Saturday, July 25, 2015

Myrtle Sarrosa nakipaghiwalay na sa anak ni Grace Poe



ISANG bubbly at seksing-seksing Myrtle Sarrosa ang naabutan namin sa presscon ng launching ng Star Magic Angels, ang bagong grupo na magpapainit sa mga Kapamilya viewers.
Masayang-masaya ang dating PBB Teen Big Winner na nakasama siya sa bagong grupong ito kung saan makakasama niya ang iba pang Star Magic artists tulad ng dati ring PBB housemate na si Karen Reyes.
Dito bibigyan sila ng bagong image – sexy and naughty pero medyo wholesome pa rin. “Una, thankful talaga ako kasi nu’ng sinabi talaga sa akin na ’Uy, Myrtle ibi-build-up na kayo ah,’ ito na yung opportunity na inaantay ko kasi nu’ng PBB pa lang may mga projects na ko na naudlot tapos ito na yung parang comeback na right after ng PBB ko,” kwento ng dalaga na seksing-seksi sa kanyang outfit.
Si Myrtle ay kilala sa image na pa-cute dahil na rin sa hilig nya sa pagko-cosplay. Pero di na rin bago sa kanya ang pagpapa-sexy dahil nai-feature na rin siya bilang cover girl sa isang men’s magazine.
“Medyo pinapalihis na ko sa cosplay, pero sinabi ko talaga mahal ko ang cosplay so I will cosplay lang sa mga special event,” banggit ni Myrtle.
Nasabi rin niya na gusto na niyang i-level-up ang kanyang pagiging artist, “Kung dati pa-cute-cute characters ang kino-cosplay ko ngayun mas mature, mas sexy, mas may age.”
Gaano kaseksi ang kaya niyang gawin sa mga teleserye kung sakali? “Actually yung last ko na ginawa for Ipaglaban Mo.
Tapos the sexiest role na ginawa ko, it was the highest rating episode ng Ipaglaban Mo, kung saan isa akong student na na-in love sa teacher ko.
Du’n talaga ako na-challenge, it was my first time na may bed scene with Christian Vazquez.”
Sino ang pinaka-close niya sa Star Magic Angels? “Tatlo eh, si Karen, si Cheska at si Yana.
Pero yung pinakana-shock talaga ako kay Cheska. Kasi nag-click kami agad. Pero kami rin nila Karen at Yana laging nagde-date.”
Nai-inspire nga raw nila ang isa’t isa sa pagda-diet at pagwo-workout. Kailangan daw mas maging conscious na siya ngayon sa katawan niya dahil nga sa pagiging Star Magic Angels.
Samantala, kinumpirma rin ni Myrtle Sarrosa na hiwalay na sila ng anak ni Sen. Grace Poe na si Brian Poe Llamazares. Pero ayaw na niyang magdetalye pa tungkol sa nagging rason ng kanilang break-up.
Ayon sa dalaga, wala naman daw third party sa hiwalayan nila ni Bryan, pero aniya, “It’s a complicated story. I don’t want to delve into the details kasi mahal na mahal ko yung family niya.
“I respect him, and I respect his family. Kasi it came out of nowhere. For the entire year, we didn’t fight. It was only that day, it was only that day.
Kasi it’s funny na sobrang jive yung personality namin ’tapos bigla na lang one day, (naghiwalay),” sey pa ng dalaga.
Hindi naman daw pagrerebelde ang ginagawa niyang pagpapaseksi ngayon matapos silang mag-break, “Kasi naman nu’ng kami pa before, we were together for a year.
Siya naman talaga, sobrang supportive niya. Siya pa nga dati nag-push sa akin before na mag-workout.”
Dagdag pa niya, “This time, I am not doing it for anyone (pagpapaseksi), I am doing this for myself.
I am not doing this for him, he’s not the reason behind this. The reason why I am doing this is because I wanna show to people na you can be confident with your body.
Especially yung mga supporters ko from PBB pa na siyempre through the years, gusto ko din ipakita na, they too, can be comfortable and sexy with their body.”
Sinabi rin ng dalaga na naghiwalay sila ng maayos ni Bryan at wala silang samaan ng loob, “We’re both really good people na parang we loved each other too much, na parang na-realize namin na ’di talaga proper time.”
Dagdag pa ni Myrtle, “Parang eventually, na-realize na lang namin na we need to grow. Pero at the same time both of us, hindi namin matanggap, so we’d rather not talk to each other right now.”
Sa tanong kung posible pa ba silang magkabalikan, sa ngayon daw ay mukhang malabo itong mangyari.

