Saturday, August 29, 2015

Vice Ganda desperada na kaya humingi ng tulong kay Ai Ai?




Parang humingi raw ng tulong itong si Vice Ganda kay Ai Ai Something. Pressured na pressured kasi ang stand-up comedian dahil milya-milya na ang layo ng Eat Bulaga sa rating ng It’s Showtime.

For many weeks now ay parating talo ang noontime show ng Dos, palagi silang kulelat sa ratings. And mind you, hindi lang times two ang lamang ng Eat Bulaga sa Showtime kundi umabot pa sa times eight.

With that ay talaga namang nabahala ang It’s Showtime pati na ang main host nitong si Vice. Ang chika, nagpasaklolo na raw itong si Vice Ganda kay Ai Ai.

Teka, bakit naman kay Ai Ai siya nagpasaklolo, eh, wala namang kinalaman ang komedyante sa noontime show ng Siyete? At ano naman ang magandang suggestion ni Ai Ai kay Vice Ganda?

Actually, ang dapat gawin ng It’s Showtime ay lumabas sila ng studio. Kalye na ang labanan ngayon at hindi na studio. One time, while in an ABS-CBN presscon ay naging usap-usapan ang It’s Showtime.

Ang feeling rin ng isang staff ng Dos ay dapat nang lumabas si Vice sa kalye at doon magpaandar. By that, we mean magbigay ng tulong.

At sana nga raw, say ng ABS-CBN staff, hindi na mag-inarte ang stand-up comedian at maging makamasa ito. As it is kasi, parang masyado na raw mataas ang lipad ni Vice, parang hindi na siya maabot.

If ever na pumarada siya sa kalsada, sana tulungan niya ‘yung mga talagang mahihirap. Mas gaganda ang image niya kung gagawin niya iyon.

Anyway, nakapagsimula na naman siya nang bigyan niya ng P3,000 ang isang taxi driver.

Kalat na: Toni sinabihan ni Paul na wag gastadora kaya napikon



Habang iniinterbyu si Alex ay natanong siya tungkol sa napabalitang financial problems daw ang mag-asawang direk Paul at Toni Gonzaga Soriano.

“Hindi ko alam, hindi pa nila sinasabi sa akin, pero I think it’s normal dahil siyempre bagong kasal, so ang bilis gawan ng financial issues, ‘yun naman an gang usually problema ng mag-asawa.

“Pero sa pagkakaalam ko, wala naman, mayroon lang silang mga goals na gustong gawin, pero wala silang issues about pera, wala akong alam.

“Siguro may financial targets sila, pero issues, wala kasi simula nu’ng mag-boyfriend-girlfriend palang sila hindi nakikialam si direk Paul at ang ate ko, hindi rin nakikiaalam, kanya-kanya sila.

“Kasi bago naman sila magsama together, pareho naman silang may stable job na, so hindi ‘yun magiging isyu,” pahayag ng dalaga.

“Feeling ko wala naman talaga silang problema dahil pag nandodoon ako sa bahay nila. Nilibre pa ako ni direk Paul sa ticket ni Ariana Grande concert.

At tsaka pag nagfa-family dinner kami minsan si direk Paul ang nagbabayad. Minsan naman ate ko. ‘Yung parang hindi. Kasi sasabihin naman ng ate ko sa akin, eh.

“Lahat sini-share niya naman sa akin kung meron silang misunderstanding pero wala silang major misunderstanding. Ang lagi lang niyang sini-share sa akin pag-uwi daw niya tulog na daw agad si Paul.
Ang bilis daw matulog eh, sanay kami sa puyatan di ba?” aniya pa.

Mukhang hindi apektado si Alex sa isyu o baka naman patay-malisya lang siya para hindi na lang lumaki ang isyu? Pero sa tanong namin kung type niyang magkaroon ng pre-nup kapag siya naman ang mag-aasawa.

“Hindi rin, kasi gusto ko katulad ng parents ko na okay naman, pero sisiguraduhin ko na kukuha ako ng mas mayaman sa akin,” tumawang sagot niya sa amin.
Ang tungkol sa sinasabing financial problems nina Toni at direk Paul ay kumalat noong Huwebes.

Kuwento ng source, “Mahigpit kasi sa pera si direk Paul, sinabihan niya si Toni na maghinay-hinay sa gastos at ‘yung mga nagagawa niya noong dalaga pa siya ay hindi na niya magagawa ngayon dahil may asawa na at future na nila ang dapat planuhin.

“Sabi naman ni Toni, pera niya ang ginagastos niya at hindi naman pera ni direk Paul, e, katwiran ng lolo mo, hindi porke’t pera niya, sige-sige na lang.

Hayun, medyo tampo-tampo na nauuwi sa dedmahan. Hindi ko alam kung nagsasabi si Toni sa pamilya niya,” sabi pa. Sana nga hindi totoo dahil hindi magandang umpisa ito sa bagong kasal, lalo pa’t tungkol sa pera ang pinag-uusapan.

Samantala, ngayong gabi na mapapanood ang Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid, at makakasama dito sina Miguel Vergara, Malou Crisologo, Fourth Solomon at Tirso Cruz III, sa direksyon ni Andoy Ranay handog ng Dreamscape Entertainment.

Ejay ‘basted’ agad kay Alex: Mas gusto ko yung dugyutin!



TINUTUKSO namin si Alex Gonzaga kay Ejay Falcon na kasama niya sa Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid na mapapanood na simula ngayong gabi sa ABS-CBN.

Pero kami na rin ang bumawi na baka hindi rin niya magustuhan si Ejay dahil hindi ito mukhang dugyutin. Marami kasi ang nakakapansin na mas type ng dalaga ang lalaking maruming tingnan.

