Wednesday, August 26, 2015

Alden, Yaya Dub pasok na 2015 MMFF entry nina Ai Ai at Bossing




“CONFIRMED na confirmed!” Ito ang mariing sabi sa amin ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas tungkol sa pag-join ng sikat na tambalan ngayong Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza sa 2015 Metro Manila Film Festival entry nila ni Vic Sotto, ang “Rom-comin Mo Ako.”

Hindi lang matiyak ni Ai Ai sa amin kung ano exactly ang role nina Alden at Yaya Dub sa movie nila ni Vic, “Basta, parang kami ni Alden, tapos sila (Vic) at Yaya Dub, ganoon.”
Pero bago simulan ni Ai Ai ang movie nila ni Vic with Alden and Yaya Dub, sisimulan muna niya ang bago niyang programa sa GMA, ang showbiz-oriented talk show titled Celebri-TV.

“Ah, ang alam ko ang start niyan sa Sept. 19. Part pa rin ‘yan ng contract ko sa kanila, kasama ng soap at kung anu-ano pa,” sabi ng komedyana.

First time niyang maging talkshow host, “Pero ‘yung mga tanong sa mga kasama ko ipapasa. Kasi ang ano sa kanila parati, artista rin ako. Ayoko nu’ng ako ang makikisali sa intriga.

Kasi alam ko ‘yung feeling.  “Nakaka-stress din ‘yun. ‘Yung tungkol sa artista kayo na ‘yan. Basta ako happy moments lang ako. Like ‘yung kunyari may magha-hobbies, ako ‘yun.
Meron akong parang challenge sa mga artista pero hindi about their personal lives,” kwento ni Ai Ai.
Kung mabibigyan daw siya ng chance na mamili kung sino ang unang guest niya sa Celebri-TV, ‘yun ay walang iba kundi ang tambalang AlDub na nga- yon ay tinatawag din bilang MaiDen.

“Syempre, lahat naman dream na magkita sila. Sa isang set nakaupo sila, kahit hindi sila nagsasalita. Ha-hahaha!”
O, kaya naman daw kahit si Alden na lang ang nasa studio tapos nasa sceen lang si Yaya Dub, “Gusto ko ‘yun, kahit hindi siya magsasalita basta nandoon lang siya, kasi bawal naman siyang magsalita.
At ‘yun na nga, ‘yun ang gusto ng mga faney. At masaya rin ako dahil kasama ko sila sa movie.”

Samantala, for three conse- cutive weeks nang umaarangkada ang show ni Ai Ai kasama sina Marian Rivera, Jose Manalo, Wally Bayola, Joey Paras, Jerald Napoles, Valeen Montenegro at Alden Richards na Sunday PinaSaya sa katapat nitong programa na ASAP.

Nag-pilot ang Sunday PinaSaya noong Aug. 9 at sa loob ng tatlong linggo ay natalo nito sa rating ang ASAP20 sa ABS-CBN, base sa Mega Manila ratings ng AGB Nielsen.
Noong Aug. 9, nakakuha ang Sunday PinaSaya ng 22.7%, samantalang ang ASAP ay nakapagtala lamang ng 11.5%. Noong Aug. 16 naman, 20.3% ang nakuha ng Sunday PinaSaya kontra sa 11.7% ng ASAP.

Nitong Aug. 23, umakyat muli sa 22.7% ang rating ng SPS, samantalang 11.7% ulit ang nakuha ng ASAP.
“Ako, ah, tingin ko, we’re so blessed,” masayang sabi ni Ai Ai. “Sabi ko nga tuwing ano, magdadasal kami every Sunday morning.

Nagpapasalamat kami sa Panginoon sa lahat ng blessings na binigay nila sa amin. Wala, to God be the glory na lang,” sey ni Ai Ai.

Usap-usapan na rin ng netizens ang tungkol sa panggagaya diumano ng ASAP sa show nila especially sa mga skit at games na ginagawa nila sa show, “‘Di ba sabi nga nila, imitation is a form of flattery.

So, we are all flattered kasi ayun, ginagaya na nga kami, and nakakatuwa kasi mas maganda naman ‘yung ano, ‘yung ginagaya ka kesa nanggagaya, nabasa ko lang ‘yan sa Twitter, ha.”

No comments:

Post a Comment