Marian muling kinawawa ng bashers, pati magiging baby nila ni Dingdong dinamay


Pinag-usapan si Marian Something dahil sa kanyang Instagram baby bump photo na inilabas sa kanyang fan page sa Facebook.
Kaso, ang daming negative reaction sa photo na ‘yon. Kesyo bakit daw kailangan pa niyang mag-pose na obvious na ang kanyang baby bump at bakit kailangan pa itong ibalita sa social media.
“The heck!! Kulang na lang ibalita nyo na pumutok ng laway c marian at nautot c dingdong.. Sana nman ung may sense ang ibalita!”
“Nako si Marian ala magawa sa buhay pati pagbubuntis eupload, palibhasa hindi sikat!” “Kailangan bang ibalita ang paglaki ng tiyan nia everyweek? OA OA OA OA OA OA OA!”
“Ano to every man kailangan post tlaga …ang dami celebrity na nagbuntis….napaka #OA naman neto….dios ko ano takot malaos, nakakasira ng mood.”
“Naku para Lang kumita ng pera pose talaga ng Katawan. Siguro yung anak ninyo gagamitin nyo rin para kumita LNG ng pera.”
Ilan lang ‘yan sa nasty comments na aming nabasa. Well, one fan defended the actress and said, “Grabe naman kau magslita at mang husga perfect b kau .try nyo kya rumespeto ng tao. ke panget yn buntis o pabebe pa wla na kau paki dun.
Kya sa haters ni marian manahimik nlang kau wla naman kaung alam.” In fairness to Marian, maganda nga siyang magbuntis. But that’s all there is to her!!!

Dingdong favorite ng Malaysian ‘Soundtrack Queen’



FINALLY, the long wait is over! Pwede nang i-enjoy nang paulit-ulit ang latest favorite theme song ng bayan, ang “Sa Iyo” nina Min Yasmin at Nikki Bacolod. Nai-release na ang “2 Voices”, ang first full collaboration album mula sa mga talented music artists na ito mula sa Malaysia at Philippines.
Patok na patok ang “Sa Iyo” sa iba’t ibang major stations ng bansa kaya hindi ito nawawala sa kanilang top 10 countdown kung saan kalimitang dominated by foreign songs and artists.
Sa katunayan, sa June 15-21 TOP 10 ng 90.7 Love Radio, tanging “Sa Iyo” lang ang Tagalog song na pumasok sa kanilang weekly countdown. Nakakalungkot isipin na tila ang mga Pinoy artists pa ang nagi-struggle para lang mapabilang sa top radio music .
This is also one of the main reasons kung bakit sinusuportahan ng Malaysian songwriter and record producer na si Julfekar Ahmad Shah II ang Filipino singers.
He believes na very talented ang mga Pinoy music artists at naniniwala na siya dapat, Pinoy ang namamayagpag sa ating music industry.
Salamat at merong local radio stations and PolyEast Records that share the same sentiments. Pero bakit nga malapit na malapit ang puso ni Julfekar sa musikang Pinoy? Meron kasi siyang Filipino blood.
Isang Tausug ang nanay niya pero kahit na lumaki, nag-aral at naging successful businessman sa Malaysia, hindi nabura sa puso niya ang pagpapahalaga sa musikang Pinoy.
“The Filipino music has its own heart and soul. It’s poetic and endearing,” paliwanag pa ni Jul. Dagdag pa niya, may kakaiba raw charm ang kantang Pinoy at yung mga bagay daw hindi natin ma-express, we can express well through music, lalo na through Tagalog or Malaysian songs.
Ito pa ang good news – balak din niyang dalhin ang ilan sa ating singers para mag-concert sa Malaysia.
Hindi biro ang mag-produce ng album dito sa Pili-pinas. Madugo. Mahal.
Pero handa raw si Julfekar na harapin ang mga challenges na ito para lang marinig at magkapuwang sa ating mga kababayan ang kanyang musika.
At hindi masamang mangarap kung ang bayan na kanyang sinilangan at bayang tahanan sa kasalukuyan ay magsanib-pwersa para lumikha ng isang magandang musika, di ba?
Ang “2 Voices” album ay may 10 tracks na binubuo ng Tagalog, Malay at English songs. Aside from “Sa Iyo” meron pang “hugot” songs sa album gaya ng “Ang Tanging Dasal”, “Back To Me”, “Laging Nagmamahal Sa Iyo”, “Sayang Naman”, “Lafazkanlah”, “Fairy Tails”, “Di Na Ako Luluha Pa”, “Yakap”, “Satu Hati Dua Jiwa”, “Sana’y May Bukas Pa” at “Pusong Duguan”. These songs were recorded both in Manila and Kuala Lumpur.
“2 Voices” is distributed by PolyEast Records. Catch Min and Nikki sa kanilang Mall Tour soon.
Samantala, tuwang-tuwa naman ang press kay Min, na kilalang-kilala sa Malaysia bilang Soundtrack Diva dahil siya raw ang laging kinukuha ng mga TV production doon para kumanta ng theme song ng mga ipinalalabas na serye roon.
Meron din daw siyang kilalang Filipino actors tulad ni Dingdong Dantes na sikat na sikat daw sa Malaysia tulad ng misis nitong si Marian Rivera dahil sa mga teleserye nila na ipinalalabas doon.
Alam din niya na nagpakasal na rin ang dalawa.

