Merle Tuazon
a blog and Super Collections for all Classic Tagalog Movies and Actors from 1912 to 2016 from famous and not so famous Movies in the Philippines, Actors and Actresses, Directors, Movie Company and Great Actors of Silent Films from Prewar up to the Present of Movie Video, Bluffs and other happenings and Award Giving Bodies.
Thursday, August 13, 2015
Nela Alvarez (1916 - )
Nela Alvarez (1916 - )
Maganda, mahaba ang buhok at hindi gaanong kaputian ang katangian ng prewar actress na si Nela Alvarez na nagsimulang mag artista bago pa datnan ng mga Hapones ang isla ng Pilipinas
Una siyang lumabas bilang suportang bituin sa Mga Kaluluwang Napaligaw noong 1936. Noong 1937 tatlong pelikula ang ka nyang nagawa at ito ay ang Umaraw sa Hatinggabi, ang melodramatikong Sanga-Sangang Dila at at pelikulang pang Mahal na Araw ang Via Crucis.
Bago pa man siya huminto sa pelikula noong dekada 30s ay nakagawa muna siya ng dalawan pelikula ang Dramang Bulaklak ng Luha (1938) at ang Dahil sa Pag-ibig (1938)
Pagkatapos ng giyera muling nagbalik pelikula ang maganda si Nela Alvarez at sa pagkakataong ito ay pumirma na siya ng konrata sa LVN at ang pelikulang Sierra Madre ni Leopoldo Salcedo ang una niyang pelikula at ang katunggali niay sa pag-ibig na si Vida Florante.
Nakagawa siya ng dalawang pelikula noong 1949 ang Capas ng Lvn at ang Haiskul noong 1949. Noong 1950 mangilan-ngilan na lamang ang kanyang paglabas sa bakuran ng LVN dahil na rin sa kanyang pag-aasawa.
Isa siyang suportadong artista sa Candaba na pinangungunahan ni Tessie Quintana na isang babaeng mandirigma ang papel sa naturang pelikula. Napasama din siya sa eskrimahang pelikula nina Mario Montenegro ang 3 Labuyo noong 1955.
Sa taong din yun nakagawa siya ng isang pelikula sa labas ng LVN ang Babaeing Kalbo na pinangunahan ni Eleanor Medina sa ilalim ng Lebran Pictures. Lumabas din siya noong 1954 sa Krus na Bakal ni Lilia Dizon at ang huli niyang pelikula sa LVN ang Hukom Roldan kung saan nagsanib sa pag arte ang dalawang artistang minsan ng pinuri ang pelikula nila noon ang Higit sa Lahat na sina Rogelio dela Rosa at Emma Alegre at ito ang Hukom Roldan na ginawa noong 1957.
bulaklak ng luha (1938), capas (1949), dahil sa pag-ibig (1938), haiskul (1949), Mga Kaluluwang Napaligaw (1936), nela alvarez, sierra madre (1948), umaraw sa hatinggabi (1937), via cruciz (1937),
capas (1949), dahil sa pag-ibig (1938), haiskul (1949), Mga Kaluluwang Napaligaw (1936), nela alvarez, sierra madre (1948), umaraw sa hatinggabi (1937), via cruciz (1937)
written by:
Edgar Ebro

Lina Alva (1918 - )
Ang Magandang si Lina Alva ay unang napanood sa pelikulang Dolores noong 1938 sa ilalim ng Parlatone Hispano Filipino. Siya ay ipinanganak noong 1915.
Ang ikalawang pelikula ni Lina ay ang Lihim ng Dagat-Dagatan ng isang melodramatikong luwentotungkol sa problem ng mga pamilyang mahirap at ito ay sa ilalim din ng Parlatone Hispano-Filipino.
ang ikatlong pelikula niyang ginawa ay sa ilalim pa rin ng Parlatone Hispano-Filipino noong 1940 at ito na rin ang kanyang huling nagawang pelikula sa naturang bakuran.
Kamoning ang pang-apat at huling pelikula niya sa taon ding 1940 kung saan ipinakikilala ang baguhang si Dely Atay-Atayan sa ilalim naman ng Cervantina Pictures.
Editor: Edgar Ebro
Quiteria Alegre (1908 - ) a biography
Si Quiteria Alegre ay ipinanganak noong 1908 subalit at walang nakaaalam kung kailan ito namatay. Siya ang tinaguriang kauna-unahang Cinderella ng Pelikulang Pilipino dahil sa pelikula niyang mala-Cinderella na Carromata Cinderella na ipinalabas noong 1936
by Edgar Ebro
Vicente Albo (1910 - )
Si Vicente Albo ay isang artista pagkatapos ng unang digmaan WWI. Siya ay ipinanganak noon 1910 at ang hindi makakalimuatng kanyang nagawang pelikula ay ang pelikulang ANG GANID noong 1933 kung saan siya gumanap na isang kontrabida.