“Oo, hindi ko siya type saka may Ellen (Adarna) na siya. Guwapo si Ejay, huh! Tinititigan ko ‘yung mata niya, grabe ang pilantik ng pilikmata niya at saka hindi nga siya dugyutin. Ha-hahaha!

“Ang gusto ko nga di ba, maputi at chinito. May ipinakilala sa akin at kikilalanin ko pa kaya as of the moment, wala pa (akong boyfriend),” sabi ni Alex.

Kilalang palabiro si Alex sa set pero sa taping ng I Heart Kuryente Kid ay hindi niya magawang mag-ingay.“Puyat siya (Ejay) hindi ko siya masyadong kinukulit kasi siyempre puyat siya palagi kasi may Pasion de Amor.
So hindi ko siya (kinukulit), ayoko namang masuntok. Ha-hahaha! Di ba pag sobrang kulit mo, (baka magalit), pero mabait siya.”

“Very approachable, very humble at koboy, Pinoy na Pinoy, hindi mo kailangang mag-adjust,” kuwento ng aktres. Samantala, masaya si Alex dahil nalilinya siya sa pambatang projects tulad ng Inday Bote na fantaserye at sumunod na nga itong Wansapanataym at susunod ay ang pelikulang kasama naman si Edgar Allan Guzman na isang romantic comedy na bagung-bago ang kuwento.

Sabi ni Alex tungkol sa pelikula nila ni EA, “It’s all about new age of moving on and new age of relationship na nangyayari sa isang relasyon na typical, may big twist.”

Inamin ng komedyana na walang challenge sa kanya ang I Heart Kuryente Kid dahil lahat daw ng mahihirap na eksena ay si Ejay ang gumagawa, pero nang mapanood niya ito, ang ganda raw ng mga eksena nila.

Wally nakabawi dahil kay Lola Nidora


NGAYONG Linggo, tiyak na mag-e-enjoy ang AlDub fans sa episode na hatid ng nangungunang Sunday magazine program, ang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Walang duda, ito ang tamang panahon para sa pinakasikat na love team ngayon. Dahil ang buong Pilipinas, hawa-hawa na sa fever na dala ng tambalan nina Pambansang Bae Alden Richards at ni Yaya Dub o ang Aldub!

Patunay lang kung gaano kapatok ngayon ang AlDub, ang mga artist, dino-drawing na sila. Ang mga musikero naman, lumikha na ng kanta.

At hanggang Dubai, may Pilipinang gayang-gaya si Yaya Dub! Sino nga ba ang hindi nakakikilala sa nagsisilbing hadlang sa pagmamahalan nina Alden at Yaya Dub sa Kalyeserye ng Eat Bulaga?

Ang mataray pero wagas din kung makahugot na si Lola Nidora. Ang karakter na ito ay buong husay na ginagampanan ng komedyanteng si Wally Bayola. Maliban kay Lola Nidora, umaarte rin si Wally bilang apo ni Lola Nidora na si Duhrizz at maging si Doktora d’ Explorer.

Sa isanlibo’t isang mukhang kanyang ginagampanan, sino nga ba talaga si Wally Bayola? Mas kilalanin pa siya ngayong gabi dahil marami siyang aaminin on national TV.
Hindi lang iyan. Ilang buwan bago ang kanyang nakatakdang panganganak, kukumustahin din ng KMJS ang pinakaseksi na sigurong buntis ngayon sa balat ng lupa – ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

At kasama ang kanyang fans, isang mala-baby shower na pagtitipon ang inihanda ng KMJS para sa kanya. Tutukan ang Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo ng gabi, pagkatapos ng Ismol Family, sa GMA 7.

Kris nakarma matapos ipagyabang ang kayamanan; laging nagkakasakit



TILA nakarma si Kris Aquino sa pagmamayabang sa kanyang basher who was concern lang sa kanyang health pero tinarayan ng Queen of Talk.

“God said ingatan mo ang sarili mo at iingatan kita but if you abused it that’s different story may kalalagyan ka and that’s too bad.

“You don’t have time to listen what your body saying money money that’s what u want. Very powerful ang pera sa iyo sad to say. Good luck.”

‘Yan ang say ng basher kay Kris who retorted, “This is the truth- I am rich, my sons are provided for but I have a responsibility to those I work for & those I work with. And that is not being selfish but knowing the value of hard work & pakikisama.”

“Masaya bang mag work na ubo ng ubo & w/ fever? Ang LAKAS ng loob mo to judge me when your account is on private- I was raised w/ the right work ethics & the courage to stand by my values- judge me again when you’ve gained some of that,” dagdag ng ng Queen of All Media.
Muntik nang ma-stroke si Kris after na pumalo sa 200/100 ang kanyang blood pressure nang itakbo siya sa emergency room ng isang ospital.

“I solemnly promise to follow all their instructions, take my medication & I will never again abuse my body because I was a slave to my work. My goal now is to achieve a healthy work & life balance,” say ni Kris.

Ayan, kasi sobra ang taray mo sa basher mo na ang concern lang naman ay ang health mo. Ipinagmalaki mo pang you’re rich, ayan tuloy ang napala mo.

Coco kay Fpj: Sa akin para siyang si Jose Rizal, isang bayani at Superhero!



“PARA sa akin, para siyang si Jose Rizal!” Ito ang proud na proud na sabi ng Teleserye King na si Coco Martin patungkol sa King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr.
Bayani o superhero ang tingin n Coco kay FPJ dahil sa mga iniwan nitong magagandang alaala sa ating mga Pinoy hindi lamang bilang isang alagad ng sining kundi bilang isang mapagmahal at matulunging tao.

