa grand finalists na sina Esang ng Tondo at si Reynan na taga-Bukidnon.
Sad to say, si Elha Nympha mula sa Camp Kawayan ni Bamboo ang tinanghal na grand champion. Bukod kay Elha, isa pa mula sa team ng Rock Icon ang pumasok sa grand finals and that’s none other than Sassa na taga-Pampanga.
Natalo man ang mga panlaban ni Lea sa grand finals, super proud daw siya dahil sa mga nagawang pagkanta nila and their journey in the show has just been very, very inspiring.
“So, kahit ano’ng mangyari, uhm, tanggapin natin kasi ‘yun ang batayan ng mga…ng sambayanan na bumoboto. Huwag mag-alala dahil eto na ang umpisa ng mga singing career ninyo ngayong gabi. This is where it begins,” ani Lea.
Nagbigay din ng paunang mensahe si Lea para sa tatanghaling grand champion sa The Voice Kids season 2, “To whoe- ver wins, congratulations to you. You absolutely deserved it.
Ah, enjoy the rest of the whirlwind ride.”
Tinanong din namin si Lea kung matutuloy pa ba ang movie nila ni Aga Muhlach under Star Cinema, “When I’m back for good na,” sabi ni Lea. “Kung kailan man ‘yun. I mean, I get back, and then, I think there’s some waiting time. I need, rest talaga for couple of years.”
Bumata naman ng ilang taon ang mukha ni Lea with her new hairstyle. Usually sa showbiz kapag nagpapagupit ang mga babaeng artista, may kasunod na agad na isyu na merong pinagdadaanan sa personal nilang buhay.
“Wala,” mabilis na tanggi ni Lea. “No emotional, nothing. I just wanted a change. I wanted convenience. I want that when I got up in the morning I can run up the door and my hair will be good. It’s just fun.”
Sarah G. umaming naapektuhan sa pagkatalo ng 2 ‘anak’ sa Voice Kids
Sinabi naman sa amin ng isa pang coach sa The Voice, ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, na kalmado na raw ang kanyang Popsters pagkatapos mag-trending sa social media ang ‘di pagpasok isa man sa pambato ng Team Sarah.
Hindi na rin daw nagsabi sa Popster na kahit wala silang “manok” sa grand finals ay may particular contestant sila na susuportahan, “Hindi kami nag-usap.
Bahala sila kung sino sa tingin nila ang pinaka-deser- ving na manalo,” sey ni Sarah. Inamin naman ni Sarah na malungkot siya dahil walang pumasok sa grand finals sa kanyang team, “Pero ganoon talaga.
Nangyayari talaga ‘yun. At ang ano ko lang is manalo kung sino talaga ang pinaka-deser- ving.”
Pero may personal bet si Sarah that night.
Kaya lang ‘di naman ni-reveal kung sino ang kanyang bet. Sa pagkakabokya ng Team Sarah this season sa The Voice Kids, marami raw siyang learnings na nakuha.
But she’s thankful na rin na naging bahagi pa rin siya ng season 2. Kaya nagpapasalamat siya sa The Voice family.
Opppsss, parang may gusto yatang ipahiwatig si Sarah, huh! Iiwan na ba niya ang The Voice?
Liza nakabili na ng bagong bahay para sa pamilya; muling mag-iipon para sa sariling dream house
NAKAKATATLONG taon pa lang si Liza Soberano sa showbiz ay heto’t nakabili na siya ng sariling bahay para sa kanyang pamilya sa isang eksklusibong subdibisyon.
Kaya nga biro namin sa dalagita ay isang bahay at condo pa ang bubunuin niya dahil ito ang usapan nila ng manager niyang si Ogie Diaz base sa kanilang 10-year contract.
Sagot ng dalagita, “Opo, pero matatagalan pa po ‘yun kasi ito talaga ‘yung magiging dream house ko.”
Sa bagong biling bahay na nakatira ngayon ang mag-anak ni Liza, “Kasi at least, alam ko na safe na ako na may house na akong stable at alam ko na kung may mangyari sa akin, knock on wood, at least, mayroon silang titirhan and I don’t have to worry about that.”