Sharon ginawa na lahat para pumayat pero wa epek


May chikang gagawa na rin daw ng teleserye itong si Sharon Cuneta.
Yes, may ganoong rumors but all on social media are not taking it. Paano raw makagagawa ng teleserye itong si Sharon, eh, ang taba-taba pa rin daw nito.
Say nga ng isang mahadera, anong taon siya gagawa ng teleserye? Ang problema kasi kay Sharon, parang na-try na niyang lahat ng weight problem solutions pero wah epek pa rin.
Siguro ay matinding discipline lang ang kulang sa kanya para pumayat na siya.

Jericho nasaktan nang ikumpara ang akting kay Paulo sa ‘Bridges'

HINDI namin nakitaan ng pagkapikon si Jericho Rosales nang ikumpara siya ng ilang kasamahan sa panulat kay Paulo Avelino pagdating sa akting sa ginanap na finale presscon ng Bridges of Love. Pero base sa naging paliwanag niya ay halatang nasaktan siya.
Paliwanag ni Echo, “Yes, I’m always tested by that, I’m a team player, eh. Pag sinabi kong I want to challenge myself and kapag hinarapan ako ng challenge, haharapin ko ‘yung challenge, but of course ‘yung (tanong), may inilalabas kang something negative.
“But there’s a deeper understanding, people just see the television set, but wait, there’s more scenes than you. “I’ve worked 20 years (sa business), I’ve given my heart on it and if people don’t see that, well…My career is not that rising up, it’s how about you give someone a chance to shine, di ba?
“It’s a different landscape now. Now, you don’t see one person being the lead star, but you see three, you always see two, hindi mo na makikitang isa lang.
It’s always about teamwork on how you see. This is his (Paulo) time to shine, I’ll give it to him and hindi ko ipagdadamot iyon kasi I’m not an insecure actor.
“I’ve worked with veteran actors, my validation doesn’t come from tweets or (social media), my validations come from a great job doon sa role na ibinigay sa akin.
At ang most challenging phase sa career ko now is, ‘yung samahan sa set, ‘yung magagandang nangyari sa show,” ani Echo.
Sa tanong kung ano ang mae-expect ng viewers sa pagtatapos ng Bridges of Love, “Puro pasabog na eksena, ang taas ng drama, may mga action scenes, bilang kuya, ipapakita ko ‘yung misyon ko, the value of family.”
Samantala, pawang small projects lang daw muna ang gagawin ng aktor pagkatapos ng Bridges of Love at sa susunod na taon na lang daw ulit siya magte-teleserye.
Speaking of Jericho Rosales ay nabanggit niyang wala na siya sa pamamahala ni Erickson Raymundo ng Cornerstone Talent Management at hindi naman nagbigay ng dahilan aktor kung bakit.
Kaya’t tinanong namin si Erickson, “Yup, full Star Magic muna kasi acting ang focus niya dahil sa mga project niya. Sa amin kasi music sana at Star Magic acting, kaya lang kahit sa ASAP20 hindi niya nagagawa (nasisipot) dahil sa commitment.
“So, help kami pag may time na, that’s our arrangement from the start, hati kami ng Star Magic,” aniya.
Sa madaling salita, malinaw na kapag artista si Echo ay ang Star Magic ang mamahala ng career niya at kapag singer na siya ulit, ang Cornerstone.
Susme, akala ko naman kung ano na, e, kasi naman itong si Jericho hindi ipinaliwanag mabuti, iba tuloy ang naisip ng ibang katoto.
Oh well, puwede namang pagsabayin ang pagiging artista at pagiging singer, ‘yun nga lang, mas nakilala kasi si Echo bilang magaling na aktor kaya mas marami siyang offer sa serye a pelikula.

Rayver Cruz na-shock: Wala kaming relasyon ni Julia Barretto!



Dawit sa mga kontrobersya ang nagdaang birthday celebration ni Rayver Cruz. Una na ang pagse-celebrate ni Rayver sa Cebu kung saan kasama niya si Vice Ganda.
Pangalawa, ang pagti-treat sa kanya ni Marjorie Barretto sa bahay nito kaya may lumabas na isyu na nagkakagustuhan na sila ni Julia Barretto.
Pero tinawanan lang ni Rayver ang isyu sa kanila ni Julia. Very close raw kasi siya sa mommy ni Julia na si Marjorie. Super close daw talaga siya sa family ni Julia and he treats them na parang second family niya.
Bata pa raw si Julia at ‘di pa magbo-boyfriend. Samantala, sasalang ulit si Julia sa isang nakakaantig na episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi.
Gagampanan niya ang karakter ni Alyssa bilang isang bata na lumaki kasama ang kanyang tatlong lola na mga matatandang dalaga.
Tampok din sa MMK episode na ito sina Gloria Sevilla, Allyson McBride, Pinky Marquez, Nanette Inventor, Lara Quigaman, Eric Ocampo at Ynna Asistio sa direksyon ni Garry Fernando at sa panulat ni Ruel MontaƱez.
Huwag palampasin ang MMK ngayong gabi, 8:30 p.m. pagkatapos ng The Voice Kids sa ABS-CBN.

