Friday, October 23, 2015

Dugo sa Kapirasong Lupa (1930)


Dugo sa Kapirasong LupaAction, Warfilm depicts the Japanese Army during First Sino-Japanese War

Oriental Blood (1930) Annie Harris



Oriental BloodCarlos Vander TolosaAnnie Harris, Atang de la Rama, Purita Clarino, Jose Corazon de Jesus, Jr.Action, Drama

Prinsipe Teñoso (1930) Mary Walter


Prinsipe TeñosoMary WalterAdventure, Fantasy

Ang Infierno sa Mundo (1930) Faustino Maurat


Infierno sa MundoManuel SilosFaustino MauratBanahaw PicturesDrama, Fantasy

Ang Anak sa Ligaw (1930) Gregorio Fernandez & Nena Linda


Ang Anak sa LigawJosé NepumucenoGregorio Fernandez, Nena Linda, Rosita RiveraMalayan MoviesDramabased on the novel by Julian Cruz Balmaseda

Sharon napaluha sa b-day ni Charo, hiyang-hiya kay Piolo





SHARON Cuneta is now singing a different tune. After seething with anger some three years ago, the Megastar was profusely sorry for what she did to Piolo Pascual after he hurt KC Concepcion’s heart.
Nagkita sina Sharon at Piolo sa birthday party ni Madame Charo Santos and in an instant Sharon’s anger vanished in thin air. She made kuwento her encounter with Piolo on her Facebook account.
“Now take a deep breath…because I am about to share with you one of the best gifts God gave me this year. “As a human being, sometimes when you are very hurt, your emotions overtake your sensibilities, and your tendency is to hurt back.
This is especially true when you are a mother. Like a mama lion whose cub has been hurt, you will defend her without caring about the possible consequences of your actions and do not care even if you put your own ‘safety’ on the line.
“And sometimes, unlike a mama lion, a human being will regret losing her temper, her patience – never mind that the cause of such anger was also her being provoked by people who could never understand, and even rubbed salt in her wounds, kicked her when she was down, still, you end up being angry at yourself because you know that you were raised to be decent, that some things would have been best discussed in private, and people with the worst intentions should have been ignored totally.
“Now, because the words said were said on social media, The words I write now I also put forth on social media. Because I feel it is fair and right.
“I was in my wheelchair amongst friends and I didn’t see him coming. He hugged me tight and when I looked at his face, I hugged him back so tight…’I am so sorrys’ and ‘I love yous’ and ‘I miss yous’ later, making me tear up…I thanked Father God for the happiness in my heart.
“My ‘son,’ who is the only one I managed to hurt (and I imagine, his family too…) – and he knows this: because not just my daughter but I loved him very much, and sometimes it is the ones we love that we hurt and are hurt by, is still, after all is said and done, my ‘son’ that I love.
“I know your apology was sincere. Please know that mine was, too. I think of your mama and feel very badly about how she must’ve felt, because she too, is a mother like me. I am sorry that you and my baby had to end your relationship, and I am sorry for how very publicly I made my emotions known.
For what it’s worth, I was not that kind of person. Was not, am not, and hopefully never will be. I believe you know that in your heart.” “Thank you, Lord Jesus for forgiveness, restored friendships, and love.
Most of all, thank you that my Kristina is fine now and happy. And thank you, dear Piolo, that I can still call you my son no matter what. God bless you, P.J.! Love you.”
That was Sharon’s long aria.



Amalia...na-stroke!






MY dear friend Ms. Divina Valencia (my other mom sa showbiz actually) texted me yesterday asking for prayers for her colleague Ms. Amalia Fuentes, Tita Nena to many of us, dahil nasa Korea raw ito ngayon at doon dinale ng stroke and currently confined sa isang undisclosed hospital.

Actually, ilang araw ko nang nabalitaan ito through a blind item and someone very close to me whispered na si Tita Nena nga raw ang tinutukoy doon. Bigla akong nag-flashback sa beautiful moments ko with Tita Nena who became very close to me too.

There were times na bigla na lang darating sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz iyan sa DZMM, wala lang. Gusto lang daw niyang dumalaw dahil ayaw siyang tamaan ng antok.
“Hindi ako makatulog at na-miss lang kitang bigla. Kaya nang makita kita sa Te-leradyo, bumalikwas ako sa higaan ko at kahit nakapantulog na ako ay sumugod ako para lang makigulo sa program ninyo. Ha-hahaha!” she would fondly tell me noon.

