Sunday, August 30, 2015

Dennis: Maganda paglaki nila, sila ang magkatropa!



ISA sa mas nagpapatatag nga- yon sa relasyon nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ay ang pagiging magkaibigan ng kanilang mga anak.

Kapag may pagkakataon ay nagkakasama ang anak ni Dennis kay Carlene Aguilar na si Calix at ang anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia na si Alex Jazz.

Huling nagkasama nang medyo matagal ang dalawang bagets ay sa nakaraang birthday party ni Alex Jazz kung saan isinama pa ni Dennis ang kanyang tatay.

Sey ni Dennis na muling magbibida sa pelikula bilang si Felix Manalo ng Iglesia Ni Cristo, malaking factor sa samahan nila ni Jen ang pagba-bonding ng kanilang mga anak, “Oo naman. Siyempre magandang tingnan na lumalaki silang magkasundo, maging close sa isa’t isa.

“Tutal pareho naman silang lalaki, e, di sila na ang magtropa later on. Masaya lang na tingnan na okay sila sa isa’t isa. “At saka mga bata pa ‘yan.

Bigyan mo lang ‘yan ng laruan, maglalaro na ‘yan together, di ba?” paliwanag ng Kapuso actor.

Nang matanong si Dennis kung ano pa yung mga napansin niyang magandang pagbabago sa friendship nila ni Jen, “Siguro yung pagiging open sa communication… yung pagkakaroon ng mas malawak na pag-iisip, at pag-iintindi.”
“Sa ngayon kasi, ilang taon na rin ang nagdaan. Marami na kaming pinagdaanan sa buhay, mga experience. So, ayun, masasabi kong naging okay kaming pareho.

In terms of maturity, siguro mas mature na kami pareho ngayon,” chika pa ni Dennis. Napangiti lang si Dennis sa kumalat na chika na ang magpapatunay daw na nagkabalikan na sila ni Jennylyn ay ang pagkakaroon nila ng term of endearment – “Paw” na raw kasi ang tawagan nila ngayon.
Marami kasi ang nakabasa sa komento niya sa isang post ng aktor sa Instagram. “Hindi, yun ang gamit namin sa My Faithful Husband. Du’n sa mga nakakapanood ng show, naiintindihan nila, kung bakit ganu’n ang tawagan namin.
Nagkataon lang na yun ang gamit namin, so akala ng iba na hindi alam, akala nila ay yun na ang term of endearment namin ni Jennylyn. Pero sa roles lang namin dun sa show namin together.”

Pero kung magkakabalikan daw sila ni Jen, mas gusto niya na may epesyal na tawagan sila, “Halimbawa, kung mahal mo ang isang tao, minsan kahit anong corny ang tawag mo sa isang mahal mo, bigla na lang may ganun, di ba?”

“Masarap din pakinggan yung tawagang ‘Babes,’ ‘Honey,’ ‘Sweetheart,’ ‘Heart,’ di ba? Parte na siguro yun sa relasyon, depende talaga sa inyong dalawa. Puwede naman na yung pangalan o palayaw mismo, depende talaga.

“Sa akin, okay naman yung espesyal na tawagan, para ma-feel naman nung karelasyon mo espesyal din naman siya,” sey pa ni Dennis.

No comments:

Post a Comment