Friday, September 11, 2015

Mawawasak ang magandang career dahil lang sa alak ‘Sayang na sayang talaga si Enrique Gil!’





Nakapanghihinayang ang popularidad ni Enrique Gil. Ang ganda-ganda pa naman ng markang meron ang kanilang tambalan ni Liza Soberano.

Tinangkilik ng ating mga kababayan ang kanilang serye, umangat ang kanyang popularidad, pero sisirain lang pala ‘yun ng kawalan niya ng disiplina sa pag-inom.

Anumang katwiran ang ibigay ngayon ng binatang aktor ay mababalewala na. Nangyari na ang lahat, nakapanakit na siya ng kanyang mga kasamahan, kumalat na ang kuwentong magbibigay ng lamat sa kanyang karera at pa-ngalan.

At hindi lang paglala-sing ang kuwentong ikinakabit sa kanya ngayon kundi pagwawala, ihinaham-bing tuloy siya sa isang magaling na aktor na sinira rin ng bisyong paglaklak, sayang na sayang ang aktor na ito.

Kung minsan talaga ang hindi kinakayang hawakan ng mga popular na artista ang kanilang disiplina. Natatangay sila ng kung anu-anong gawain na siguradong magtatatak nang negatibo sa kanilang imahe, sa kanilang pangalan, sa oportunidad na napakatagal nilang hinintay pero masasayang lang pala nang madalian.

Siguradong tatakpan ng damage control ng mga nag-aalaga sa kanyang career ang kuwento, pero sayang dahil hindi lang naman silang magkakaibigang artista ang sakay ng eroplano, maraming pasaherong kababayan din natin ang nakasaksi sa kanyang pagmamarakulyo.

Sayang na karera, sayang na imahe, sayang na pagkakataong maganda na paminsan-minsan lang naman dumarating sa buhay ng mga artista.

Dahil lang sa kapangyarihan ng agua de pataranta, siguradong matataranta ngayon ang mga tagapagtanggol ng isang guwapong batang aktor na minahal na sana ng masa, pero nasayang pa.

No comments:

Post a Comment