Maja sa nawasak na relasyon nila ni Gerald: Durog talaga ako du’n!


Abut-abot ang pasalamat ni Maja Salvador sa dalawang leading man niyang sina Jericho Rosales at Paulo Avelino nu’ng time na broken hearted siya kay Gerald Anderson, sabi nga niya, “Nadurog ako no’n!”
“Sila (Echo at Paulo) ‘yung nagpa-realize kung paano ko i-value ‘yung sarili ko, ‘yung worth ko, naghare sila ng mga experiences nila about love ganyan, at since sila ‘yung nakakasama ko everyday at kaibigan ko naman sila so nakapag-open up ako.
“May mga nai-share rin sila, pero ayoko na lang sabihin kung ano ‘yung sini-share nila sa akin at maganda. At the end of the day, malaki ‘yung naitulong nila,” kuwento ng aktres.
“Masaya na ako ngayon,” ito ang one-liner ni Maja nu’ng tanungin namin kung durog pa ang puso niya pagkatapos ng Bridges of Love presscon.
Hindi naman daw pinagsisihan ni Maja ang naging relasyon nila ni Gerald, “Wala, sabi ko naman di ba, kung lalaban ka, lumaban ka, manalo o matalo.
Masakit din naman ang mga napagdaanan ko, pero you just need to accept it para talagang maging okay ka.”
At kaya mabilis na nakare-cover si Maja at maagap niyang naintindihan ang lahat ng
nangyari ay dahil, “Kasi siguro napapaligiran ako ng mga taong mapagmahal talaga at sa pamilya ko, hindi naman kulang ‘yung pagi-intindi nila at pagmamahal na ibinibigay nila,” katwiran niya.
Isa pang maganda sa aktres ay never daw siyang nagtanim ng galit o sama ng loob sa kaibigan niya, “Never kasi ayokong i-regret na naging ano, boyfriend mo ‘yan o naging kaibigan mo ‘yan o ginawa ko ‘tong work na ‘to.
Never akong nagsisi kasi simula’t simula, ginusto mo ‘yun, eh, so wala kang puwedeng i-regret o isisi kasi choice mo rin ‘yun.”
Kaya sa tanong kung handa na ba siyang magmahal ulit, “Papunta palang ako sa bridge.” Sa pagtatapos ng Bridges of Love sa direksiyon nina Richard Somes at Will Fredo, ay sino ang pipiliin ni Maja kina Gael (Jericho) at Carlos (Paulo), “Nahihirapan na nga ako kapag magkakasama kami sa eksena, parehong mainit,” tumatawang sagot ng aktres.

Luis mas masahol pa sa bading pag nagalit



TALAGANG pinagpistahan sa apat na sulok na showbiz ang nakakalokang pagganti ni Luis Manzano sa isang teacher na nam-bash sa kaniya sa Twitter by calling him “bakla”.
Na-offend nang husto si Luis though he defended himself by saying he’s not gay. Kailangan niya talagang mag-explain that he is not gay? A real man, in its truest sense, ay hindi dapat nagpapaapekto sa ganoong pambabastos ng kahit sinong netizen.
Hindi siya dapat nagalit, dapat ay tinawanan na lang niya ito para mawala ang duda sa kaniyang sexuality. Pero ang ginawa ni Luis, pinatulan niya ang basher by posting bastos lines na wala sa personality niya.
Imagine, para sabihin niyang dala raw ng sobrang katabaan ng said basher ay malamang na hindi na nito nakikita ang kanyang etits – paulit-ulit nitong binanggit ang salitang “etits” na hindi pangkaraniwang ginagawa ng isang tunay na lalaki sa ganu’ng pagkakataon.
Nagulat talaga kami sa tinurang iyon ni Luis, kahit sabihin pang nag-inject naman siya ng konting humor on it – obvious pa ring napikon talaga siya sa pagtawag sa kaniyang “bakla”.
Yes, may celebrities na kumampi raw o sumang-ayon sa pagpatol ni Luis. Deserve raw ng basher iyon, kailangan daw patulan minsa ang mga bastos na bashers.