Sa solo presscon na ibinigay ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment kay Coco para sa pagbibida niya sa TV remake ng classic film ni FPJ na Ang Probinsiyano, sinabi ng award-winning actor na nanghihinayang siya na hindi sila nagkakilala ni Da King.

Pero nagpapasalamat naman siya dahil naging close naman sila ng asawa nitong si Ms. Susan Roces na gumaganap na lola niya sa Ang Probinsiyano.

“Sa akin po kasi, si FPJ, bilang isang manonood, hinahangaan ko siya sa lahat ng mga character na ginampanan niya. Pero ako, bilang isang tao at bilang sa pagkakakilala ko sa kanya, siguro naman po alam nating lahat kung paano siya sa kanyang mga katrabaho, sa kanyang kapwa, kung paano niya tinutulungan ‘yung mga tao.

“Siya po kasi ‘yung klase ng tao na tumutulong siya pero hindi niya po kailangang pang ipagsabi, ipagyabang o i-announce. Sa ganu’ng bahagi po ng pagkatao niya, sobra po akong bumibilib bilang isang tao,” mahabang kuwento ng aktor.

May isang kuwentong hindi nakakalimutan ni Coco tungkol kay FPJ na ibinahagi naman sa kanya ng veteran actress na si Anita Linda, “Actually, may mga kuwento po ako noon, lalo na po kay Tita Anita.

“Kinukuwento niya sa akin noong nagkatrabaho kami sa indie, sabi niyang ganun, ‘Alam mo, dumating yung time na parang hindi ako gaanong gumagawa ng pelikula noon.’
“Tapos, parang inano ni FPJ noon na dahil gusto niyang (Anita) manood ng TV, isang araw, nagulat siya, biglang pinadalhan siya ng TV. Hindi mo kailangang lumapit sa kanya, e.

“May mga tao na nakatrabaho niya na alam niyang may sakit, na kailangan ng tulong. Sabi ni Tita Susan, ang hirap maging asawa ni FPJ… bakit, napakarami mong kahati sa kanya.

Kasi sabi nga, siya open para sa lahat, e. “Ganu’ng tao si FPJ na gagawin niyang lahat sa abot ng kanyang makakaya, kung anuman yung maitutulong niya o maibibigay sa kanyang kapwa o sa kanyang katrabaho, talagang gagawin at gagawin niya.

“Kaya sabi ko nga po, ako bilang isang tao, iyon ang isa sa mga hinangaan ko sa kanya. Hindi lang sa pagiging magaling na artista kundi sa pagiging totoong tao na nagmamahal sa kanyang kapwa,” aniya pa.

Tulad ni FPJ, marami ring natutulungan si Coco, paano kaya niya mahihikayat ang ibang tao, lalo na ang mga kapwa niya artista na tumulong din sa mga nangangailangan? “Kasi ako, honestly po, sinasabi ko nga kung anuman po ang mayroon ako ngayon, sa akin po sobra-sobrang blessing po ‘yung dumating sa buhay ko, sabi ko nga, hindi na ito ‘yung buhay na pinangarap ko, e.

“Gusto ko kasi ‘yung buhay na simple lang na magagampanan ko ‘yung bilang kuya o bilang padre de pamilya sa aking kapamilya.

“Pero sabi ko, sana‘ ’yung mga tao na kagaya ko, na kahit paano sinuwerte sa buhay, ‘yung makapag-share man lang doon sa mga taong nasa paligid niya.

“Una sa pamilya, pangalawa sa paligid niya, sa lipunang ginagalawan niya. Kasi ako, honestly, yung way ng pagtulong ko, hindi ako yung nagbibigay ng materyal na bagay para lang sabihin na nakatulong ako.

“Ang gusto ko kasi, kung maaari, yung mga taong nasa paligid ko, yung mga taong gusto kong tulungan, maging kagaya ko.

“Ang gusto kong ibigay sa kanila, oportunidad, opportunity para mabuhay din nang tama, opportunity para kumita, kumbaga para kumilos.

“Ang pagtulong kasi sa akin, hindi materyal na bagay, e, ‘yung oportunidad. Kagaya ng mga taong tumulong sa akin noong nagsisimula ako. Wala akong natatandaan na may taong tumulong sa akin para bigyan ako ng pera.

Pero may mga taong tumulong sa akin para magturo kung paano tumayo at matuto sa buhay,” tugon ng aktor. Kilala rin si FPJ na isang mapagmahal na asawa kay Ms. Susan, siya ba malapit na ring maging mapagmahal na mister? “Honestly, magti-34 na po ako.

Pero marami pa kasi akong gustong mangyari sa buhay ko, hindi dahil para gusto kong kumita pa nang mas malaki, kundi para gusto ko pa sanang mas maging settled ‘yung family ko. Gusto ko pa sanang mas maging maayos.

“Kasi lagi nilang sinasabi sa akin na parang, ‘Thirty-three ka na, o kailan ka mag-aasawa? Tapos pag medyo binata na ‘yung anak mo, lolo ka na, paano mo siya mae-enjoy?’ Ang katwiran ko naman, mas mae-enjoy ko nga siya kung ngayon nagtatrabaho akong mabuti, nagsusumikap ako, para balang-araw, puwede na akong mag-relax, mas marami na yung oras ko para sa pamilya ko.”

Samantala, gagampanan ni Coco sa Ang Probinsyano ang mga karakter na ginampanan ni FPJ sa movie version na sina Ador at Cardo, ang kambal na pinaghiwalay ng tadhana ngunit pinag-isa ng kanilang pangarap na makapaglingkod sa bayan bilang mga pulis.

