Sa kabila ng hatak sa mga manonood ng tema ng kanyang mga pelikula, unti-unti na ring nababawasan ang kanyang mga tagatangkilik dahilan sa mga makabagong aspekto teknikal ng mga pelikulang banyaga na mas maayos ang pagkagawa at ang pagdating ng mga pelikulang de kolor. Hanggang sa siya’y magsara at ipaarkila ang mga gamit pangpelikula sa dalawang maliliit na kumpanya, ang Manila Films Company na gumawa ng Apache de Manila at Sirena Movie Company na gumawa naman ng La Purga de Suarez.
No comments:
Post a Comment