Yes, tama kayo, hindi naman namin sinasabing huwag niyo silang patulan but depende sa kung anong klaseng pagpatol ang gagawin ninyo – something na hindi self-destructive dapat.
Kasi nga, kayo ang may pangalan, dapat maingat kayo sa inyong pagpatol – sa inyong mga sagot kasi nga ang pa-ngalan ninyo ang at stake here.
Tingnan niyo ngayon, lu-mabas na palengkero pala itong si Luis, na parang baklang ligaw nga sa kaniyang pagpatol.
“Kung ako kay Luis, hindi ko na lang pinatulan that way yung basher. Hindi siya dapat nagpadala sa emosyon niya. Puwede siyang sumagot by saying na masarap yatang maging bakla with matching halakhak or something like, ‘Turuan mo nga ako how to be gay’.
Yung may paeklay. Hindi yung outright ay nakipagbastusan siya with the basher by using foul words. Di ba ang dad niyang si Edu Manzano ay dati ring natsismis na gay or bisexual?
“Eh parang carbon copy ni Doods si Luis, di ba kaya hindi malayong matsismis nga siyang gay rin like sa tsismis sa tatay niya before. Nakaka-turn off pala si Luis pag napikon.
Parang may sili ang bibig kung magtaray. Siguro sa totoong buhay ay palamura iyan, kasi nga matabil ang bibig sa Twitter ha,” sabi ng isang kaibigang baklitang may crush dati kay Luis.
“Pero kung maging dyowa ko si Luis, puwede na rin. Kasi nga, may konting bahid siya para sa akin. The more na parang na-confirm kong meron din siyang pagkaberde dahil sa mga linyang ipinost niya.
Ha-hahaha!” aniya pa. Kaloka! Kaya lesson learned sa mga artists, no one is stopping you na pumatol pero do it intelligently, huwag yung tipong magpapakabastos ka rin.
No-win kayo sa ganitong eksena dahil kayo ang nasa limelight. Kayo ang kilala hindi ang bashers ninyo. Tulad nitong napag-alamang teacher daw pala na basher ni Luis, isinara na raw nito ang kaniyang Twitter account dala siguro ng umiwas na lang sa gulo or what – sa palagay niyo ba ay doon na magwawakas ito?
Puwede pa rin naman siyang mag-open ng panibagong account, ‘no! Pero anong naiwang damage sa pagkatao ni Luis sa ganap sa kanilang exchange of bad tweets, si Luis ang nag-suffer.
Lumabas na “squatteric” din pala ang bibig ng anak ni Gov. Vi. Na baklang-bakla pala ang bibig nito pag napikon. Ganyan kasi kaming mga bading kung pumatol – yung suntok sa buwan ang lumalabas sa mga bibig namin.
Kaya ako, pinag-aralan kong mabuti how to handle issues, dati ganyan din ako kay Luis, kahit maliit na bagay pinapatulan ko. Now? So sorry but I choose my battles.
Ayokong basta na lang pumatol kung it’s not worth it, it’s just a waste of time and energy, di ba? I will not talk about etits or biik something about someone na ayaw sa akin.
Either deadma or sapak pag kaharap ko na. Sayang si Luis dito, graduate pa naman siya ng La Salle pero malala pala pag nagtaray. Wala kasi sa personalidad niya ang maging dalahira.
Kawawang bata, maybe he just woke up at the wrong side of the bed – or pikon moment niya. Baka meron siyang dinadalang kalungkutan sa kasalukuyan na hindi niya mailabas sa dibdib niya or hindi niya kayang i-share with anyone kaya nag-manifest na lang sa pagkapikon niya.
May ganoon kasi, yung sobrang pigil sa dibdib ang lihim mo na minsan ay sasabog na lang pag na-provoke. Hindi kaya ganoon ang nangyari sa kaniya. Sapantaha ko lang naman ito kumbaga. What do you think?

Matabang basher ni Luis tinawag na salot sa lipunan



FIRST time naming naramdaman ang pagkapikon ng ampon naming si Luis Manzano nang patulan nito ang isang basher sa social media na diumano’y isang teacher.
Well, siyempre kampi kay Luis na kilala naming palabiro at kung puwede lang na daanin ang lahat sa pagpapatawa ay ginawa na niya.
Pero dahil tao lang din siya na may limitasyon at hangganan din, napuno na ang guwapo at magaling na aktor-TV host sa pambu-bully sa kanya ng gurong netizen.
Hindi namin masisisi si Luis at gusto namin siyang unawain. Saludo pa nga kami sa mga una niyang ginawang pagsagot sa naturang hater, pero yung mga sumunod na pinagsasasabi niya ay talagang ikinaloka mamin.
Ha-hahaha! Parang gusto namin siyang puntahan para sabihan ng, “Anak, tama na! Tama na please!” Ha-hahaha!
Well, paminsan-minsan lang namang ginagawa yun ng aming ampon na sobra na sigurong nasaktan kaya’t pumatol na.
For sure, may konti rin siguro siyang pagsisisi matapos na ma-realize na pinasikat lang niya ang basher na yun na maituturing ngang basura kung hindi man salot ng lipunan. Ha-hahahaha!