Mula sa Dreamscape Entertainment at FPJ Productions, ipakikita ng serye ang tunay na kabayanihan ng mga alagad ng batas. Kasama rin dito sina Albert Martinez, Agot Isidro, Maja Salvador, Arjo Atayde, Bela Padilla, Jaime Fabregas at Susan Roces. Ito’y sa direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco at mapapanood na ngayong Setyembre sa ABS-CBN Primetime Bida.

April Boy nag-iiyak: Si Willie ang unang tumulong sa operasyon ko!



Isang tribute para sa Jukebox King na si April “Boy” Regino ang tinatrabaho na ngayon ng staff ng Wowowin. 

Nu’ng minsang maging guest namin sa radyo ang Idol Ng Bayan ay tiyempo namang nanonood pala si Willie Revillame.


Nasundan niya ang kuwento ng pagkakasakit ng singer-composer, binanggit pa nga siya ni ABR bilang pinakaunang artistang tumulong sa pagpapaopera ng mata nito, nalungkot si Willie dahil bulag na ang mga mata ni April Boy.

Wala nang bisyon ang kaliwa nitong mata, bahagya na lang na nakakabanaag ang kanan, hindi ‘yun agad maoperahan dahil kailangan pang palakasin ang singer na napakaraming Pinoy ang pinasaya sa pamamagitan ng kanyang mga awitin.

“Napakalaki ng pangalan ni April Boy sa mundo ng music, marami siyang pinasayang kababayan natin through his songs. It’s about time na mabigyan na siya ng tribute,” tanging nasabi ni Willie.

Ngayon nga ay naghahanda na ang kanyang staff para sa tribute na gagawin ng Wowowin para sa singer-composer, nakausap na nila ang mga singers na kaibigan ni ABR, ang mga ito ang kakanta ng kanyang mga piyesa.

Iyak nang iyak si April Boy nang malaman nito ang plano ni Willie, pati ang kanyang misis na si Madel ay iyak din nang iyak, ibang klase raw talagang magpahalaga si Willie Revillame.

“Nu’ng manghingi po ako ng tulong kay Kuya Willie, nagpadala siya nang walang tanung-tanong. Salamat po sa kanya, isa po siyang tunay na kaibigan,” sabi ni April “Boy” Regino.

Derek super miss na ang anak: Pumunta ako ng Dubai pero hindi ko siya nakita!



MISS na miss na ni Derek Ramsay ang kanyang anak na si Austin sa kanyang estranged wife na si Mary Christine Jolly.
Inamin ng hunk actor na mula noong December, 2014 ay hindi na sila nagkita uli ng kanyang 12-year-old son, “For now, yes. I haven’t seen him since Christmas (2014).
He’s in school, and there are other factors na ayokong pag-usapan.” Nakausap ng entertainment media si Derek sa presscon ng bago niyang pelikulang “Ex With Benefits” kasama si Coleen Garcia under Viva Films and Star Cinema.
Pero anang aktor, wala naman daw silang problema ng nakahiwalay niyang asawa at maganda na rin ang relasyon nila ngayon ng anak kesa last year.
“It is much better than it used to be. But, it’s still a long way to have that relationship that I have as a father. But I won’t stop trying,” chika pa ni Derek.
Matandaang pumirma ng compromise agreement si Derek para na rin sa kapakanan ni Austin matapos mag-file ng kaso noong June, 2014 si Mary Christine dahil sa diumano’y paglabag ng aktor sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act sa Makati Prosecutor’s Office.
Natanong naman ang hunk actor kung bakit ganu’n na katagal na hindi niya nakikita ang anak samantalang sa pagkakaalam ng marami ay nakalagay sa compromise agreement ang kanyang visitation rights, “Well, they live in Dubai. So, that’s the hard thing and hard part of it.
Pumunta ako (ng Dubai), pero hindi ko nakita (si Austin). So… in God’s time, it will happen.”
Feeling ba niya ipinagdadamot na naman ng dati niyang asawa ang bata sa kanya?
Pakiramdam ba niya, itinatago si Austin ng ina nito sa kanya? “Ayokong isipin yun. Ayoko nang mag-isip ng negative, basta keep on trying, di ba? That’s all I can do.
My son has been through enough emotional stress, I don’t want to add to it.” Never din daw niyang nakakalimutan ang responsibilidad at obligasyon niya kay Austin, “Most definitely.
Yung obligation naman, ibinibigay ko naman, dati pa ‘yan. Wala namang problem sa parteng ‘yan.”
Maligaya naman daw ang relasyon nila ng kanyang commercial model girlfriend na si Joanne Villablanca na may anak na ring tulad niya, “She’s good, she’s very supportive.
She has no problem. Bago maging kami, she knows that this is what I do. And, bago naging kami, there are some things in her na some men may not accept.”

.....isa ako sa mapalad na batang aktor na binigyan agad ng title role ng Sampaguita Pictrues noong 1954 ...naging tapat ako....


.....isa ako sa mapalad na batang aktor na binigyan agad ng title role ng Sampaguita Pictrues noong 1954

...naging tapat ako sa naturang studio hanggang lumipas pa ang 60s at early 70s

...madalas din akong gumanap noon na beki sa mga pelikula ng Sampaguita Pictures

SINO AKO?

...ako ang nagsalba nang studio na nasunog noong Sampaguita Pictures ...isinugal nila ako sa .....


...ako ang nagsalba nang studio na nasunog noong Sampaguita Pictures

...isinugal nila ako sa low budgeted na movie 

...subalit nagign Superhit ang pelikula ko noong Roberta kugn saan pinagsasabunutan at tadyakan ako ng madrasta kong si Bella Flores

SINO AKO???

....kilala ba ninyo ako ....93 years old na ako at eto alive.......