Samantala, inamin ni Liza na hindi siya mahilig magpalinis ng kuko sa salon dahil siya lang daw ang naggugupit ng mga kuko niya sa kamay at paa lalo’t maiiksi naman ang mga ito.
Sabi ng batang aktres ay kapag may okasyon siyang pupuntahan ay saka lang siya nagpapa-manicure at pedicure pero kung sa taping o shooting lang naman ay dedma siya.
“At least now, may professionals ng magka-cut at maglilinis ng nails ko, lalo na sa mga photo shoot ko sa ASAP na rati hindi ko nagagawa ‘yun, at least ngayon may (regular) ng mag-aalaga,” say nito sa ginanap na contract signing bilang unang celebrity endorser ng Nails.Glow Spa Salon kasama ang manager niyang si Ogie at may-ari na sina Ferdie at AJ Opena.
Ang pagiging simple at maganda ni Liza ang nagustuhan sa kanya ng lahat kaya naman sa ginanap na survey ng mag-asawang Ferdie at AJ kasama ang binuong research team at group discussion among their franchisees para sa kukunin nilang ambassadress ay pangalan ng batang aktres ang binabanggit.
Inamin naman ng mga may-ari ng nasabing nail salon na maraming binanggit na teenstar na sikat din, pero si Liza ang nanguna sa survey kaya hindi na sila nagdalawang-isip pa dahil kaagad na nilang kinuha para maging mukha ng kanilang kumpanya na mayroon ng 40 branches sa buong Pilipinas.
Malaki raw ang pagkakaiba ng nasabing salon sa iba, “Usually kasi kapag maganda o high-end ang dating ng salon, akala nila, mahal, pero sa amin, sosyal ang salon pero pang-masa ang presyo kaya maraming nagugulat na ganu’n lang pala ‘yung babayaran nila after the services,” kuwento ni Ferdie.
Ang ilan sa mga branches nila ay matatagpuan sa Tandang Sora, Quezon; Farmer’s Plaza, Cubao; Tanay Rizal; Frisco; Binondo Manila, Zapote, Las Piñas, Guiguinto, Bulacan, Starmall Molino, Cavite, Anonas, Cubao, Sta. Lucia East Grand Mall, Cainta at marami pang iba.
Tulad ng inaasahan, sa darating na Star Magic Ball ay si Enrique Gil ang ka-date ni Liza, dito na nga nabanggit ng dalaga na gustung-gusto niya ang mga kuko ng aktor dahil malilinis kahit na hindi ito nagpapa-manicure.
“Turn off po ako sa maruming kuko, saka gusto ko ang magandang feet like my father. Hindi ko pa nakita ang mga kuko ni Ken (Enrique) sa paa kasi parati siyang naka-shoes,” sabi ni Liza.
At dahil permanenteng loveteam na sina Liza at Enrique kaya muling tinanong ang dalagita kung kailan nila ito gagawing totoo. “Ahm, nagpaparamdam po siya, pero ang priorities ko, I’m focusing on my career talaga kasi marami pa po akong kailangang bayaran lalo na ‘yung bahay ko,” sabi ng dalagita.
At kapag nagpaparamdam daw ang binata sa kanya, “Shrug off lang,” sambit ni Liza. Kaya tinanong namin kung selosa siya kapag nakikita niyang may ibang kausap na babae si Enrique, “Hindi naman po wala naman po,” sagot niya.
Sa darating na Enero 4, 2016 ay isa nang ganap na dalaga si Liza pero wala raw debut party na magaganap dahil ayaw niya.“Ayoko lang po ng engrandeng debut kasi preparations for it parang sobrang daming stress na mapupunta sa akin, gusto ko lang charity events.
“Simpleng party with family and close friends, ‘yun lang po, I really want it to be sentimental and I just want to be with the people I love talaga on my 18th birthday and to start something new.