Ai Ai ibibili ng bahay si Jiro; dadalhin sa Japan para makita ang tunay na tatay



DINALAW sa unang pagkakataon ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas ang anak-anakan na si Jiro Manio pagka-tapos ipasok sa rehab recently.
Huling nagkasama ang “mag-ina” nu’ng dalhin niya si Jiro sa isang rehab facility three weeks ago.
That time kumalat sa social media ang balitang namatay si Jiro.
Sobrang affected si Ai Ai sa naturang balita dahil siya ang nagdala kay Jiro sa rehab. Kaya agad niyang tinext ang secretary ng doctor ni Jiro after niyang mabasa ang text sa kanya ng ama-amahan ni Jiro na si Daddy Andrew.
“Nagulat lang ako nu’ng tinext ako ng daddy ni Jiro, gabi. Sabi niya, ‘Hindi po ako makakain dahil po sa balitang patay na si Jiro. Bakit naman po sila ganoon?’ Syempre, nag-worry din ako, ‘Huh? Baka tumakas ba or something? Ano kaya ang nangyayari,” mga naglalaro raw sa isip ni Ai Ai.
Humingi siya ng update sa doctor ni Jiro at sinabi na okey naman ang young actor. Binigyan din daw niya ng anti-flu si Jiro para hindi magkasakit.
Nu’ng time na kausap namin si Ai Ai doon lang daw nalaman ni Jiro na may ganoong balita sa kanya.
“Sinabi ko sa kanya, kasi ayaw niyang magpa-picture, e.
So, nirerespeto ko naman ‘yun. Pero sabi ko, ‘Anak, ngayon kailangan tayong mag-picture. Kailangan kitang piktyuran kasi para malaman ng tao na hindi ka patay.
Sabi ko, kasi may lumabas sa Facebook patay ka. Tumawa siya. Ngayon ko lang siya nakitang natawa, ha. Usually, ngiti-ngiti lang ‘yun, e,” paglalahad ni Ai Ai.
Tinanong namin siya kung totoong ayaw makita si Jiro ng kanyang ama na Japanese, “Hindi pa naman din. Nahanap ko na rin. Pero hindi ko pa siya nakita.
Pero i-wish natin na tanggapin man lang siya or kausapin. ‘Yun lang naman ang gusto ni Jiro, e, makita siya at kausapin.
“Pero ngayon pa lang, inaano ko na siya na, hinahanda ko na siya na, ‘Anak, ganito ‘yan, ha, kapag magaling ka na, dadalhin kita sa Japan.
Pero doon huwag sasama ang loob mo kung ano ‘yung makikita natin, kung ano ang mae-experience natin. Basta gusto ko lang happy ka,” sabi ni Ai Ai.
Sa ngayon, nakakakilala raw si Jiro pero may lapses. Extreme depression ang findings kay Jiro. At mukhang may selective amnesia raw ang aktor, “Oo, may ganoon.
Kapag ayaw niya, kinakalimutan niya ‘yung istorya, e.” Sabi nina Marvin Agustin at Direk Wenn Deramas, kailangang magmula kay Jiro ang pagbabago, “Ah, si Marvin kausap ko naman parati.
E, nag-promsie naman siya sa akin, ‘Ma, tutulungan ko si Jiro.’ Sabi ko sa kanya, ‘Nak, huwag mong kalimutan ang kapatid mo, ha.’”
Naging kapatid ni Marvin si Jiro sa “Ang Tanging Ina” movies. Bukod kay Marvin, nagbigay din ng tulong ang isa pa sa mga kapatid ni Jiro sa nabanggit na movie na si Heart Evangelista, “Oo, nagbigay siya ng pera para sa rehab ni Jiro.
Si Carlo Aquino nangungumusta rin. Gustung-gusto rin niyang magbigay ng pera.” More or less P60,000 a month ang kailangang ibayad sa pagpaparehab ni Jiro.
At four months pa siyang kailangang gamutin. Nagbigay din ng financial help sina Gina PareƱo at Lorna Tolentino na nakasama naman ni Jiro sa pelikulang “Magnifico.”
Paglabas daw ni Jiro sa rehab, ikukuha ni Ai Ai ng bahay ang binatang ama. At pagkatapos ay dadalhin niya si Jiro sa Japan. Next month nakatakdang pumunta sa Japan ang Comedy Queen with her family for a vacation.
“Pero pinahanap ko talaga ang father niya kahit nandito ako. Inayos ko na ‘yun. Pangako ko sa kanya ‘yun. Sabi ko, ‘Anak, pagaling ka, kasi pupunta tayo sa Japan.’
Alam ko kung saan nakatira ‘yung father niya.” Pero hindi pa raw ipinapaalam ni Ai Ai kay Jiro na alam na niya kung saan nakatira ang tatay ng young actor, “Huwag muna.
Tsaka kasi una, hindi pa naman natin alam kung kailan lalabas si Jiro, e. Baka mamaya magulo pa ang pamilya,

James Yap balak na nga bang hiwalayan ang Italian GF?