....kilala ba ninyo ako

....93 years old na ako at eto alive and kicking pa rin

...wala pang pangalawang digmaan noon ay artista na ako

....una kong pelikula noong 1939 kaya 17 lang ako noon ng nagsimulang umarte

SINO AKO?



....kilala ba ninyo kung sino ang dalawang artistang babaeng ito at ang pangalan ng....



....kilala ba ninyo kung sino ang dalawang artistang babaeng ito at ang pangalan ng direktor na lalakeng ito na sumikat noong dekada 70s

....pareho kami ni Marian Rivera na purong Kastila ang ama ..gayunpaman hindi ako pinanganak....


...pareho kami ni Marian Rivera na purong Kastila ang ama

..gayunpaman hindi ako pinanganak sa Espanya kundi isa akong Ilonggo

...mayroon akong isang anak na babae na naging beauty queen 

SINO AKO?

Ano kaya ang titulo ng pelikulang ito kung saan makikita sa larawan si Willie Sotelo na.......


Ano kaya ang titulo ng pelikulang ito

kung saan makikita sa larawan si Willie Sotelo na may kakaibang Agimat

ANONG PELIKULA ITO?


,,,,hindi ako mapalad sa pag-ibig .....pero magalign akong aktres .....kami nina Lolita......


,,,,hindi ako mapalad sa pag-ibig

.....pero magalign akong aktres

.....kami nina Lolita Rodriguez at Marlene Dauden ang magkakalibre pagdating sa acting

SINO AKO?

First kiss nina Kathryn at Daniel talbog sa ‘kalyeserye’ ng Aldub




ITINAOB ng Aldub ang first kiss nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kanilang soap opera.
Kahit na nagmakaawa ang isang fan group na paabutin ng 3 to 4 million ang tweets about Daniel and Kathryn’s kissing scene ay wala itong epekto. 

Mas marami pa rin ang nag-tweet sa tambalang Alden Richards and Yaya Dub (Maine Mendoza).
Nakakuha ang #ALDUBAgainstALLODDS ng 2.5 million tweets samantalang ang #PSYUnanghalik ay nakakuha lang ng 2.1 million tweets.

Nagmukha tuloy kaawa-awa ang nagmakaawang KathNiel fan nina Daniel at Kathryn sa nangyari.
“Real as in totoo and sincere ang mga tweets ng AlDub. Hindi sinolicit at humingi ng awa. Di tulad nung KathNiel, mega-makaawa na paabutin ng 2M tweets, kalahati nyan spambot pa LOL,” mataray na comment ng isang AlDub fanatic.

“Fan ako ng PSY. Fan din ako ng EB/Kalyeserye. But I don’t get this trending thing sa Twitter. Bakit ba ang relevant ng trending? Hindi naman sya nagta translate sa totoong ratings mapa-AGB o Kantar. Sa PSY maka-trending ng unang halik, pero ano, 33.2 percent lang ang ratings, and that’s assuming almost lahat ng KNs ay nanonood ha dahil inabangan talaga nila.

“Yung Amor-Yna ang nag-rate ng mataas, 39 mahigit. Ibig sabihin hindi talaga KNs ang nagpapa-rate sa PSY nang ganyan kataas. Di gaya ng sa Kalyeserye, dami ng tweets, at taas ng ratings. Pilit na pilit lang ang sa KNs, ayaw lang patalo, irrelevant naman.

“Nakakasawa na araw-araw na lang nagpapatrend kahit walang ganap sa KN. Inuubos ang oras sa walang katuturan. Kaya lalong nate-turn-off ang mga nagbabasa sa twitter at lalong jumojologs ang tingin sa mga KNs,” one guy observed.



Albert Martinez nanghinayang sa pagre-resign sa ‘Felix Manalo’



INAMIN ni Albert Martinez  na sobrang nanghihinayang siya na hindi niya nagawang tapusin ang pelikulang “Felix Manalo” dahil sa pagkamatay ng asawang si Liezel Sumilang-Martinez.

“I was shooting on my fourth day ng nag-seizure si Liezel, I was in Pila, Laguna and nu’ng nangyari iyon, nag-usap kami ng manager ko, si Shirley (Kuan) and then she talked to Viva (Films) na sabi niya, ‘Albert I don’t think na you can focus now.’

“Tapos kakausapin nga raw niya ang production if they can wait, unfortunately, may playdate na ‘yung movie, so since I cannot go back to work right away, we opted to resign. Unfortunately, I loved the project, it’s a monumental project na tatak (sa akin), kung baga another star on my shoulder ‘yun, eh.

“Pangarap ng kahit na sinong artista but with my situation and condition during that time, hindi ko kakayanin.
“(Sayang), it’s a beautiful material, pero feeling ko at ni Shirley na magiging unfair doon kina direk Joel (Lamangan), sa production na maski nandoon ako if my mind and my heart is not there, kasi I’m grieving,” ani Albert nang masolo namin siya after ng screening ng All Of Me.

Maraming kinilig sa kasal ni Mark Neumann sa TV5



Napakalaki ng nagawang tulong ng Baker King kay Mark Neumann. Natural lang na nu’ng una ay matakot ang guwapo at tisoy na aktor dahil mapaghamon ang papel ni Tak-Gu na bumibida sa istorya.

Nu’ng mga unang gabi ng Baker King ay pinalakpakan naman ng manonood ang gumanap na batang siya, si Nourish Icon Lapus, na tunay namang napakagaling na batang aktor lalo na sa mga eksenang iyakan.

Naging malaking hamon ‘yun para kay Mark, talagang tinutukan niya ang pag-aaral ng ating wika, lumaki kasi siya sa Germany at nagtrabaho sa maagang edad sa England.

