Sunday, September 21, 2008

El Fusilamiento de Rizal (1912)

Nalaman ng isa ring Amerikanong si Albert Yearsley, may-ari ng Cine Majestic ang ginagawang pelikula nina Gross at Brown, at nagsimula rin siyang kumuha ng mga artistang gaganap sa gagawin niyang pelikulang batay rin sa buhay ni Dr. Jose Rizal at ito ay ang pagsasapelikula ng mga huling sandali ng buhay ni Rizal. Tinawag niya itong La Pasion y Muerte de Dr. Rizal, o El Fusilamiento de Rizal. Para lamang maunahan niya si Dr. Gross sa pagpapalabas ng kanyang pelikula, kinunan niya ang mga eksena ng madalian upang makahabol sa pagpapalabas ng pelikula ni Gross ng Agosto 24. Ang bahagi ng pagbaril kay Rizal ay kinunan ni Yearley noong Agosto 22, hindi sa Bagumbayan kung saan binaril si Rizal, kundi sa North Cemetery ng Maynila samantalang si Gross ay kinunan ang mga eksenang kung saan talaga naganap ang mga pangyayari. Noong gabi ng Agosto 22, ipinakita ni Yearsley sa publiko ang mga rushes ng kanyang bersyon at ipinalabas ang kabuuan nito kinabukasan, isang gabi bago ang pagpapalabas ng pelikula ni Gross sa Grand Opera House.

No comments:

Post a Comment