Monday, October 12, 2015

Yaya Dub nagpasalamat sa EB: Pinalakas ninyo ang loob ko!




MARAMI mang naging pagbabago sa buhay niya ngayon, naniniwala pa rin ang tinaguriang Social Media Queen na si Maine Mendoza sa aral ng kababaang-loob.
Isang mahabang mensahe ang ipinost ni Maine o Yaya Dub sa milyun-milyong fans nila ni Alden Richards sa kanyang Instagram account na tumutukoy sa mga kaganapan sa kanyang buhay na biglang nabago nang dahil sa kalyeserye ng Eat Bulaga na pinagbibidahan nila ni Alden.

Maraming na-touch sa nasabing IG post ni Maine (sinulat ni Yaya matapos ang bonggang performance niya sa Bulaga Pa More Dabarkads Pa More grand finals noong Sabado) kaya mas lalo pang dumami ang nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
Sinabi ni Maine na ang pagkakasali niya sa Eat Bulaga ang naging tulay para maipakita niya sa buong mundo ang kanyang talento at makapagpasaya ng mas maraming tao. Inamin din niya na mababa ang self-confidence niya noon sa pagpe-perform sa harap ng maraming audience. Narito ang bahagi ng emosyonal na IG post ni Maine.

“I used to be a girl with a poor self esteem—I actually think I still am.

“I never believed in my capability of doing things; it could be just me being a pessimist about almost everything but the thing is, I never really believed in myself.
“Every time I am about to do something, the first thing that comes to my mind is ‘Hindi ko kaya yan.’ (That’s the fighting spirit! *note sarcasm*) Though I am already used to it, it’s still sad to think that I grew up with a negative mindset.
“I grew up believing I am not good enough for anything.”
Pero ngayon daw ay masasabi na niyang, “I am proud of myself. People may think ‘Wala pa namang nararating/napapatunayan yang Yaya nyo.’ True enough, I guess.

“Pero para sa ‘kin, I’ve done so many things that I never thought I can do; things that I never imagined I am capable of doing.

“Everything that I am experiencing and doing right now is new to me. And I am proud to say that [finally] —because of Eat Bulaga— I am having the courage to step out of my comfort zone.

“I have waited so long for the moment where I’d be able to say ‘I am proud of myself.’ Kung wala pa man akong napapatunayan sa inyo, sa ‘kin marami-rami na.. at yun lang, sapat na.

“Sapat na din para masabi kong proud ako sa sarili ko. Way to go, Meng!”




No comments:

Post a Comment