Thursday, August 13, 2015

Nela Alvarez (1916 - )

Nela Alvarez (1916 -     )

Maganda, mahaba ang buhok at hindi gaanong kaputian ang katangian ng prewar actress na si Nela Alvarez na nagsimulang mag artista bago pa datnan ng mga Hapones ang isla ng Pilipinas

Una siyang lumabas bilang suportang bituin sa Mga Kaluluwang Napaligaw noong 1936. Noong 1937 tatlong pelikula ang ka nyang nagawa at ito ay ang Umaraw sa Hatinggabi, ang melodramatikong Sanga-Sangang Dila at at pelikulang pang Mahal na Araw ang Via Crucis.

Bago pa man siya huminto sa pelikula noong dekada 30s ay nakagawa muna siya ng dalawan pelikula ang Dramang Bulaklak ng Luha (1938) at ang Dahil sa Pag-ibig (1938)

Pagkatapos ng giyera muling nagbalik pelikula ang maganda si Nela Alvarez at sa pagkakataong ito ay pumirma na siya ng konrata sa LVN at ang pelikulang Sierra Madre ni Leopoldo Salcedo ang una niyang pelikula at ang katunggali niay sa pag-ibig na si Vida Florante.

Nakagawa siya ng dalawang pelikula noong 1949 ang Capas ng Lvn at ang Haiskul noong 1949. Noong 1950 mangilan-ngilan na lamang ang kanyang paglabas sa bakuran ng LVN dahil na rin sa kanyang pag-aasawa.

Isa siyang suportadong artista sa Candaba na pinangungunahan ni Tessie Quintana na isang babaeng mandirigma ang papel sa naturang pelikula.  Napasama din siya sa eskrimahang pelikula nina Mario Montenegro ang 3 Labuyo noong 1955.

Sa taong din yun nakagawa siya ng isang pelikula sa labas ng LVN ang Babaeing Kalbo na pinangunahan ni Eleanor Medina sa ilalim ng Lebran Pictures. Lumabas din siya noong 1954 sa Krus na Bakal ni Lilia Dizon at ang huli niyang pelikula sa LVN ang Hukom Roldan kung saan nagsanib sa pag arte ang dalawang artistang minsan ng pinuri ang pelikula nila noon ang Higit sa Lahat na sina Rogelio dela Rosa at Emma Alegre at ito ang Hukom Roldan na ginawa noong 1957.

bulaklak ng luha (1938), capas (1949), dahil sa pag-ibig (1938), haiskul (1949), Mga Kaluluwang Napaligaw (1936), nela alvarez, sierra madre (1948), umaraw sa hatinggabi (1937), via cruciz (1937), 
capas (1949), dahil sa pag-ibig (1938), haiskul (1949), Mga Kaluluwang Napaligaw (1936), nela alvarez, sierra madre (1948), umaraw sa hatinggabi (1937), via cruciz (1937)


                              written by:

                              Edgar Ebro



No comments:

Post a Comment