“Kinausap na po ako ni Mr. M (Johnny Manahan) at sabi niya, hindi raw po niya ako pipilitin kung ayaw ko,” paliwanag ng dalagita.
Gusto rin daw magkaroon ni Liza ng action movie, “Kasi po dito parang walang ganu’n, I like The Walking Dead TV series in America, so ako, naastigan ako sa mga ganu’n, so I just wanna try to build-up once, kasi dito sa Philippines walang gumagawa, sa mga indie (films) lang, so gusto kong gawin ito sa mainstream para maiba naman,” pahayag pa ng dalaga.
Busy si Liza sa shooting ng bagong movie nila ni Enrique at inihahanda na rin ang next soap nila
Showbiz reporter pumiyok, 2 beses inisnab ni Marian
Our very amiable friend Alwin Ignacio was kinda pissed off by Marian Something’s snobbery attitude.
“Noong unang Linggo ng Sunday PINASAYA, kami ni Ate Julie (Bonifacio), nasa dressing room nila ni AIAI.
Nakita niyang ini-interview namin si AiAi pero ni hi or hello, hindi nagpabalat bunga si Rivera. Ito ang the height, pumasok si Dingdong sa dressing room.
Nakita ako at bumunghalit, ‘O, Alwin, kamusta ka?’ “Imposibleng hindi narinig ni Marian na binati ako ni Dong. Kung may good manners at right conduct siya, narinig mong ang isang reporter eh binati ng asawa mo, lalapit ka sa amin, at kung hindi niya kami kilala, mag-e-effort ka na magpakilala.
Inisip ko na lang painfully shy siya. “Eto ang classic, sa 3rd week ng PINASaya, andun kami ulit ni Ate Julie. Papasok kami sa dressing room.
Saktong palabas siya, nagkasalubong kami pero as usual, deadma na naman ang hitad, wa niya kami pinansin. Isang Linggo lang ang pagitan pero hindi niya pa rin kami kilala.
“Inisip ko nga noong una na painfully shy kaya di niya kami pinansin kahit pa nga pinansin ako ni Dingdong. Eh may part two pa, OA naman na sa second time namin sa dressing room, hindi niya pa rin maatim na ngitian man lang kami.”
‘Yan ang mahabang aria ni mareng Alwin. Naku, baka mabasa ito ni Marian at lalo kang hindi batiin, Alwin. Actually, Marian is known naman for pang-iisnab.
Ilang story na ba ang lumabas about fans na nagpapa-picture sa kanya na kanyang inisnab. She has an attitude when it comes to fans.
At meron lang siyang close na movie reporters whom she can be chummy with. Kapag hindi ka niya kilala o kapag bumabanat ka sa kanya ay tiyak na deadma siya sa iyo.
Feeling sikat pa rin siya kahit on the verge of hasbeenhood na siya. The nerve!!!
Hanap ni Regine: Yung kikiligin ang tao!
DREAM. Believe. Survive. Again!
Yes, muli na namang mapapanood ang original artista search ng GMA 7 na StarStruck simula sa Sept. 7 bago mag-24 Oras with 35 young hopefuls na siyang maglalaban-laban para sa titulong Ultimate Survivors.
Starstruck Season 6 will be hosted by GMA Primetime King Dingdong Dantes and Miss World 2013 and StarStruck Season 2 Avenger Megan Young.
Sa nakaraang presscon ng StarStruck para sa mga hosts nito, at sa council (judges) sinabi ni Dingdong na panibagong challenge na naman ito hindi lang sa kanya kundi maging sa iba pa niyang kasamahan sa show, lalo na sa mga judges.
Inamin ni Dong na may soft spot sa puso niya ang Starstruck kaya tuwang-tuwa siya na maging host uli nito. “More than 10 years na siya, ang dami nang mga buhay ang na-touch ng StarStruck, especially mine.
At proud ako to be part of it so that whenever something like this is born again, siyempre I would like to be part of it,” sey ng mister ni Marian Rivera.
Ayon naman kay Megan, “Being able to have the chance to witness the journey of the contenders is a humbling experience for me. Starstruck opened a lot of opportunities for me.