USAP-USAPAN ngayon sa social media ang mga pag-eemote nitong si James Yap.
Meron ba silang lovers quarrel ng kanyang Italian girlfriend na si Michelle Cazzola?
Nag-post kasi ang PBA player ng isang photo Instagram with a Visayan message. Sa isang website, nabasa namin ang translation nito sa Tagalog.
James said: “Kung ang pag-ibig ay dumating sa puntong masakit na, pakawalan mo na at isalba mo na ang iyong sarili. Tandaan na may makikita ka pang ibang mamahalin pero hindi ka na makakakita ng ibang ikaw.”
But James did not mention the name of Michelle in his post, but netizens believe na ang Italian dyowa niya ang pinatutungkulan.
Ilang taon na ring magkarelasyon ang dalawa, may chika pa nga na pinag-uusapan na rin nila ang kasal. Kaya ang question namin, anyare?
Masasalba pa nga ba ang relasyon ng dalawa?  At ano naman kaya ang magiging sey dito ni Kris Aquino, ang ex-wife ng basketbolista?

Paul sa usaping sex: Si Toni ang madalas magyaya


IBINUKING ni direk Paul Soriano na si Toni Gonzaga ang laging “nagyayaya” kapag nagkukulong sila sa kwarto.
Ayon sa direktor, ang kanyang misis daw ang madalas kumalabit sa kanya sa tuwing nagkakaroon sila ng chance. At siyempre, pinagbibigyan naman daw niya si Toni kapag gusto nito.
Sa interview ng Aquino And Abunda Tonight last Friday night tinanong ni Boy Abunda ang dalawa kung sino ang madalas nagyayaya na ang tinutukoy nga ay ang pagtatalik.
Mabilis na “Siya,” ang sagot ni Paul sabay tingin kay Toni. Tawanan talaga ang audience sa studio kaya ang dialogue ni Toni habang nagtatakip ng mukha, “Ano ba ‘yan, nakakahiya!”
Sabi naman ni direk Paul, “It’s not a bad thing, it’s a beautiful thing.” Na sinagot naman ni Toni ng, “Okay lang naman po ‘yun. Na-deprive naman po ako ng matagal na panahon.
Ibigay niyo,” na patuloy pa rin sa pagtawa. Inamin naman ng sister ni Alex Gonzaga na si Paul ang nakauna sa kanya.
Tulad ng naipangako niya sa kanyang sarili, ibinigay lang niya ang kanyang virginity sa lalaking pakakasalan niya.
Hirit uli ni Paul, “It’s legit now, it’s legit!” Ikinasal sina Paul at Toni oong June 12 at nag-honeymoon sa Amanpulo at sa Bali, Indonesia.
Wala pa silang planong magka-baby dahil marami pa raw silang commitments. Pero kung bibigyan sila agad ng anak this year, mas magiging maligaya pa sila.

Liza Soberano (1998 - )


Picture


Liza Soberano

Born: Hope Elizabeth Soberano
           Jan 4, 1998 
           Quezon City, Philippines
Screen Name: Liza Soberano
Occupation: Actress, Talent
Yrs active: 2012-present
Height: 5 ft  6 in 

Hope Elizabeth Soberano is a young actress from the Philippines. She become more popular in the Philippines for her role as young sister of Jake Cuenca in Kung Ako'y Iiwan Mo, ABS-CBN. She's also under of ABS-CBN's talent management Star Magic circle 2013 with co-actress Jane Oineza, Julia Baretto, Michelle Vito and Janella Salaador and Ingrid dela Paz. She grew up in United States.

Totoo ba, Wowowin ni Willie sa GMA tatapusin na?



True kaya ang mga kumalat na chika na tatapusin na agad ang Wowowin ni Willie Revillame sa GMA?
Ayon sa tsismis, hanggang ngayong buwan na lang daw eere ang game show ng TV host.
Pero on going pa rin daw ang negosasyon sa pagitan ni Willie at ng mga bossing ng GMA. May chika na malaki na raw ang nalulugi sa production ni Willie kaya nagdesisyon na silang tapusin ang programa.
Ngunit dinenay naman ito ng ilang taong malapit kay Willie. Bukod dito, meron din namang ulat na gagawin na raw itong araw-araw sa halip na tuwing Linggo.
Marami raw kasing mga tagahanga ni Willie ang nagre-request na gawin na itong daily show para mas marami ang mag-enjoy at matulungan dahil na rin sa malalaking papremyo ng programa.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement ang GMA 7 at ang kampo ni Willie. Nagsimulang umere ang Wowowin noong May 10, 2015.
Sa lahat ng supporters ni Willie, wag muna kayong mag-panic, baka naman may sorpresa siyang inihahanda para sa inyo.

Dumagit (1953) Cesar Ramirez & Lolita Rodriguez



Dumagit 
December 11, 1954
Sampaguita Pictures

Cesar Ramirez
Lolita Rodriguez
Myrna Delgado
Lolita Rodriguez
Van de Leon
Aring Bautista
Aruray
Bella Flores
Jose de Villa
Martin Marfil
Pepito Vera-Perez
Tony Dungan
Tototy Torrente
Dante Leynes
Vic Guevarra

Serialized in Pilipino Komiks by Francisco V. Conching
armando garces
 (screenplay)

Francisco V. Conching
 (story) 

 Tommy C. David 
(screenplay)

Carding Cruz 
(arranger)

Enrique Capati
 (assistant director)

Jose o. Vera
 (executive producer)

