Pokwang dedma sa panlalait ng Bashers; pilit na ikinukumpara sa tagumpay ni Ai Ai




Napangiti na lang si Pokwang sa maintrigang tanong kung ano ang reaksiyon niya sa mga sinasabi ng bashers na sa tagal na niya sa industriya ay wala pa rin siyang matatawag na super big hit.

Ito raw ang dahilan kung bakit hindi pa siya pwedeng matawag na certified box-office star unlike Ai Ai delas Alas na marami nang napatunatan.

Sey ni Pokwang during the presscon of her latest movie “Wang Fam” under Viva Films, “The fact na may mga producer at direktor pang naniniwala sa akin at nagbibigay ng projects, obligado po akong magtrabaho ng maayos at mag-deliver accordingly.”

Sinusugan naman ito ng kanilang direktor na si Wenn Deramas, wala raw siyang ibang naiisip na gumanap bilang si Malou Wang sa naturang movie kundi ang komedyana dahil bukod sa husay at galing nitong makisama, ito raw kasi ang local version ng famous character ni Anjelica Huston na si Morticcia Addams sa “Addams Family” ng Hollywood na siyang peg ng movie, “Pagkakatiwalaan mo siya. Iba siyang klaseng katrabaho,” sabi ni direk Wenn.

May following na ang tandem nina Pokwang at kaibigan-kumpare naming si Benjie Paras (dahil sa serye nilang Nathaniel ng ABS-CBN) kaya’t naniniwala rin si direk Wenn na magugustuhan ng manonood ang mga bagong gimik at pasabog ng dalawa sa “Wang Fam”.

Bukod kina Pokwang at Benjie, kasama rin dito sina Andre Paras at Yassi Presman, Alonzo Muhlach, Wendel Ramos, Candy Pangilinan, Joey Paras at Atak. Showing na ito nga-yong Nov. 18 nationwide.

Dalaga (1931) Mary Walter


DalagaMary WalterMalayan Pictures Corporation

Joey gustong maging ninong sa kasal nina Alden at Maine





Kung mauuwi man sa totohanan ang pag-iibigan nina Alden Richards at Maine Mendoza na nagsimula lang sa makasaysayang kalyeserye ng Eat Bulaga, willing daw si Joey de Leon na tumayong ninong sa kasal ng dalawa.
Kung si Joey daw kasi ang tatanungin, gusto rin niyang magkatuluyan sa totoong buhay sina Alden at Yaya Dub dahil naniniwala siyang bagay na bagay ang dalawa. Sa katunayan, lagi raw niyang kinukulit si Alden kung meron nang something sa kanila ni Maine.
Sa isang panayam sinabi ni Joey na botong-boto sila kay Yaya para kay Alden, at feeling niya, wife material din ang dalaga. Hindi rin naman daw ito dehado sa “manok” nila dahil alam naman ng buong mundo kung gaano kabait at karesponsableng lalaki ang Pambansang Bae.
“Kaya nga minsan, tinanong ko kay Alden kung wala bang tamang pana. Magba-Valentine’s Day na, e. E, bata pa si Alden, e. Sabi lang niya, ‘Meron naman, Tito Joey, meron naman. Tingnan natin.’
“Sana magkatuluyan para matuwa lalo ang AlDub Nation. At kung makasal, lahat kami magni-ninong. Kahit hindi kami kunin, mag-a-apply kami!” natatawang chika pa ng TV host-comedian sa nasabing interview.
Noong Sabado, naging record-breaking na naman ang episode ng Eat Bulaga at ang phenomenal na kalyeserye ng AlDub. Nagtagumpay ang mga Dabarkads sa paglikom ng malaking halaga para sa “AlDub Library Project” sa pamamagitan ng “Tamang Panahon” grand fans day kung saan mu-ling nagkita sina Alden at Yaya Dub.
Bukod dito, tinalo na rin ng #ALDubEBTamangPanahon ang may hawak ng highest number of tweets worldwide, ang #WorldCup match sa pa-gitan ng Brazil at Germany (#BRAvsGER) noong 2014 (with 35.6 million) matapos itong makapagtala ng mahigit 39.5 million tweets.
Ayon naman kay Joey, sa maniwala kayo at sa hindi, hindi na raw nila masyadong iniintindi ngayon ang pagiging record breaker ng Eat Bulaga, “Yun mismong venue (Philippine Arena), world record na, e.
Pero hindi na namin pinapansin ‘yang mga world record. Ang importante sa amin, masaya yung mga tao.” Feeling din ni Joey magtatagal pa sa ere ang kalyeserye ng AlDub ngayong binigyan na ng freedom ni Lola Nidora sina Alden at Yaya Dub.
Sabi nga ni Lola Nidora, wala siyang balak na tapusin ang kalyeserye dahil gusto pa niyang makita ang magiging apo niya.

