Tuesday, September 1, 2015

Lea nagpaputol ng buhok, may pinagdaraanan?





LUMIPAD papuntang New York, USA ang Broadway Diva na si Lea Salonga right after ng grand finals ng The Voice Kids kung saan isa siya sa mga coach last Monday. Balik-Broadway si Lea at next year na siya ulit mapapanood sa The Voice for the blind auditions.


“Alis na ako tomorrow for New York and I’ll have this entire season. Ibabaon ko, masarap na baon ‘to habang ako’y matagal na mawawala,” lahad ni Lea referring to TVK.
Nakausap namin si Lea sa red carpet ng The Voice Kids na ginanap sa Resorts World Manila bago ang live telecast nito sa ABS-CBN last Sunday. Si Lea ang coach ng dalawa sa grand finalists na sina Esang ng Tondo at si Reynan na taga-Bukidnon.

Sad to say, si Elha Nympha mula sa Camp Kawayan ni Bamboo ang tinanghal na grand champion. Bukod kay Elha, isa pa mula sa team ng Rock Icon ang pumasok sa grand finals and that’s none other than Sassa na taga-Pampanga.

Natalo man ang mga panlaban ni Lea sa grand finals, super proud daw siya dahil sa mga nagawang pagkanta nila and their journey in the show has just been very, very inspiring.
“So, kahit ano’ng mangyari, uhm, tanggapin natin kasi ‘yun ang batayan ng mga…ng sambayanan na bumoboto. Huwag mag-alala dahil eto na ang umpisa ng mga singing career ninyo ngayong gabi. This is where it begins,” ani Lea.

Nagbigay din ng paunang mensahe si Lea para sa tatanghaling grand champion sa The Voice Kids season 2, “To whoe- ver wins, congratulations to you. You absolutely deserved it. 

Ah, enjoy the rest of the whirlwind ride.”
Tinanong din namin si Lea kung matutuloy pa ba ang movie nila ni Aga Muhlach under Star Cinema, “When I’m back for good na,” sabi ni Lea. “Kung kailan man ‘yun. I mean, I get back, and then, I think there’s some waiting time. I need, rest talaga for couple of years.”

Bumata naman ng ilang taon ang mukha ni Lea with her new hairstyle. Usually sa showbiz kapag nagpapagupit ang mga babaeng artista, may kasunod na agad na isyu na merong pinagdadaanan sa personal nilang buhay.
“Wala,” mabilis na tanggi ni Lea. “No emotional, nothing. I just wanted a change. I wanted convenience. I want that when I got up in the morning I can run up the door and my hair will be good. It’s just fun.”


No comments:

Post a Comment