Neo Ragas
 (arranger)

Robert Mendoza 
(ad)

Tirso Cruz
 (music)

Armando Graces
(direction)

Dumagit (1954) Cesar Ramirez & Lolita Rodriguez


Dumagit 
December 11, 1954
Sampaguita Pictures

Cesar Ramirez
Lolita Rodriguez
Myrna Delgado
Lolita Rodriguez
Van de Leon
Aring Bautista
Aruray
Bella Flores
Jose de Villa
Martin Marfil
Pepito Vera-Perez
Tony Dungan
Tototy Torrente
Dante Leynes
Vic Guevarra

Serialized in Pilipino Komiks by Francisco V. Conching

Armando Garces
 (screenplay)

Francisco V. Conching
 (story) 

 Tommy C. David 
(screenplay)

Carding Cruz 
(arranger)

Enrique Capati
 (assistant director)

Jose o. Vera
 (executive producer)

Neo Ragas
 (arranger)

Robert Mendoza 
(ad)

Tirso Cruz
 (music)

Armando Graces
(direction)

Dumagit (1954) - Cesar Ramirez & Lolita Rodriguez


Dumagit 
December 11, 1954

Sampaguita Pictures

Cesar Ramirez
Lolita Rodriguez
Myrna Delgado
Lolita Rodriguez
Van de Leon
Aring Bautista
Aruray
Bella Flores
Jose de Villa
Martin Marfil
Pepito Vera-Perez
Tony Dungan
Tototy Torrente
Dante Leynes
Vic Guevarra

Serialized in Pilipino Komiks by Francisco V. Conching

Armando Garces
 (screenplay)

Francisco V. Conching
 (story) 

 Tommy C. David 
(screenplay)

Carding Cruz 
(arranger)

Enrique Capati
 (assistant director)

Jose o. Vera
 (executive producer)

Neo Ragas
 (arranger)

Robert Mendoza 
(ad)

Tirso Cruz
 (music)

Armando Graces
(direction)

Chris Brown nagbanta, reresbakan ang mga taga-INC?



Nakakaloka ang iskandalo at kontrobersya ngayon sa hanay ng mga kapatid nating namumuno sa Iglesia Ni Cristo.
Nagkasunod-sunod talaga ang mga issue sa kanila. Nandiyan na ang pinag-usapan kahit sa abroad na pagkakaharang kay Chris Brown sa airport dahil sa problema niya sa INC na may kinalaman sa pera.
Noong Biyernes ay pinayagan na ring makalabas ng bansa ang international singer matapos ayusin ang ilang dokumento niya pero nagbanta diumano ito na hindi niya matatanggap ang ginawang pagpigil sa kanya sa airport at kailangan daw may managot.
Tungkol naman sa kaguluhang nangyayari ngayon sa liderato ng INC, marami ang nagsasabi na posibleng magkawatak-watak na ang mga miyembro ng Iglesia kapag hindi naayos agad ang mga problema.
Ilang artistang kabilang sa INC ang tinanong naming kung ano ang kanilang komento sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanilang mga lider pero habang sinusulat naming ang balitang ito ay wala pang sumasagot sa aming text at tawag.

Dating pasaway na PBB housemate tinawag na seksing jologs



Easily, si Karen Reyes ang nag-standout sa ipinakilalang Star Magic Angels recently in a presscon because she was the most kikay, the most down to earth and the most jolly.
Among the nine Angels, maganda ang tingin ni Karen sa buhay kahit na jologs ang kanyang image. She admitted, however, na she was intimidated dahil lahat ng kasama niya ay Inglesera.
“Noong una po, parang nakakapag-adjust naman ako kasi nag-aral ako sa John Robert Powers. Pero nakakatakot po kasi baka mapag-iwanan nila ako kasi sila Englisher.
Na-realize ko na hindi naman ako ‘yun, eh. Noong simula ay nai-insecure po talaga, noong hindi pa ako nakakapag-aral,” say niya.
“Actually, best in English po ako no’ng high school,” she revealed. “‘Yung tatay ng ex-BF ko ay British tapos niloloko-loko ko, eh, hindi ko alam na kapag ganoon pala, na hindi nakakapag-aral, napupurol ka, nawawala ang pinag-aralan mo.”
Iyon ang dahilan kung bakit nag-Personality Development siya sa John Robert Powers. Ini-reveal din niya na “Nagkamali ako ng grammar sa workshop at pinagtawanan nila akong lahat.
Eh, hindi naman ako nagdyo-joke ba’t n’yo ko pinagtatawanan. Na-offend ako sa sarili ko na hindi nila alam ‘yun. Doon nag-start na nag-aral talaga ako.”
Is she comfortable with the jologs image? “Actually kapag sinabing jologs, parang hindi siya complement.
Noong na-explain po sa akin na ito ang magiging jologs sa grupo, sabi ko, ano po ba ‘yon, parang complement? Sabi parang pang-masa kaya sabi ko, ‘okay po’.”