Pero malaki talaga ang nagagawa ng pagsisikap at paggabay ng mga tao sa ating paligid, si Direk Mac Alejandre na hindi siya binitiwan sa mga eksenang nangangaila- ngan ng malalim niyang pagganap, ang mga kapwa niya artistang gumabay rin sa tamang pag-arteng dapat niyang gawin sa maseselang eksena.

Ngayon ay puwede nang ilaban nang sabayan si Mark Neumann. Hindi na siya garil Managalog, napaarte na niya ang kanyang mga mata, at ang pinakamahalaga ay ang magandang imaheng meron siya sa staff ng Baker King ng TV5.

“Napaka-professional po ni Mark, hindi niya kami binigyan ng problema kahit kailan. Dumarating siya sa set on time, basa lang siya nang basa ng script niya, napakasarap niyang katrabaho,” kuwento ng mga anak-anakan naming production staff ng Baker King.

Ito ang isa sa mga seryeng tinutukan namin mula sa umpisa at tututukan pa rin hanggang sa kanyang pagta- tapos sa susunod na buwan. May ginanap nang kasalan nu’ng isang araw, kinilig ang mga sumaksi, siyempre’y si Mark Neumann ang groom.

Lahat ng artista gustong maging superhero, kaya sino ako para tumanggi pa?



Excited na si Ejay sa pagsisimula ng Wansapanataym nila ni Alex dahil first time nga niyang gaganap na superhero. 

Kung medyo mature audience ang target nila sa seryeng Pasion de Amor, kung saan lagi siyang nakahubad, dito naman daw sa I Heart Kuryente Kid ay mga bata naman ang pasasayahin nila.

Nu’ng in-offer nga raw sa kanya ang role nasabi niyang dream come true ito para sa kanya dahil super fan din siya ng mga superhero sa TV at pelikula kahit noong bata pa siya. Aniya pa, “Lahat ng artista gustong gumanap bilang isang superhero. Kaya sino naman ako para tumanggi?

Tiyak din daw na matutuwa ang kanyang mga kapatid kapag napanood na siya sa TV bilang isang superhero.
Inamin naman ni Alex Gonzaga sa presscon ng Wansapanataym na hindi raw niya pinangarap ang maging superhero kahit noong bata pa siya, “Payat kasi ako, di ba kasi, sa atin kapag superhero ka dapat ano…so, ganu’n,” biting sagot ng dalaga.

Magsisimula na ang Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid sa Aug. 30, Linggo pagkatapos ng Goin’ Bulilit. Makakasama rin dito sina Miguel Vegara, Malou Crisologo, Fourth Solomon at Tirso Cruz III, sa panulat ni Philip King at sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Kaya tutukan ngayong darating na Linggo kung paanong naging “accidental superhero” si Ejay Falcon matapos siyang tamaan ng kidlat at kung paano sila magkakakilala ni Alex sa kuwento na gumaganap naman bilang isang journalist.

Kalat na: Julia papalitan ni Sofia Andres sa bagong soap kung…



Lately ay usap-sapan sa showbiz si Julia Barretto.

Hirap na hirap daw kasi itong umarte nang tama sa kanyang bagong teleserye. 

Nakakailang takes daw ito kahit na sa simpleng eksena lang.
Ang chika, pinalitan na raw ang director nito pero hindi pa rin maka-deliver ng tamang acting si Julia.

Ang latest chika, pinagsabihan na raw si Julia na huli na niyang card ang teleserye at kapag hindi pa niya pinagbuti ang kanyang acting ay papalitan na siya si Sofia Andres.
May fans si Julia na hindi makapaniwalang papalitan siya. Ang alam nila, mahusay namang umarte ang dalaga at iniintriga lang ito.

“Pinipilit pa kasi yang Julia B na yan di naman maga- ling…ganda lang talaga, walang talent. Pasensya na, opinion ko to!!!” comment ng isang fan.

“Dapat sinusubukang mabuti bago isabak sa taping. Nakakahiya lang kung hindi naman kaya ni julia baretto gumanap. Hirap sa pag aartista porket anak ng artista, pasok pa rin kahit walang talent. Saka hindi sila bagay ni Inigo Pascual,” say naman ng isang ayaw kay Julia.
Any comment, Julia?

GMA nagsampa ng reklamo sa NTC laban sa Skycable




SUMAGOT na ang pamunuan ng SkyCable hinggil sa reklamo ng GMA Network tungkol sa pagkasira ng signal sa ilang bahagi ng bansa, partikular na raw kapag umeere ang kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ang hinala ng ilang manonood, tila sinasabotahe raw ang Eat Bulaga dahil sa lakas ng hatak sa viewers ng tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub. Ilang linggo na rin daw kasing tinatalo ng Eat Bulaga ang It’s Showtime na napapanood sa ABS-CBN na sister company ng SkyCable.

Naglabas pa nga ng ilang mensahe ang GMA mula sa ilang SkyCable subscribers na nagpapatunay na nawawala ang signal nila kapag umeere na ang Eat Bulaga, partikular na kapag magsisimula na ang kalyeserye ng AlDub.

Narito ang official statement ng SkyCable tungkol sa isyu:
“SKY Cable Corporation, the country’s leading source of cable TV home entertainment, has been providing top-of-the-line services to our subscribers for the past 25 years. It has always been our primary aim to be at par with global standards and innovations in bringing world-class entertainment to every Filipino home.

“The complaint of GMA 7 with the National Telecommunications Commission (NTC) last August 25, 2015, regarding shortchanging of our SkyCable subscribers via irresponsible acts, is a malicious accusation and is without basis.
“If there were service interruptions that inconvenienced some of our subscribers, these were isolated and would have affected other channels, not only GMA 7.

“SKY is willing to cooperate with the NTC for any investigation they may wish to do regarding these incidents.
“To all our valued customers and stakeholders, we commit to take all necessary measures to give you the best service you deserve and continue working round-the-clock to minimize and immediately resolve any service interruptions in the future.”

Coco: Mas magiging mahigpit ako, kasi nakakapagod, nakakasawa na!



NILINAW ni Coco Martin na walang political agenda ang pagtanggap niya sa seryeng Ang Probinsiyano na unang ginawa noon ni a King Fernado Poe, Jr. na mapapanood na ngayong Setyembre.

Ayon kay Coco, nag-usap sila ng mga bossing ng ABS-CBN at ng maybahay ni FPJ na si Ms. Susan Roces na walang kinalaman sa pulitika ang project lalo na ngayong mainit na pinag-uusapan ang posibleng pagtakbo ni Sen. Grace Poe sa 2016.

Hindi naman kaila na maraming tinulungan ang aktor na pulitiko noong 2010 elections na nasa pwesto na ngayon. Ang tanda ng lahat ay sina Presidente Noynoy Aquino at Sen. Sonny Angara ang hayagang ikinampanya ng aktor.
Kaya natanong kung may mga lumalapit na sa kanya ngayon pa lang para iendorso niya – hindi naman ito itinanggi ni Coco.

“Honestly po, mayroon, pero para po sa akin kasi, hindi lang naman ako ang pinag-uusapan dito. Sabi ko nga, napagod na rin ako, nagsawa na rin ako.

“Kumbaga, parang lahat naman tayo na
ghahanap na rin ng pagbabago, hindi lang para sa ating mga sarili, kundi para na sa ating mga magi- ging anak, sa ating pamilya at sa lipunan,” ani Coco.

Nagulat nga ang entertainment press na dumalo sa solo presscon ni Coco para sa Ang Probinsiyano dahil naging prangka ang aktor sa mga nilalaman ng dibdib niya at kung ano ang gusto niyang mangyari sa 2016 elections, “Napakaimportante po ng pagkakataong ito, kung saka-sakali, sa election next year.

“Kasi ito lang yung pagkakataon na mahahawakan ko ang sarili kong pananaw, pagkakaintindi o pagkatao. Kasi, after that, kapag naboto ko na sila, wala na.
Kumbaga, sila na naman ang maghahari, gagawin na naman nila kung ano ang gusto nilang mangyari, di ba? “Ngayon mas magiging mahigpit ako sa mga taong tutulungan ko o paniniwalaan ko.

Kasi nakakapagod, nakakasawa. Parang may mga tao kang tinulungan, tapos magugulat ka na ganu’n pala yung nangyari. Ayaw ko nang maulit ‘yon,” mariing pahayag ng aktor.

Inamin din ng Teleserye King na may natulungan daw siyang hindi niya nagustuhan ang pamamalakad ngayon, “Oo, mayroong iba,” pag-amin niya. “Siguro sa pagkakataong ito, mas magi- ging mahigpit ka na.

Kasi, kapag alam kong nangangaila- ngan ng tulong, talagang sinusuportahan ko. “Pero may mga tinulu- ngan ako na talagang proud ako, like si Sen. Angara. Sobrang proud na proud ako,” say ni Coco.

At bago raw niya ikampanya o tulungan ang isang kandidato, “Unang-una, siyempre hindi naman sapat na pangako lang. Alam naman natin yung credibility ng bawat tao, alam mo naman ‘yung bawat hangarin.

Kumbaga, bilang tao, alam naman natin kung sino ang dapat. “Kung ako ang tatanu- ngin, isa lang ang sasabihin ko, gusto ko lang ng pagbabago. Kumbaga sa kanser, kahit maglagay ka ng bago, pero ganun pa rin ang sistema nila, kakainin lang ‘yan.

“Kung maaari, gusto ko nga lahat bago (walang trapo) para magkaroon tayo ng bagong lipunan. Kung dadagdagan lang din natin ‘yan, uulit lang tayo nang uulit sa mga taong ilalagay natin sa posi- syon, walang mangyayari, ganu’n pa rin. Sino ba ang mahihirapan? Tayo pa rin,” sabi pa ng aktor.
At dito na nga naipasok ng aktor ang isa sa ikinasasama ng loob niya sa gobyerno, “Honestly, may realization nga po ako, e. Parang bakit kami natatakot sa gobyerno, bakit kami natatakot sa mga taong nakaposisyon?

“Kung tutuusin, tayo ang nagpapasahod sa kanila. Dapat tayo ang pinaglilingkuran nila. Sana, kung magkaroon ng pagkakataon, sana baguhin lahat.

“Sana, kung maaari, sana baguhin lahat, sana bata lahat para magkaroon ng pagbabago,” diretsong sabi ng binata. Pero kinlaro ni Coco na wala siyang planong pasukin ang pulitika in case na alukin siya.

“Sa ngayon, wala po akong naiisip na ganu’n. Kasi, para sa akin, masaya po ako sa kung nasaan ako ngayon at kung anuman ang ginagalawan kong mundo, sa aking trabaho po.
“Sa akin pong pagkakaalam, marami ring tao ang nasira dahil diyan sa magulong mundo na ‘yan. Iba-iba siguro ang destiny ng mga tao.

“Siguro, may mga tao talagang inilaan para sa ganung aspeto ng buhay. Ako siguro, kung ano ako ngayon, ito ang ibinigay sa akin ng Diyos.

“At sa ganitong paraan ko, bilang artista, ginagamit ko rin ito para makatulong ako sa kapwa.
“Siguro sa pag-arte ko, kahit papaano, nagagawa ko ang part ko dahil napapasaya ko ang mga manonood. Nakakapagbigay ako ng encouragement.

