SI Kris Aquino ang pinutakti ng ilan nating kababayan regarding the controversial go- vernment issue on “balikbayan boxes” ng Bureau of Customs.
Merong netizen daw na isinangguni kay Kris ang isyu pero sa kaniyang post ay meron daw inilagay na sa- litang “Bull***t” na ikinairita siyempre ng First Sister.
Nag-isyu muna si Kris ng statement na ipaparating niya sa kuya niyang pangulo ang concern ng mga OFW tungkol sa pagbubukas ng balikbayan boxes pero hindi raw siya makakapangako kung ano ang magiging resulta nito.
Basta she will make sure daw na ipaparating niya ito sa kuya niya. Then someone posted the same concern with the “B” thing kaya nagalit si Kris at sinagot na last year daw ay more than P60 million ang ibinayad niyang buwis sa gobyerno natin.
Meaning, she’d like to reiterate na mabuti siyang citizen dahil nagbabayad siya ng tamang buwis pero ang nakalimutan ni Kris ay lalong nag-revolt naman ang damdamin ng taumbayan dahil yung la- king ibinayad niya in terms of taxes ay isang malaking pangarap lang sa bawat Pilipino.
Natural na maraming nainggit dahil lumalabas na sa gitna ng kahirapan ng bawat Pinoy ay siya na lang yata ang kumikita.
Kahit sabihin pa niyang pinaghirapan kuno niya ang perang kinikita, iba pa rin ang dating nito sa tao – na siya lang ang nabibigyan ng oportunidad na kumita dahil malakas siya sa gobyerno – what she wants daw kasi she gets.
“Weather-weather lang naman talaga iyan,” echoed another friend. Anyway, Kris may not have intended na ipagyabang ang ibinayad na taxes pero nakalimutan niyang napakaraming hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw kaya sana next time ay medyo mag-ingat din siya sa mga pronouncements niya.
She can be so honest at times but hindi ganoon ang take ng tao sa mga pinagsasabi niya. Kasi nga, sobrang hirap talaga ng buhay kaya hindi na natutuwa ang taumbayan tuwing ipangalandakan niya ang kayamanan niya. Hay buhay!
https://www.behance.net/gallery/46450923/_
ReplyDeletehttps://www.behance.net/gallery/46450419/_
https://www.behance.net/gallery/46430977/-jumperadscom
https://www.behance.net/gallery/42972037/_
https://www.behance.net/gallery/40396873/Transfer-and-relocation-and-Furniture-in-Dammam
https://www.behance.net/gallery/51576047/_