Rosa Aguirre
1938 -Himagsikan ng Puso [Sampaguita]
1938 -Mapait na Lihim [Sampaguita]
1939 -Pasang Krus [Sampaguita]
1939 -Gabay ng Magulang [Sampaguita]
1939 -Walang Tahanan [Sampaguita]
1939 -Ang Magsasampaguita [Sampaguita]
1939 -Takip-Silim [Sampaguita]
1940 -Magbalik ka, Hirang [Sampaguita]
1940 -Jazmin [Sampaguita]
1940 -Lambingan [Sampaguita]
1940 -Bahaghari [Sampaguita]
1940 -Nang Mahawi ang Ulap [Sampaguita]
1941 -Tampuhan [Sampaguita]
1944 -Liwayway ng Kalayaan [X'Otic/Eiga Heikusa]
1946 -Death March [Phils Pics]
1947 -Daily Doble [FP]
1947 -Ina [Avellana Corp]
1948 -Krus ng Digma [X'Otic]
1948 -Siete Dolores [Nolasco Bros.]
1948 -Mga Busabos ng Palad [Nolasco]
1948 -Maestro Pajarillo ?
1949 -Krus ng Digma [X'Otic]
1949 -Ina ng Awa [Liwayway]
1949 -Kidlat sa Silangan [Premiere]
1949 -Haiskul ?
1949 -Landas ng Buhay [Al Martin]
1949 -He Promised to Return [Movietec]
1950 -Pedro, Pablo, Juan at Jose [Luis F. Nolasco]
1950 -Huramentado [Liwayway]
1950 -Ang Magpapawid [Royal]
1951 -Ang Tapis mo Inday [Lvn]
1951 -Satur [Lvn]
1951 -Irog, Paalam [Benito Bros.]
1951 -Anak ng Pulubi [Lvn]
1951 -Bisig ng Manggagawa [LS]
1951 -Apoy na Ginatungan [Royal]
1951 -La Roca Trinidad [LS]
1951 -Huling Concierto [Benito Bros.]
1951 -Isinanlang Pag-ibig [Benito Bros]
1951 -Pag-asa [Lvn]
1952 -Matador [Lvn]
1953 - Highway 54 [LGS]
1953 -Sa Paanan ng Bundok [Lvn]
1954 -Playboy [Deegar Cinema Inc.]
1954 -Batalyon Pilipino sa Korea [Palanca Bros.]
1954 -Mr. Dupong [LGS]
1955 -Higit sa Lahat [Lvn]
1955 -Dalagang Taring [Lvn]
1956 -Higit sa Korona [Lvn]
1957 -Walang Sugat [Lvn]
1957 -Sebya, Mahal Kita [Lvn]
1957 -Sanga-Sangang Puso [Lvn]
1958 -Faithful [Lvn]
1958 -Hiwaga ng Pag-ibig [Lvn]
1958 -Casa Grande [Lvn]
Maria Ozawa binastos ng netizens; Robin humiling ng dasal para sa anak na triplets
Kawawa si Maria Ozawa sa ilang bashers dahil sa pagtawag niya kay Robin Padilla ng “unprofessional” matapos itong umatras sa MMFF 2015 entry na “Nilalang” kung saan makakasama nga niya ang Japanese porn star.
Nauna rito, sinagot muna ni Binoe sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ang isyu ng pagiging “unprofessional”, at binigyang-diin ang responsibilidad niya sa kanyang asawang si Mariel Rodriguez na nagdadalang-tao nga ngayon.
Sabi ni Binoe, “Unprofessional to people like Maria Ozawa but for me, a real man with gentle heart to give way to her wife’s delicate condition. If you think Robin is unprofessional, then I think you are selfish.”
Ilang sandali lang ay marami na agad ang nag-comment dito, karamihan ay kampi kay Binoe at ang iba naman ay kung anu-anong masasamang komento ang ipinost laban kay Maria Ozawa, partikular na ang pagiging porn star nito sa Japan.
At dahil nga rito, napilitan uling mag-post si Robin ng mensahe para sa kanyang followers, “You have expressed your thoughts already and displayed your undying support to my wife loudly, which I am thankful on some, but shocked/protested on many.
“My dear fellow Mariel loyalists, my little sisters in the Katipunan, it will be wiser for you to stop first because truly our camp is at fault. Let the camp of Ms Maria Ozawa voice out their pain, it’s natural, it’s organic,” sabi pa ng action star.
Hiniling pa ni Robin sa madlang pipol na ipagdasal ang triplets nila ni Mariel, “Again pray for my 3 in 1. Peace be with us all.”
