Sunday, August 30, 2015

GMA muling bumuwelta laban sa SkyCable: May basehan ang reklamo










Tila hindi nagustuhan ng GMA 7 ang naging tugon ng Skycable na malisyoso at walang basehan ang reklamo ng Kapuso network sa National Telecommunications Commission tungkol sa pagkasira ng signal ng ilang subscribers kapag umeere na ang Kalyeserye ng Eat Bulaga na pinagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub.

Ayon sa ikalawang official statement ng GMA ang reklamong inihain ng network sa NTC ay mismong mga hinaing ng SkyCable suscribers, tungkol sa diumano’y kawalan ng channel signal ng GMA mula July 19 hanggang August 21.

Narito ang kabuuan ng bagong pahayag ng GMA hinggil sa naging sagot ng SkyCable sa kanilang reklamo: “SkyCable issued a press statement calling the complaint, which GMA Network filed with the NTC regarding the poor cable signal during the airing of the noontime show Eat Bulaga, particularly during the airing of its ’Aldub kalye-serye segment’, as malicious and without basis.

“In reply, GMA Network wishes to point out that: 1. GMA’s complaint with the NTC is based on the numerous complaints GMA has received from its viewers. “2.

Instead of merely saying that GMA’s complaint is malicious and without basis, SkyCable would do well to refute the specific complaints of GMA’s viewers submitted to the NTC, where the case is now pending.”

Sa unang sagot ng SkyCable sa nasabing reklamo, “isolated” case lang ang “service interruptions” na nararanasan ng kanilang subscribers.

Ayon sa mga viewers ng Eat Bulaga baka raw may nananabotahe sa noontime show dahil nga napakalakas nito ngayon sa mga manonood, lalo na kapag simula na ang kalyeserye ng AlDub.



No comments:

Post a Comment