“Sa bawat role na ginagampanan ko, alam niyo yung nakakapagbigay ako ng magandang ehemplo para gayahin nila ako sa bawat karakter na ginagawa ko,” sabi ni Coco.
Samantala, bukod kay Ms. Susan Roces na gaganap na lola ni Coco sa Ang Probinsiyano, makakasama rin sa napakalaking proyektong ito ng Dreamscape Entertainment sina Albert Martinez, Agot Isidro, Maja Salvador, Arjo Atayde, Bela Padilla, Jaime Fabregas at marami pang iba, sa direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.

Yaya Dub kinukuha ni Pacquiao para maging muse sa PBA; nililigawan din daw ng Ginebra




ANYTHING that concerns Maine Mendoza, more popularly known as Yaya Dub, is a hit to her multitude of fans.

Talagang kahit na anong material about her ay nagiging usap-usapan sa social media. Aubrey Carampel of GMA 7 posted a bio data of Maine and it instantly became a hit.

Nakakaloka kasi ang mga sagot niya sa sa kanyang resume. Sa language, ang inilagay niya ay English only. Meron pang nakalagay na Sexy na sinagot niya ng YES.

Sa objective naman ay inilagay ni Maine na to obtain a position that will enable me to use my strong powers and oozing appeal. Sa professional experience ay Farmville farmer ang inilagay ng hitad.

Obviously, enjoy na enjoy ang mga fans ni Maine upon reading her resume. Kuwelang-kuwela talaga kasi ang dalaga.“Syang sya talaga. HAHAHAHHAHA. Kaya mainenamahal ka lalo ng mga tao.
#ALDUBGettingCLOSER.”

“Natawa ako sa work experience as in farmer sa Farmville hihi. #ALDUBGettingCLOSER”
“Hehehe nilagyan talaga ng Sexy tapos capslock na Yes. intense hehehe english ONLY #ALDUBGettingCLOSER.”
“Sexy???? YES hahahahhaha!”

Ilan lang ‘yan sa comments na nabasa namin sa Twitter. Without a doubt, talagang sikat na sikat na talaga si Yaya Dub. Fact is, pinag-aagawan siya ng dalawang PBA teams para maging muse nila para sa 41st season sa October.

Inalok ni Manny Pacquiao na maging muse si Yaya Dub para sa Mahindra (formerly KIA). Ayaw ring paawat ng Ginebra dahil kinukuha rin nila si Yaya Dub para maging muse naman nila.

Walang makatatalo kay Yaya Dub bilang pinaka-popular na TV personality today. Actually, ang maganda kay Yaya Dub ay simple lang siya at walang kaere-ere.

Hindi siya nagpi-feeling kaya naman mahal na mahal siya ng fans niya. May pakiusap si Maine sa AlDub followers na tila gigil na gigil na magkita na sila ni Alden Richards.

“We are doing our best to make you guys laugh and kilig every single day! Kalma lang, ha, wag tayong magmadali. Let’s enjoy the show,” tweet ni Maine.

The reactions were varied as one said, “Super humble at bait talaga ni yaya dub kaya super dami ding blessings sa kanya.” “Iba na talaga ang aura nya ngayon, mukhang inlababo talaga. yung palitan nila ng messages kanina ay iba na ang dating at maine pa talaga nilalagay niya. sabagay kinikilig din aketch.

Lol,” say naman ng isa pa.“Pressured na ata siya.. tumataas demand ng fans… napapagod na siya.. fantasies are not real.. sana di nya isali true feelings nya… she needs a break! got to Venice!” one guy observed.

Want another proof of Yaya Dub’s kasikatan? May isang guy na ipina-tattoo ang mukha ni Maine sa kanyang braso. Grabe, ibang level na talaga ang kasikatan ni Yaya Dub!!!

Warning kay Tunying: Doblehin ang pag-iingat, nasa panganib ang buhay



Ayon sa mga imbestigador na tumakbo agad sa lugar ay labinglimang basyo ng bala ang nakita sa pamamaril sa restaurant ng komentaristang si Anthony Taberna.

Kahapon nang mada- ling-araw naganap ang pagsalakay ng riding in tandem, pinaulanan ng mga ito ng bala ang palibot ng restaurant ni Tunying, maraming nagpapalagay na may kuneksiyon sa kanyang trabaho ang dahilan ng pangyayari.
Mabuti na lang at walang mga tao sa loob ng restaurant, tanging ang mga salamin nito ang nagkabasag-basag, sa trabahong kinapapalooban ni Anthony Taberna ay mahihirapan ang mga imbestigador na matumbok kung sino ang salarin sa naganap.

Delikado ang buhay ng mga komentarista, lalo na’t may kaanghangang bumira si Anthony, ayon sa mga nagmimiron ay malaki ang posibilidad na may kinalaman sa pangyayari ang mga pangalang nabibira ni Anthony sa kanilang programa ni Gerry Baja sa DZMM.

Iniimbestigahan pa ngayon ang pamamaril sa resto ni Tunying sa Visayas Avenue. May umangat ding isyu na maraming kapwa niya komentarista ang may lihim na sama ng loob ngayon kay Tunying, idagdag pa ang minsang pamba-bash sa kanya ng mga netizens, malawak ang sakop ng kuwentong ito.

Isang bagay na dapat ipagpasalamat ng komentarista ay hindi siya, kundi ang kanyang negosyo na lang, ang nasaktan sa pamamaril.

Pero senyal na ‘yun na may mga nagtatangka sa kanyang buhay ngayon, kaya kailangang magdoble ingat si Tunying, dahil hindi niya alam kung sinu-sno ang kanyang kalaban.