Thursday, September 24, 2015

Ronnie Liang nagpasilip ng birdie sa ‘Esoterika: Maynila’





SINIGURO ng singer-actor na si Ronnie Liang na hindi mabibigo ang manonood, lalo na ang mga beking nagpapantasya sa kanya, sa kontrobersiyal na pelikula nilang “E-soterika: Maynila” na idinirek ni Elwood Perez.

Sa presscon ng pelikula kamakailan, sinabi ni Ronnie na masa-shock at tiyak na maiiskandalo ang mga viewers kapag napanood nila ang unang pagsabak niya sa indie movie, ang debut film production ng T-Rex Productions in cooperation with the Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Nagsimula na itong ipalabas noong Miyerkules sa Shang Cineplex, Edsa Shangri-La Mall at tatagal hanggang Sept. 29. Kasama rin dito sina Vince Tañada, Boots Anson-Roa, Carlos Celdran, Snooky Serna, Lance Raymundo, Jon Hall at marami pang iba.

Ang “Esoterika: Maynila” ay tungkol sa isang binatang promdi na mapapasabak sa iba’t ibang pagsubok sa Maynila, kabilang na ang pakikipagrelasyon niya sa transgender.

Pero alam n’yo ba na hindi pala si Ronnie ang first choice para maging bida sa nasabing proyekto? Si Hayden Kho ang unang napili ni direk Elwood Perez para sa “Esoterika” pero tinanggihan niya ito dahil sa maseselang eksena.

Hanggang sa makita ni direk Elwood ang isang billboard ni Ronnie sa Edsa (endorsement para sa isang brand ng cologne) na aniya’y perfect din sa role.

Ayon kay Ronnie, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang proyekto dahil napakaganda ng materyal. I-namin niyang natakot din siya nu’ng una dahil kailangan nga niyang maghubad, pero siniguro sa kanya ni direk Elwood na aalagaan nito ang mga maseselan niyang eksena.

Marami naman sa nakapanood na rito (nu’ng ipalabas ito sa 10th Cinema One Originals) na malaki ang posibilidad na maging next Coco Martin si Ronnie na nagsi-mula rin sa mga sexy at gay-themed indie films tulad ng “Masahista” at “Serbis”.

“First time ko maghubad na may frontal nudity. Hindi lang ganoon ka-grabe because of the MTRCB. Pero meron. Kung paano namin ginawa ‘yun, panoorin na lang nila. Siguradong magugulat sila sa mga ginawa ko,” ani Ronnie nang makachikahan namin after ng presscon.

“Sabi ko nga, pumayag akong gawin ito para maipakita sa mga tao na hindi lang ako singer, na kaya ko ring gumawa ng mga proyektong out of the box, yung magbibigay ng bagong challenge sa career ko.

“This is something new I can offer to the public. Siyempre una parang medyo nahihiya pa, pero, nu’ng nag-shoot na at nasanay na, medyo na-ging okay na, lahat ibinigay ko para hindi mabitin ang mga manonood,” chika pa ng binata na game na game nakipaghalikan at nakipag-love scene sa kapwa lalaki.

Sa isang panayam naman, sinabi ni direk Elwood na bilib na bilib siya sa akting ni Ronnie sa pelikula, “If you go through my filmography, you will notice that I’ve worked with se-veral newcomers in their launching pictures. Ronnie is one of the best and probably the most winsome. He delivers a luminous performance.
“It took exactly three days for me to realize where he was coming from. Although fully equipped with experience gained through several acting workshops, he thoroughly succeeds and makes his attack seem unstudied and effortless,” paliwanag pa ni direk.

Kamakailan, ang “Esoterika: Maynila” ang tumanggap ng Film Critics’ Choice Award sa nakaraang 62nd FAMAS Awards. Naimbitahan din ito para maging opening film sa 22nd Filipino Arts & Cinema International Film Festival sa San Francisco, California ngayong October. Maging ang direktor nitong si Elwood Perez ay gagawaran din ng Lifetime Achievement Award for his contribution to the growth and development of the Filipino motion picture industry.



1 comment: