Sunday, September 21, 2008

Pelikula noong 1903


Noong 1903, isang Pilipino na nagngangalang Jose Jimenez ang nagtayo ng kauna-unahang sinehan na pag-aari ng isang Pilipino, ang Cinematografo Rizal. Ito’y nasa Azcarraga Street (Recto ngayon) na nasa harapan ng istasyon ng tren sa Tutuban. Sinundan ito ng isa pang sinehan na pag-aari din ng isang Pilipino, ang Cinematografo Filipino sa Tondo.

Ang patuloy na progreso ng mga produksyong pampelikula sa Europa at Amerika ay nagresulta ng pagtatatag ng mga ahensiyang nagdadala ng mga pelikula mula Europa at Amerika sa Maynila katulad ng Pathe Freres Cinema nuong July 1909. Dahilan sa matatag na supply ng mga pelikula sa murang panimulang halaga, nag-usbong ang maraming sinehan katulad ng Cine Anda na nagbukas noong August 8, 1909

No comments:

Post a Comment