Saturday, August 29, 2015

Lahat ng artista gustong maging superhero, kaya sino ako para tumanggi pa?



Excited na si Ejay sa pagsisimula ng Wansapanataym nila ni Alex dahil first time nga niyang gaganap na superhero. 

Kung medyo mature audience ang target nila sa seryeng Pasion de Amor, kung saan lagi siyang nakahubad, dito naman daw sa I Heart Kuryente Kid ay mga bata naman ang pasasayahin nila.

Nu’ng in-offer nga raw sa kanya ang role nasabi niyang dream come true ito para sa kanya dahil super fan din siya ng mga superhero sa TV at pelikula kahit noong bata pa siya. Aniya pa, “Lahat ng artista gustong gumanap bilang isang superhero. Kaya sino naman ako para tumanggi?

Tiyak din daw na matutuwa ang kanyang mga kapatid kapag napanood na siya sa TV bilang isang superhero.
Inamin naman ni Alex Gonzaga sa presscon ng Wansapanataym na hindi raw niya pinangarap ang maging superhero kahit noong bata pa siya, “Payat kasi ako, di ba kasi, sa atin kapag superhero ka dapat ano…so, ganu’n,” biting sagot ng dalaga.

Magsisimula na ang Wansapanataym Presents I Heart Kuryente Kid sa Aug. 30, Linggo pagkatapos ng Goin’ Bulilit. Makakasama rin dito sina Miguel Vegara, Malou Crisologo, Fourth Solomon at Tirso Cruz III, sa panulat ni Philip King at sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Kaya tutukan ngayong darating na Linggo kung paanong naging “accidental superhero” si Ejay Falcon matapos siyang tamaan ng kidlat at kung paano sila magkakakilala ni Alex sa kuwento na gumaganap naman bilang isang journalist.

No comments:

Post a Comment