Saturday, September 5, 2015

Rica Peralejo tinawag na laos, uhaw sa publicity





Napakalaking tulong ng social media ngayon sa ating lipunan. Maraming trabaho ang napapabilis, parang madyik ang pagdaloy ng komunikasyon, kumportable ang lahat dahil sa social media.

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging paborable para sa atin ang iba-ibang porma ng social media, meron ding panahon na sa halip na makatulong ay ‘yun pa ang naglalagay sa atin sa alanganin, tulad na lang ng nangyari kay Rica Peralejo.

Sumama raw ang kanyang pakiramdam, nagpunta siya sa ospital, pero hindi niya nagustuhan ang ginawang pagpaparetrato sa kanya ng mga nurses na nandu’n.

Agad-agad na nagsumbong si Rica sa kanyang social media account, nakiayon naman sa kanya ang mga kaibigan niya, pero mas niratrat siya ng mga negatibong komento ng mga netizens na hindi nagkagusto sa kanyang ginawa.

Tinawag siyang publicity hungry, mas masakit ang isa pang salitang ipinakain sa kanya, laos. Matagal na kasing wala sa sirkulasyon si Rica, mula nang mag-asawa siya ay nanahimik na ang aktres, at kapag matagal na hindi napapanood ang artista ay laos ang itinatawag sa kanila ng iba.

Sa postura kasi ni Rica ay parang gusto niyang mawalan ng trabaho ang mga nurses na nagpa-picture sa kanya dahil sa termino niyang ginamit na “Isusumbong ko sila!”
Ayon sa mas nakararami, dapat nga raw ay nagpasalamat pa si Rica dahil kahit hindi na siya aktibo sa pag-aartista ay kilala pa rin siya, pero hindi pala okey para sa kanya ang ganu’n.

Sana’y nagpairal na lang ng diplomasya si Rica Peralejo. Kaya nga artista-entertainer ang tawag sa mga tulad nila ay nagpapasaya sila ng publiko.

No comments:

Post a Comment