a blog and Super Collections for all Classic Tagalog Movies and Actors from 1912 to 2016 from famous and not so famous Movies in the Philippines, Actors and Actresses, Directors, Movie Company and Great Actors of Silent Films from Prewar up to the Present of Movie Video, Bluffs and other happenings and Award Giving Bodies.
Tuesday, November 10, 2015
Baby de Jesus (1952 - )
Si Baby de Jesus ay isang artistang Pilipino na nakilala
noong maagang dekada 1970. Karamihan ng kaniyang
nagawang pelikula ay kasama si Vilma Santos o dili kaya
si Esperanza Fabon.
Nakasama din siya sa pelikula noon ni Edgar Mortiz at Vilma Santos ang Love Letters na isinapelikula noong 1971
Pakiusap ni Kris sa pagsapit ng Apec Summit: Behave tayong lahat, please!
Si Kris Aquino pala ang magiging host sa lunch ng First Ladies na dadalo sa APEC Economic Leader’s Meeting na mangyayari sa Nob. 18-19
Kaya sa pamamagitan ng Kris TV noong Lunes ay may pakiusap ang TV host-actress, “Karangalan natin ito na pupunta sila lahat dito. So mag-behave tayong lahat please.”
Darating sa Pilipinas ang lahat ng leader ng mga bansang kasama APEC kabilang na sina US President Barack Obama at Russian President Vladimir Putin para dumalo sa APEC Economic Leaders’ Meeting.
Mauunang dumating ang Unang Ginang ng Chile sa Nob. 16 at iba pang galing sa mga bansang South America. Sabi pa ng Queen of All Media, “Tinatrabaho namin ‘yung 19 lunch para doon sa mga first ladies, 10 lang ‘yung nag-confirm.
“Ang mga first ladies na confirmed na darating, Singapore, Indonesia, Japan, tapos Malaysia, Thailand, New Zealand, Vietnam, Hong Kong and Colombia. Type ng mga Pinoy ang Colombia na ‘yan,” aniya pa.
Ang bansang Mexico ang pinakamalaking trading partner ng Pilipinas dahil sa Pemza na umabot daw sa 2.3 billion ang in-invest nila rito. At dahil abala si Kris sa APEC Summit ay tigil muna ang shooting ng 2015 MMFF entry nilang “All We Need Is Pag-ibig”.
Ken Chan umaming may natatanggap na mga indecent proposal mula sa mayayamang bading
DIRETSONG inamin ng Kapuso actor na si Ken Chan na may mga indecent proposal siyang natatanggap mula sa mga bading na gustong maka-score sa kanya kahit one-night stand lang.
Ayon sa Destiny Rose lead star, may mga beking nagpaparamdam at nag-aalok sa kanya ng kung anu-ano kapalit ng kanyang katawan at “pagmamahal”. Pero aniya, wala raw siyang pinatos sa mga ito.
“Aaminin ko po, meron talaga. Pero alam ko pong natural lang yun sa mga artista. Hindi lang naman si-guro ako ang nakaka-experience ng ganu’n, ” sabi ni Ken. Pero ayon sa binata, hindi naman daw niya binabastos o nire-reject agad ang mga ba-ding na lumalapit sa kanya.
“Mas flattered ako kesa sa nao-offend. Kasi alam ko na may dahilan sila kung bakit nila nagawa yun. Lahat naman tayo may karapatang magmahal. Yun nga lang hindi ko talaga kaya yung ganu’ng relasyon. Kaya ang ginagawa ko ine-explain ko lang sa kanila yung side ko,” esplika pa ni Ken na sikat na sikat na ngayon dahil sa napa-kagaling na performance niya sa afternoon series ng GMA na Destiny Rose.
Tinanong namin kung magkano ang pinaka
malaking offer na natanggap niya sa isang bading? “Huwag na yun, basta meron po. Pero like I said, mas naa-appreciate ko yung ganu’n kesa magagalit ako. Kasi ibig sabihin may dating ka sa kanila.”
Samantala, natanong din si Ken kung hindi pa ba niya nadadala sa tunay na buhay ang role niya bilang si Destiny Rose, “Minsan sinasabi nila pagkatapos ng taping parang hindi ko pa mabitiwan si Destiny Rose, lalo na pag intense yung mga eksenang ginawa namin. Pero sabi ko nga, secured naman po ako sa gender ko at trabaho lang po ang ginagawa ko.”
Sa Nov. 13, Biyernes, aba-ngan daw ang “most beautiful transformation” sa balat ng telebisyon. Sa wakas, magiging “babae’ na si Joey Flores Vergara bilang si Destiny Rose at tutukan ang mga bonggang pagbabago sa kanyang buhay bilang isang transgender woman.
“Napakahirap pong gawin ito. Hindi siya biro, physically and emotionally, hindi ganu’n kadali ang pinagdaraanan ko as Destiny Rose. Marami akong prosesong pinagdaraanan. I did a lot of workshops and I researched about transwomen, about girls, how they move, talk, communicate, sing, and everything else about women,” paliwanag pa ni Ken.
Pero kahit na nga sobrang hirap ng kanyang role sa Destiny Rose, sobrang grateful siya sa trust na ibinibigay sa kanya ng GMA at sa all-support nila sa kanilang serye.
“Nang nakuha ko na at nahulma si Destiny Rose, natuwa ako at na-overwhelm, sa nakikita ko sa sarili ko. Na-appreciate ko kung gaano kaganda, kung gaano ka-sexy, na-appreciate ko siya, kasi hindi ko pa naman naranasan maging babae, magkilos babae.
“Ngayon sabi ko ang sarap ng pakiramdam na nagagawa ko ito, na kaya kong gawin, kasi artista ako and it’s my duty and work para i-entertain ang viewers. Masaya ako at excited na mapanood nila ang pagpapatuloy ng kuwento ni Destiny Rose,” litanya pa ni Ken.
Kaya tutukan ang mga pagsubok, ang pagbagsak at muling pagbangon ni Destiny Rose, tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime after Buena Familia.
Anyway, game rin si Ken sakaling magkaroon sila ng kissing scene ni Fabio Ide, ang ka-loveteam niya sa Destiny Rose.
“Kung talagang kailangan sa istorya bakit hindi. Gagawin ko naman yun bilang artista, as a transwoman at hindi bilang si Ken Chan,” chika pa ng guwapo at magaling na young actor.
Kasama rin sa cast sina Katrina Halili, Manilyn Reynes, Joko Diaz, Jackielou Blanco, Jeric Gonzales, JC Tiuseco, Sheena Halili, Irma Adlawan at Michael De Mesa, sa direksyon ni Don Michael Perez.
Vice inupakan ng bashers, tinawag na baklang laos…idinamay pa ang nanay ‘Wag n’yong sayangin ang oras n’yo sa akin....love you!’ – Vice
SA halip na magwala sa galit at patulan ang mga netizen na patuloy na nanlalait at nambabastos sa kanya, mas minabuti na lang ni Vice Ganda ang mag-spread ng good vibes at magpasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanya.
Sa mga nabasa naming comments ng ilang netizens sa sunud-sunod na post ni Vice sa kanyang Twitter account, tinawag siya ng mga ito na laos at isang malaking karma.
Nauna nang nanawagan ang TV host-comedian sa kanyang followers sa social media na tigilan na ang kanegahan at naging positive na lang, “Marami na tayong nasaktan at marami na ring nakasakit satin.
Let’s spread Good Vibes na lang para clap clap clap Champion! #StopTheHate!”
Dugtong pa nito, “Nasaksihan ko na ang ganda ng araw sa salamin. Clap clap clap! Champion! #ShowtimePBBSaLubong!”
Matapos ngang mag-post si Vice ng kanyang mga mensahe, dito na nagkomento ang ilang bashers kung saan tinawag siyang “laos” at may ilan pa nga na idinamay pa pati ang kanyang nananahimik na ina.
Sabi pa ng isang hater huwag na rin daw siyang pumasok sa It’s Showtime at i-apply daw niya sa tunay na buhay ang mga pinagsasasabi niya at huwag puro dakdak. Ang tanging sagot lang dito ng TV host ay, “#StopTheHate: #StopTheHate!”
Siyempre, hindi rin nagpatalo ang mga fans ni Vice at gumanti sa mga bastos na bashers. Pero agad din silang pinagsabihan ng komedyante, “To all my Little Ponies and Vicerylle babies: Thanks for trying to be responsible netizens as much as you can. Never resort to bashing.”
Narito naman ang message ni Vice sa kanyang haters, “My recent tweets are for my fans. So if you’re not my fan, you don’t have to react. Don’t waste your time to bash me. Love you.”
Migo Adacer (1999 - )
Douglas Errol Dreyfus Adecer (born December 20, 1999), popularly known as Migo Adecer, is a Filipino/Australian singer/composer, dancer and actor. Adecer entered Philippine showbiz as a contestant in StarStruck's sixth season where he was named as the "Ultimate Male Survivor." Adecer is known for his role as Anthony in the 2016 retelling-sequel of Encantadia and as Yuan in Philippine adaptation of My Love from the Star.
Migo Adecer was born on December 20, 1999 in Barangay Mansilingan, Bacolod City, Philippines but was raised in Sydney, Australia.He is 6 ft tall & the youngest of the four children of Dennis Adecer and Kaye Dreyfus. Both his parents are working as administration costumer associates in an insurance company in Australia.
He's a self-taught in playing drums and guitar. He understands Hiligaynon and Filipino and learning to how to speak it fluently.
In 2012, Adecer became a part of GleeCLUB Australia. Adecer was discovered and currently being managed by Kuh Ledesma who encouraged him to audition for StarStruck.
In 2015, Adecer joined the sixth season of the GMA Network's reality artista search StarStruck. Adecer was named the "Ultimate Male Survivor" and was proclaimed the "Ultimate Survivors" with Klea Pineda. They both received ₱ 1,000,000 cash prize, a house and lot from Camella Homes and a 5-year exclusive GMA contract. Adecer and Pineda were also announced to join the cast of the 2016 retelling-sequel of Encantadia.
In 2016, Adecer portrayed as Anthony in Encantadia, originally portrayed by Mark Herras in the original series.
Adecer will portray Yuan in the upcoming Philippine adaptation of My Love from the Star.
In 2016, Adecer signed an album contract with GMA Records and is currently working on his album. Later that year, Adecer performed his versions of Aljur Abrenica's "Nagugulo, Nalilito" and Christmas tune "Hark the Herald" on GMA Networks web-exclusive Playlist.
When he was in Australia, Adecer was a working student and dreamed to be a dentist or a pilot.[4] Adecer is a fan of Sarah Geronimo and Aga Muhlach.