Thursday, August 6, 2015

Maricel, ang babaeng bakla



SI Maricel Soriano ang unang tinaguriang “babaeng bakla” sa showbiz kaya naman malapit ang mga beki sa kanya.
Kaya nang imbitahan si Maricel sa ginanap na “Keri Beks: 1st National Gay Congress” ay hindi na siya nagdalawang isip pa kaya naman nagulat ang mga bading na nasa loob ng Araneta Coliseum noong Martes ng gabi nang tumambad sa entablado ang aktres para sa production number niyang “I Am What I Am” at “I Will Survive.”
In fairness, bongga ang nasabing production number ni Marya at talagang malaki na ang ipinagbago niya, medyo tumaba na siya at masarap na uling kausap.
Huling nakapanayam namin si Maricel noong 2013 pa sa presscon ng huling pelikula niyang “Momzillas” kasama si Eugene Domingo na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.
Sabi ni Maricel, kaya raw siya pumayag mag-guest sa “Keri Beks Gay Congress” at dahil, “Napakasaya, alam n’yo naman kapag mga beki, walang dull moment.”
Ang maipapayo naman ni Maricel sa gay community ay, “Dapat lagi lang tayong masaya, huwag mawawalan ng pag-asa. Kasi ang mundo, umiikot ‘yan, dapat magkaroon ng equal rights kasi tao rin naman sila.”
Kaagad nang kinuha si Maricel ng handler niya kaya hindi na natanong kung may plano siyang gumawa uli ng pelikula o magbida sa isang teleserye. Napagod daw kasi ang aktres sa production number niya

No comments:

Post a Comment