Wednesday, July 29, 2015

Willie lumuhod sa harapan ni Charo Santos


LUMUHOD si Willie Revillame sa harap ni ABS-CBN President Charo Santos nang magkita sila sa 15th anniversary celebration ng YES! Magazine nu’ng Lunes ng gabi.
Nabigla ang lahat ng mga nakakita sa nasabing eksena sa loob ng ballroom ng Crown Plaza Hotel kaya kung anu-ano na namang speculations ang kumalat nu’ng gabing ‘yun.
Ilang minuto ring nakaluhod si Willie habang nakikipag-usap kay Ms. Charo. Nasa GMA 7 na ngayon ang TV host-comedian pagkatapos mag-expire ang kontrata niya sa TV5.
Umeere ang bago niyang show na Wowowin sa Kapuso station tuwing Linggo. Ayon sa isang panayam, wala naman daw problema sa pagitan nina Charo Santos at Willie, “Matagal na kaming nag-uusap,” sabi ng presidente ng Kapamilya network.
Nang tanungin kung bakit lumuhod sa harap niya ang TV host, “Wala yun, may binubulong lang siya. Kami ni Willie, personally, I am able to tell him how I feel.”
Posible pa bang makabalik si Willie sa Dos? “Ay, hindi naman namin napapag-usapan. In fairness, hindi napapag-usapan,” sagot naman ni Ms. Charo sa nasabing interview.
Kamakailan, kumalat ang balitang matsutsugi na raw ang Wowowin ni Willie sa GMA dahil malaki na raw diumano ang nalulugi sa produksyon ng programa.
Pero may balita namang balak itong gawing everyday dahil na rin sa request ng mga manonood.
Present si Willie sa 15th anniverary ng YES para tanggapin ang plaque of appreciation mula sa nasabing glossy magazine bilang highest-selling star cover nito.
Ang kanyang January 2009 issue ay bumenta na ng mahigit 300,000 copies. Samantala, sa kanyang speech, pinaalalahanan ni Willie ang mga kapwa artista na maging maingat sa kanilang kinikita, pinayuhan niya ang mga ito na mag-ipon nang mag-ipon at mag-invest sa mga negosyo at ari-arian dahil wala talagang kasiguruhan ang buhay ng isang artista.
Ikinuwento rin niya ang kanyang pinagmulan at ang tinatamasang karangyaan ngayon, hindi raw ito para magyabang o para ibandera ang kanyang kayamanan kundi magsilbing inspirasyon sa mga kapatid niya sa industriya.


No comments:

Post a Comment