And now that I’m one of the hosts, I’m excited to guide them to reach their ” Ang mga napili namang segment hosts ng StarStruck Season 6 para magbigay ng daily updates tungkol sa mga pagdaraanang challenges ng mga artista hopefuls ay ang mga StarStruck alumni na sina: Season 1 Ultimate Male Survivor Mark Herras, Season 5 Second Prince Rocco Nacino, Starstruck Kids First Prince Miguel Tanfelix, and Season 4 Ultimate Female Survivor Kris Bernal na siyang magiging social media correspondent.
Ang bubuo naman sa Council na magsisilbing judges ay sina Starstruck Season 1 Ultimate Female Survivor and award-winning actress Jennylyn Mercado, TV host-comedian Joey de Leon, Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid at si Dingdong Dantes.
Ayon kay Regine, ang isa sa mga hahanapin niya sa mga artista hopefuls ay, “Sa opinyon ko, isa sa mga bagay na dapat mayroon ka ‘pag artista ka o para sumikat ka is ‘yung personality.”
Hirit pa ng Songbird, “Yung ‘pag nagsalita ka, ‘yung kinikilig ‘yung mga tao at natutuwa sila sa ‘yo kahit hindi ka naman masyado magaling magsalita pero endearing ka sa kanila, so I think I have to look for that also.”
Dagdag pa niya, “Tsaka siyempre yung Star quality, but we will know that when we see the contestants.” Nabanggit nga sa presscon ang kasikatang tinatamasa ngayon ni Alden Richards na hindi pinalad makapasok noon sa finalists ng Starstruck pero umaariba ang career ngayon matapos maging re- gular host sa Eat Bulaga at maging ka-loveteam ni Yaya Dub o Maine Mendoza.
Sabi ni Dingdong, proud na proud siya sa tagumpay ngayon ni Alden, noon pa raw talaga ay nakitaan na niya ang binata ng dedikasyon at sinseridad sa kanyang trabaho.
Kaya nga nu’ng malaman niyang makakatambal ni Marian noon si Alden sa seryeng Carmela ay isa siya sa natuwa at na-excite.
At umaasa siya na sa pagsisimula ng Starstruck ay makakita pa sila ng mas maraming kabataan na maaaring maging bahagi ng Kapuso network sa pagpapasaya ng mga tao.
Willie pinipilit ng mga kilalang politiko na tumakbong Senador sa Eleksiyon 2016
Maraming alok na sa pagpasok sa mundo ng pulitika ang tinatanggihan ni Willie Revillame. At ang nakagugulat ay hindi niya kailangang magsimula sa ibaba, mataas na posisyon agad ang inilalatag ng mga kumakausap sa kanya, pagiging senador.
Bakit daw hindi tumakbong senador si Wilie samantalang kilalang-kilala siya sa pagtulong sa ating mga kababayan? May punto naman ang mga lumalapit sa kanya dahil maraming buhay na ng mga Pinoy ang kanyang binago sa pamamagitan ng kanyang mga programa.
Ang milyun-milyong papremyo na meron pang house and lot at sasakyan ay hindi nga naman biro, hindi sa lahat ng panahon ay may nakapagbibigay ng ganu’n kagandang oportunidad sa ating mga kababayan, kaya puwedeng-puwedeng kumandidato si Willie sa susunod na taon.
Pero mukhang umuuwing luhaan ang mga emi- saryong nagpupuntahan kay Willie, matatag ang kanyang disposisyong hindi pagtakbo, ang kanyang katwiran ay tama nang nakatutulong siya nang walang anumang posisyon sa gob- yerno.
Kung ngayon gaganapin ang eleksiyon ay siguradong lusot na sa labanan si Willie, mataas na numero ang makukuha niyang boto ng ating mga kababayan, dahil napakaganda ng kanyang puso para makatulong sa ating mga Pinoy na sayad na sayad sa kabuhayan.