Kim Chiu nakiusap: 'Wag nang palakihin ang isyu AlDub fans, Allan K rumesbak sa isyung ‘recycled’ ang gown ni Yaya Dub





ISA ang TV host-comedian na si Allan K sa mga nagtanggol kay Maine Mendoza alyas Yaya Dub sa mga bashers na walang ginawa kundi ang gumawa ng isyu mula sa isang maliit lamang na bagay.

Usap-usapan kasi ngayon ang gown na isinuot ni Yaya Dub sa “Tamang Panahon Fans Day” ng Eat Bulaga noong Sabado sa Philippine Arena – recycled lang daw pala ito dahil una nang naisuot ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang nasabing Francis Libiran gown sa isang fashion show noong 2013.

Kumalat pa nga sa social media ang litrato ni Kim suot ang kaparehong gown ni Maine noong Saturday, at dahil nga rito, maraming nang-okray kay Maine.
Pero siyempre, hahayaan ba ng milyun-milyong netizens na nagmamahal kay Yaya na basta apihin ang ka-loveteam ni Alden Richards?

Ayon sa ilang comments na nabasa namin sa Twitter at Facebook, wala naman daw issue kung nagkapareho ng gown sina Maine at Kim, nangyayari naman daw talaga iyan sa showbiz.

At mismong ang fashion designer nang si Francis Libiran ang nagsabi na binili ng Eat Bulaga wardrobe team ang gown ni Maine at hindi pa raw ito nagamit ng kahit sinong artista sa kahit anong event.

Komento naman ng isang AlDub fan, “Naku, wag nang ikumpara si Yaya kay Kim Chui, wag nang maki ride sa mga pumuna ng gown damit lang yan. Ang importante ang nangyari sa PhilArena.

Hindi magagawa ni kim chui un, eh kung movie lang ang pag uusapan wag kayong atat oi abangan sa december 25 ipapakita namin kung anung kakayahan ng aldub!”

Sa kanyang official Twitter account halatang napikon din si Allan K sa mga namba-bash sa gown ni Maine, aniya sa kanyang post, “Wag na lagyan ng issue yung gown.

Ang importante, nang sinuot ni Meng yun, history ang turn out. Argument anyone?” Kasabay nito, hinamon din ng komedyante ang mga bashers ni Yaya, “Para matigil na lahat- ipasuot nyo yung gown kahit kaninong pinay, punuin nya ang phil arena tapos ibreak nya ang 39.5 million tweets.

Ok?” Kahit si Kim ay nakiusap na huwag nang palakihin ang isyu ng gown nila ni Maine, aniya sa kanyang Instagram post, “No hate please. A gown is just a gown…its how you make people happy.

Angel umatras bilang Darna




HINDI na magagawa ni Angel Locsin ang bagong movie version sana ng Darna. Ito ang ibinalita ng Star Cinema na siyang magpo-produce sana ng nasabing pelikula.
Ayon sa ipinalabas na joint statement, ito’y dahil na rin sa sakit ni Angel sa likod na slipped disk.

Nagdesisyon ang kampo ni Angel at ang Star Cinema na huwag nang ituloy ang pagbibida ni Angel sa pagsasapelikula muli ng Darna dahil baka hindi kayanin ng aktres ang mabibigat ng action scenes na kailangan niyang gawin.

Lumabas dito sa BANDERA ilang linggo na ang nakararaan na na-confine si Angel sa ospital matapos maka-experience muli ng matinding sakit sa likod. Ito’y dahil na rin sa pinagdaanang physical training ng girlfriend ni Luis Manzano bilang paghahanda nga sa muli niyang paglipad bilang Darna.

Ayon sa panayam sa isang doktor maaaring lumala nang lumala ang sakit ni Angel kung gagawin pa niya ang maaaksiyong eksena sa Darna, posibleng tuluyang humina ang kanyang legs kapag patuloy niyang papagurin ang kanyang likod dahil nga sa lagay ng kanyang spinal column.
Sa pagkakaalam namin, nakuha ni Angel ang kanyang slipped disk matapos siyang mahulog noon sa kabayo habang nagsu-shooting sa pelikula nila ni Piolo Pascual na “Love Me Again” taong 2008.

Narito naman ang official statement ng ABS-CBN hinggil sa issue mula kay Mr. Kane Errol Choa, Head, ABS-CBN Corporate Communications. “It is with deep regret that we announce that ABS-CBN, Star Cinema, and Angel Locsin have mutually agreed that Angel will no longer do the ‘Darna’ movie due to health reasons.

“Because of her passion, dedication, and commitment to the project, she underwent various rigorous training regimens for two years. Unfortunately, this led her to developing a disc bulge in her spine.

“This then limits her from doing strenuous activities such as stunts, liftings, and the usage of harness, all of which will be required of her for the action scenes in the film. Aside from that, she will need to undergo rehabilitation and treatment.
“And so while we have envisioned her to do the iconic Filipino heroine, Angel’s health and safety are both our primary concern. Hence, the decision. “Fans need not worry. They can still look forward to seeing her in a movie that she is currently shooting with Vilma Santos.

Angel’s physical condition does not prevent her from finishing the said project. “Again, we sincerely thank Angel for her hard work and pray for her recovery.”