Birthday day gift ni Dingdong kay Marian nilait-lait
DINGDONG Dantes posted a photo of his gift sa dyowa niyang si Marian.
Isang pearl necklace at red roses ang nasa photo niya sa Instagram account niya.
When the said photo surfaced sa isang website, merong isang nambasag ng trip ni Dingdong and commented, “Kumpara tlga kay Marian eh barat magregalo itong si DingDong kahit pa south sea pearls pa yan still walang panama sa mga over expensive gifts na binibigay ni Marian sa kanyang hubby.”
Ayun, kinuyog kaagad ng lait ang nag-comment.
“Ganun! eh anong mas gusto mo mamahalin nga regalo niloloko ka naman. yong bracelet na bigay sa kanya dati worth almost P1M daw yon, barat pa rin ba yon sa yo?”
“Bakit sinasabihan ka ba ni Marian ng lahat ng regalong natatanggap nya from Dong? Unless nakalimutan mo yung kasal nila na gastos lahat ni Dong. Gown pa lang ni Marian P2M pesos na.”
See how fans of the couple behave?
See how fans of the couple behave?
Reklamo ng Dabarkads: Alden, Yaya Dub ’sinabotahe’, cable ng TV biglang nasira
NALOKAH ang mga neighbors namin last Wednesday when they were watching Eat Bulaga.
Nagdabog ang collective bangs nila kasi biglang lumabo ang cable at hindi nila napanood ang much-awaited pagkikita nina Alden Richards and Yaya Dub.
With bated breath, they collectively waited for the two’s pagkikita sa kalye. Nag-igib pa raw si Alden ng water just to show how much she loves Yaya Dub.
At the height of his pag-iigib, biglang nawala ang cable connection sa lugar namin, much to the consternation of the AlDub fans na gigil na gigil. Medyo matagal din nawala ang cable connection kaya bwisit na buwisit sila dahil hindi nila nasubaybayan ang kaganapan.
Our neighbors Sunnybelle Soriano and Toto Fabula were almost seething with anger dahil hindi nga nila napanood ang pagkikita ng dalawa nilang idol.
Ang tanong nila, meron daw bang sumabotahe sa AlDub loveteam? Well, bakit hindi na lang nila i-check ang cable connection nila. Right?
Anyway, we watched the “Maybe This Time” video of Alden and Yaya Dub at talaga namang nakakakilig ang mga eksena nila. Hawak-hawak pa ni Alden ang isang sapatos ni Yaya Dub na tumatakbo na parang si Cinderella. Basang-basa si Alden habang tumatakbo at talaga namang kaabang-abang ang eksena niyang iyon.
Si Yaya Dub naman ay nakitang sumabit sa isang jeepney na papalayo. Magaling magpaikot ng story ang Eat Bulaga at talagang click na click ang cliffhanger nila kaya marami na ang nag-aabang sa pagkikita ng dalawa.
May nakita kaming short video sa Twitter account ni Joey de Leon which showed Yaya Dub na nadulas habang halos patakbo. Ewan kung nasaktan nang husto si Yaya Dub sa kanyang pagkakadulas na ‘yon.
Scripted ba ‘yon o talagang nadulas lang siya? Mukhang lapitin lang ng disgrasya itong si Yaya Dub.
Pagkatapos kasing himatayin sa kasal nila ni Frankie Arinolli (Jose Manalo), ayun at nadulas naman ang dalaga.
KC dinalaw ang ina sa ospital, nakipag-ayos na kay Mega
MARAMING natuwang fans at netizens nang mabalitaan nilang okay na uli ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.
Kumalat kasi sa social media ang litrato kung saan makikitang dinalaw ni KC at Miel ang kanilang ina na naka-confine pa rin sa St. Luke’s Hospital dahil sa pagkakaroon ng matinding ubo.
Wala mang detalyeng ipinost si Sharon o si KC sa nasabing Facebook photo, ipinalalagay ng kani-kanilang mga kaibigan at supporters na nagkakayos na nga ang dalawa matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ilang buwan na ang nakararaan.
Mismong si Megastar pa nga ang nag-post ng picture nilang mag-ina. Makikita rito na nakahiga pa rin sa kanyang hospital bed ang TV host-actress ngunit bakas sa mukha nito ang kaligayahan.
Ayon sa mga naunang FB post ni Mega, posibleng nakuha niya ang hindi gumaling-galing na ubo noong magbakasyon silang mag-anak sa ibang bansa.
Kung matatandaan, mismong si Sharon din ang nagbalita sa madlang pipol na meron silang pinagdaraanang mag-ina na kalaunan ay kinumpirma rin ni KC. Pero sey ng dalagang aktres, hindi na siya magbibigay ng detalye kung ano ang pinag-ugatan ng tampuhan nilang mag-ina dahil malaki pa rin ang respeto niya rito at ayaw niya itong malagay sa alanganin.
