Saturday, July 25, 2015

Luis mas masahol pa sa bading pag nagalit



TALAGANG pinagpistahan sa apat na sulok na showbiz ang nakakalokang pagganti ni Luis Manzano sa isang teacher na nam-bash sa kaniya sa Twitter by calling him “bakla”.
Na-offend nang husto si Luis though he defended himself by saying he’s not gay. Kailangan niya talagang mag-explain that he is not gay? A real man, in its truest sense, ay hindi dapat nagpapaapekto sa ganoong pambabastos ng kahit sinong netizen.
Hindi siya dapat nagalit, dapat ay tinawanan na lang niya ito para mawala ang duda sa kaniyang sexuality. Pero ang ginawa ni Luis, pinatulan niya ang basher by posting bastos lines na wala sa personality niya.
Imagine, para sabihin niyang dala raw ng sobrang katabaan ng said basher ay malamang na hindi na nito nakikita ang kanyang etits – paulit-ulit nitong binanggit ang salitang “etits” na hindi pangkaraniwang ginagawa ng isang tunay na lalaki sa ganu’ng pagkakataon.
Nagulat talaga kami sa tinurang iyon ni Luis, kahit sabihin pang nag-inject naman siya ng konting humor on it – obvious pa ring napikon talaga siya sa pagtawag sa kaniyang “bakla”.
Yes, may celebrities na kumampi raw o sumang-ayon sa pagpatol ni Luis. Deserve raw ng basher iyon, kailangan daw patulan minsa ang mga bastos na bashers.

Yes, tama kayo, hindi naman namin sinasabing huwag niyo silang patulan but depende sa kung anong klaseng pagpatol ang gagawin ninyo – something na hindi self-destructive dapat.
Kasi nga, kayo ang may pangalan, dapat maingat kayo sa inyong pagpatol – sa inyong mga sagot kasi nga ang pa-ngalan ninyo ang at stake here.
Tingnan niyo ngayon, lu-mabas na palengkero pala itong si Luis, na parang baklang ligaw nga sa kaniyang pagpatol.
“Kung ako kay Luis, hindi ko na lang pinatulan that way yung basher. Hindi siya dapat nagpadala sa emosyon niya. Puwede siyang sumagot by saying na masarap yatang maging bakla with matching halakhak or something like, ‘Turuan mo nga ako how to be gay’.
Yung may paeklay. Hindi yung outright ay nakipagbastusan siya with the basher by using foul words. Di ba ang dad niyang si Edu Manzano ay dati ring natsismis na gay or bisexual?
“Eh parang carbon copy ni Doods si Luis, di ba kaya hindi malayong matsismis nga siyang gay rin like sa tsismis sa tatay niya before. Nakaka-turn off pala si Luis pag napikon.
Parang may sili ang bibig kung magtaray. Siguro sa totoong buhay ay palamura iyan, kasi nga matabil ang bibig sa Twitter ha,” sabi ng isang kaibigang baklitang may crush dati kay Luis.
“Pero kung maging dyowa ko si Luis, puwede na rin. Kasi nga, may konting bahid siya para sa akin. The more na parang na-confirm kong meron din siyang pagkaberde dahil sa mga linyang ipinost niya.
Ha-hahaha!” aniya pa. Kaloka! Kaya lesson learned sa mga artists, no one is stopping you na pumatol pero do it intelligently, huwag yung tipong magpapakabastos ka rin.
No-win kayo sa ganitong eksena dahil kayo ang nasa limelight. Kayo ang kilala hindi ang bashers ninyo. Tulad nitong napag-alamang teacher daw pala na basher ni Luis, isinara na raw nito ang kaniyang Twitter account dala siguro ng umiwas na lang sa gulo or what – sa palagay niyo ba ay doon na magwawakas ito?
Puwede pa rin naman siyang mag-open ng panibagong account, ‘no! Pero anong naiwang damage sa pagkatao ni Luis sa ganap sa kanilang exchange of bad tweets, si Luis ang nag-suffer.
Lumabas na “squatteric” din pala ang bibig ng anak ni Gov. Vi. Na baklang-bakla pala ang bibig nito pag napikon. Ganyan kasi kaming mga bading kung pumatol – yung suntok sa buwan ang lumalabas sa mga bibig namin.
Kaya ako, pinag-aralan kong mabuti how to handle issues, dati ganyan din ako kay Luis, kahit maliit na bagay pinapatulan ko. Now? So sorry but I choose my battles.
Ayokong basta na lang pumatol kung it’s not worth it, it’s just a waste of time and energy, di ba? I will not talk about etits or biik something about someone na ayaw sa akin.
Either deadma or sapak pag kaharap ko na. Sayang si Luis dito, graduate pa naman siya ng La Salle pero malala pala pag nagtaray. Wala kasi sa personalidad niya ang maging dalahira.
Kawawang bata, maybe he just woke up at the wrong side of the bed – or pikon moment niya. Baka meron siyang dinadalang kalungkutan sa kasalukuyan na hindi niya mailabas sa dibdib niya or hindi niya kayang i-share with anyone kaya nag-manifest na lang sa pagkapikon niya.
May ganoon kasi, yung sobrang pigil sa dibdib ang lihim mo na minsan ay sasabog na lang pag na-provoke. Hindi kaya ganoon ang nangyari sa kaniya. Sapantaha ko lang naman ito kumbaga. What do you think?

No comments:

Post a Comment