Friday, August 21, 2015

Sorry na lang Carla: Tom bibilhan muna ng house & lot ang pamilya bago mag-asawa

PANGARAP din ng Kapuso leading man na si Tom Rodriguez ang magkaroon ng sariling pamilya in the future. Wala naman daw siyang balak magpakatandang-binata.
“I’ve never been the type of person na iniisip I’ll grow up to be a bachelor. I want a family, I want to settle down,” ang sey ni Tom nang makachikahan ng entertainment press sa media launch ng bagong GMA Telebabad series na Marimar kung saan makakatambal niya ang bagong Marimar na si Miss World 2013 Megan Young.

Hanggang ngayon ay ayaw pa ring umamin nang diretsahan ni Tom kung girlfriend na niya ang Kapuso actress na si Carla Abellana, basta ang lagi niyang sinasabi, “I’m very, very happy ngayon sa buhay ko, lalo na sa career ko dito sa GMA.”

Natanong si Tom kung kailan ba talaga niya ba- lak mag-asawa? “Siguro pag nagawa ko na lahat ng gusto ko para sa sarili ko at para sa pamilya ko… to take care of my family.

“It’s safe to say na because of GMA, I’ve been able to make some investments. In my three years with GMA, nakaipon ako, nakapag-invest ako. And I’m very happy…yung dream ko of building a house for my parents para they can retire.
“They wouldn’t have to worry about being far away from us, lahat kami. My sisters, nasa Japan pareho dahil yung husbands nila du’n na-station. 

My older brother has his own family, my younger brother nasa Tucson, Arizona, my other younger brother nasa military. So, parang kalat-kalat.

“It’s my dream for my family, my mom and dad, na maibili ko sila ng lupa’t bahay dito. Tapos malapit lang sila sa mga pamangkin ko,” anang binata na siyang gaganap na Sergio SantibaƱez sa bagong version ng Marimar na magsisimula na sa darating na Lunes.

Abot-langit naman ang pasasalamat ni Tom sa GMA dahil mula nang lumipat siya sa Kapuso network ay hindi na siya nabakante, pero aniya, “Hindi ko maku-quantify in those terms, na big star, na ganito. Hindi ko binabase sa ganu’n, e, those are arbitrary terms.

“Hindi ko naman alam din yung ano ang meaning o ibig sabihin, ano bang pagbabasehan natin? Yung alam ko lang na nung lumipat ako sa GMA, naramdaman ko yung talagang pag-aalaga, pagmamahal nila sa akin. Ramdam ko na willing silang sumugal sa akin nang paulit-ulit at ramdam ko na, dito, I’m at home.

“Although I’m very, very thankful where I came from, they gave me the opportunities to be where I am now.

By Ervin Santiago
Bandera

No comments:

Post a Comment