Saturday, August 15, 2015

Serafin Garcia (1916 - )


Tinaguriang Adonis ng panahon ng giyera sa in dustriya ng Pelikulang Pilipino.  Si Serafin Garcia ay ipinanganak noong 1916 at naging paboritong leading man ng mga artista noong late 30s at dekada 40 noong bago pa magkadigma.

Una siyang nasulyapan sa pelikulang Biyak na Bato NOONG 1939 ng X'Otic Pictures kung saan naging pangalawa siyang bida saama ni FPJ na si Fernando Poe.  Sa pelikulang Sa Duyan ng Pagmamahal sa ilalim ng X'Otic Pictures.  ang pelikulang Tinangay ng Apoy noong 1940 ang kauna-uanhang pelikulang kanyang pinagbidahan kabituin si Mona Lisa.

Noong 1941, itinambal si Serafin sa isang baguhang si Violeta Hermosa sa SINGSING PANGKASAL ng Zaldariaga Acuna Pictures, sa LUKSANG BITUIN katambal si Lucita Goyena, naging tatsulok ang tema ng pelikulang kung saan katunggali niya si Fernando Poe Sr. sa pag-ibig ni Lucita Goyena. 

Halimaw kung saan ginampanan ni Serafin ang papel ng isang Halimaw, Ang Viuda Alegre kung saan ang pagbabalik tatsulok na pagmamahalan nina Lucita, Fernando at Serafin at ang SIERRA MADRE na isang aksyon-drama at ang lahat nitong pelikula ay gawa ng X'Otic Pictures

Gumanap din siya bilang love interest sa isang musikal na pelikula ang PRIMA DONNA ang  KRUS NG DIGMA at ang huli niyang pelikula ang  G.I. FEVER ng 3 Stars Pictures 




No comments:

Post a Comment