Madalas niyang sabihin, tama nang nandito lang siya kapag nangangailangan ng ayuda ang mga kababayan nating kapuspalad, hindi na niya kaila- ngan pang maging pulitiko para lang makatulong.
Michael makakalaban sina Kean, Eric at Sam sa ‘Your Face Season 2’
Speaking of Michael Pangilinan, certified contestant na siya sa Your Face Sounds Familiar Season 2 ng ABS-CBN as announced. Walo silang maglalaban-laban sa napakasayang music impersonation ng YFSF, a franchise from Endemol.
Aside from Michael, the other seven celebrity contestants are Kean Cipriano, Sam Concepcion and Eric Nicolas for the boys and Myrtle Sarrosa, Cacai Bautista, Denise Laurel and KZ Tandingan para sa mga girls. In fairness, naka-second taping na sila for the show at magsisimula na silang mag-air sa Sept. 12, kapalit ng The Voice Kids.
“The secret daw here is just enjoy and have fun.
The competition is very friendly. Of course, gagalingan ko in the best of my capacity pero more than that, gusto ko siyang i-enjoy. Isang malaking pangarap ito on my part na nabigyang katuparan kaya napakasaya ko.
“May mga idols kasi akong ginagaya minsan pag nasa kuwarto lang ako. Lahat naman tayo may mga idolong icons, di ba? Kaya napakasaya at I feel so blessed na magagawa ko nang gayahin ang mga idol ko sa TV. Ha-hahaha! Kung anuman ang kahihinatnan nito in the end ay bahala na.
Basta ako, ka- ming lahat, we are all having fun,” ani Michael. Tiyak na mas magiging mahigpit ang judges ngayon sa mga celebrity contestants dahil kumbaga dapat mag-level up na ang season 2.
Kailangan mas maging entertaining ito sa audience. Sa pagkakaalam ko, ang original judges pa rin ang uupo sa ikalawang season ng Your Face Sounds Familiar: sina Sharon Cuneta, Gary Valenciano at Jed Madela.
Anyway, katatapos lang ng concert ni Michael sa Music Museum last Saturday entitled “Kilabot Meets Kilabot” kung saan – for the very first time, ay nakasama niya sa entablado ang original Kilabot Ng Mga Kolehiyala na si Mr. Hajji Alejandro. Bongga ang nasabing palabas.
“Para akong natutunaw sa stage dahil kasama kong nag-perform ang original Kilabot. Feeling ko parang hindi ako deserving of the title dahil nakasama ko ang original.
Sayang nga at wala si Kuya Ariel Rivera na sinundan ko. Nakakatawa nu’ng magkita kami sa ABS-CBN at sinabihan niya akong inililipat na raw niya ang title sa akin.
Ha-hahaha! Nakakatuwang nakakakilabot!” ani Michael na napaka-humble na bata. Wala tayong magagawa, ang mga tagahanga mo ang nagpatong ng titulong iyan sa iyo.
Sa ayaw at sa gusto mo, you have to accept that dahil in fairness naman to you, wala namang ibang mas deserving of the title kungdi ikaw lang sa iyong henerasyon.
Anyway, left and right ang bookings ni Michael ngayon. Ongoing pa ang “KANSER@35″ musicale niya sa direksiyon ni Frannie Zamora.
Nandiyan pa ang malapit nang ipalabas na first full-length movie niyang “Pare Mahal Mo Raw Ako” with Edgar Allan Guzman and Ms. Nora Aunor, sa direksiyon ni Joven Tan.
Two songs na lang at matatapos na rin ang 10-track second album niya under Star Music. “Sarap magtrabaho. I am very grateful and thankful sa ating Panginoon at biniyayaan niya ako ng munting talento sa pag-awit.
“At siyempre, this early ay gusto ko kayong pasalamatan lahat dahil sa walang-sawa ninyong pagsuporta sa bawat proyekto ko.
“Don’t worry, gagawin ko ang anumang maaabot ng a- king makakaya na huwag ka- yong madismaya sa akin or ma-disappoint. I will be a better man every day. Ha-hahaha!” he told us.