Ayon kay Sharon, isa lang sa naging rason ng gap nila ng anak ay dahil sa pagpapaseksi nito sa kanyang pictorial at iba pang projects. Sey pa nga ni Mega, “Sorry pero nanay ako… may mga bagay na ‘di naman na kailangan gawin. Madaming beses na din kasi akong nagulat.”
Eat Bulaga posts highest rating of the year for Wednesday's AlDub near-meeting Yaya Dub
AlDub fever is still running high, with the anticipated meeting between Alden Richards and Yaya Dub boosting Eat Bulaga to its highest rating of the year.
The longest running noontime show posted a 36.1 rating in AGB Nielsen's overnight measurements among Mega Manila households for its Wednesday, August 12 show, according to PEP.
This was the highest rated Eat Bulaga episode of the year, according to the entertainment website.
Anticipation for the show was at a high since Yaya Dub was set to perform on #BulagaPaMore, leading fans to tune in to see if she would finally come face to face with Alden.
It was not to be, however, as Alden was unable to complete Lola Nidora's extra challenge in time to see Yaya Dub.
Sunday PinaSaya inungusan ang Asap20
Umani ng mataas na rating ang initial telecast ng Sunday PinaSaya. Kaya naman labis ang pasasalamat ni Ai Ai nu’ng i-text namin siya paglabas ng rating ng show last Monday.
Sa Mega Manila ratings ng AGB Nielsen ay nakapagtala ito ng 22.7% kumpara sa katapat nilang programa sa ABS-CBN, ang ASAP 20, na nakakuha ng 11.5%. At sa national ratings naman ng Kantar Media/TNS ay hindi nalalayo ang 16.1% ng Sunday PinaSaya sa 17.1% na nakuha ng ASAP 20.
“God is good all the time. Masaya kaming lahat at sana magpatuloy pa ang pagpapasaya namin sa buong bansa,” text message sa amin ni Ai Ai.

Sa Metro Manila Film Festival bakbakan ang pelikula nina Ai Ai+Aldub Vs. Vice Ganda+Coco
Baka nga sa Metro Manila Film Festival movie pa nila ni Vic Sotto.
“Seeecreet,” may kahulugang ngiti sa amin ni Ai Ai. Naku, knowing Ai Ai kapag ganyan ang sagot niyan, may halong katotohanan na, e, “Wait lang kayo,” biro pa niya.
Basta gugulatin na lang daw tayo ni Ai Ai tungkol sa pag-join ng AlDub sa movie nila ni Vic.
If ever mangyari ‘yan, tiyak na mahigpit ang labanan for number one spot sa takilya ang movie nina Ai Ai-Vic at ‘yung pelikula naman nina Vice Ganda-Coco Martin sa December filmfest.
“E, sabi ko nga, nag-thank you ako sa Lord sa lahat ng blessings na binibigay niya sa akin simula nang lumipat ako sa GMA. Tuluy-tuloy, swak. Hindi pinipilit, natural flow ng ano, may intervention ni Lord,” sabi pa ni Ai Ai.
Alden napilitan lang mag-artista nang biglang mamatay ang nanay
TANGGAP ng nag-iisang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na malaking tulong sa bagong comedy-variety show niya sa GMA na Sunday Pinasaya ang gwapong aktor na si Alden Richards.
Hot na hot si Alden ngayon dahil sa loveteam nila ni Yaya Dub o Maine Mendoza sa tunay na buhay.
“Oo, sobra. Malaking tulong siya sa show. Shining moment ni Alden ngayon. Sinasabi ko nga sa kanya kapag nasa gilid kami, ‘Baby Boy, nakakatuwa ‘yung nangyari sa career mo kasi ‘di ba sinabi ko sa ‘yo sisikat ka dahil napakabait mong bata,” lahad ni Ai Ai.

Sa mga hindi raw nakakaalam, bago namatay ang ina ni Alden, gustong-gusto nito na mag-artista ang kanyang anak.
“So, noong araw sabi niya, tinanong ko siya, ‘Paano ka ba naging artista?’ Sabi niya, ‘Dati pinag-aartista ako ng mommy ko.’ Ayaw ni Alden. Pero nu’ng na-tegibels ‘yung madir, parang eto ‘yung ginawa niyang dedication para sa nanay niya. Kaya ‘yung batang ‘yan walang reklamo, napakasipag na bata,” papuri ng komedyana kay Alden.
Kamakailan ay pumirma ng kontrata si Alden sa APT Entertainment for four movies. Banggit namin kay Ai Ai, malamang isa sa apat na movies na ‘yan ay ipasok si Alden at ang screen partner niya na si Yaya Dub,