Totoo nga, nakapantulog lang si Tita Nena nang makipagtsikahan siya sa amin ni Papa Ahwel. Kasi nga, she just lives nearby – sa New Manila lang siya nakatira kaya mabilis siyang nakarating sa program namin.

Siyempre, with Tita Nena around, no dull moments. Kahit isang oras kang makinig sa pagtataray niya oks lang dahil very cute ang dating. And meron siyang karapatang magtaray dahil siya si Ms. Amalia Fuentes, ‘no!

Minsan naman ay niyayaya ko iyan to attend sa ilang personal events ko. Join iyan sa akin provided na ipapasundo ko lang siya at pakakainin nang masarap. Mababaw lang ang kaligayahan ni Tita Nena kaya magkasundo kami talaga niyan.

“Mahal kita Jobert, I just love you and Boy Abunda. You are just very special to me,” ang madalas niyang sinasambit sa akin na siyempre’y ikinakapa-flatter ko talaga.
Now ay wala siya sa tabi natin, nasa malayong lugar siya kaya imadyinin n’yo na lang ang pag-aalala naming mga nagmamahal sa kaniya.

Sana ay huwag siyang pabayaan ng nasa Itaas, sana ay malagpasan niya itong pagsubok na ito sa buhay niya. Mahirap kasi pag nagkakaedad na tayo, hindi talaga maiiwasan ang ospital.

Kasi nga humihina na ang ating system kaya sana ay tulong-tulong tayong magdasal that she’d be fine. Kahit mataray iyang si Tita Nena she is very sweet in reality.

Pag mahal ka niya, she will fight for you till the end pero pag irita siya sa iyo, walang kinatatakutan iyan. Susugurin ka niya kahit saan para iparamdam lang sa iyong masama ang loob niya.

That’s why I love her. Get well soon, Tita Nena. We love you.

Ngayon na ang ‘TAMANG PANAHON’!




ANG AlDub craze ay nagsimula lamang sa tuksuhan nang malaman ng mga Dabarkads na crush ni Yaya Dub si Alden Richards. Nangyari ito sa isang episode ng “Problem Solving” segment ng Juan For All, All For Juan ng Eat Bulaga. Dito na nga nagsimula ang makasaysayang pagka-kilala ng dalawa sa pamamagitan ng split-screen shots.
Nagsimula lang sa asaran ngayon ay isa nang global phenomenon. Balikan natin ang nakaka-kilig at nakaka-in love na mga tinaguriang “first” ng AlDub at muling damhin ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.
First Pagkikita on screen: Nagda-dubsmash noon si Yaya Dub nang biglang i-close up sa camera si Alden. Biglang nawala sa poise ang dalaga at napangiti. Napakaway lang ito kay Alden na tinatawag na ngayong “Pabebe Wave”.
First Split-screen Kiss: Sino ba ang maka-kalimot sa unang “kissing scene” ng dalawa? Flying kiss pa lang yun na naganap noong second day ng kalyeserye.
First Pagkikita nang Live: Tandang-tanda ng lahat ang episode na ito kung saan nagkita in person sa kauna-unahang pagkakataon sina Alden at Maine. Katatapos lang noon ng Wild Card edition ng Dabarkads Pa More. Naghanapan ang dalawa sa backstage at doon sila nagkita. Pero nu’ng maglalapit na ang dalawa ay biglang umapir si Lola Nidora at hinarangan sila ng plywood. Dismayado noon si Lola Nidora sa dalawa dahil hindi nila tinupad ang mga kondisyon na binigay nya.
First Indirect Kiss: Pagkatapos ng Dabarkads Pa More Wild Card Edition ay dinukot naman ang dalawa ni Durizz. At dahil nauuhaw ay pinasipsip ni Durizz sa iisang straw ang AlDub. Nagwala ang mga fans dahil sinasabi nila na ito raw ang unang “indirect kiss” nila.
First Record Breaking Hashtag: Ang #AlDubMaiDenHeaven ang pinakaunang record breaking tweet ng kalyeserye loveteam dahil umabot ito sa 3.5 million tweets. Natalo nito ang #PapalVisit na nagtala noon ng 3.3 million tweets. Pagkatapos nito ay sunod-su-nod nang winasak ng AlDub ang kanilang mga naunang record hanggang sa makamit nila ang pinakabonggang 25.6 million tweets para sa #ALDUBEBForLove.
First Date: Dito si-nubukan ni Lola Nidora kung gaano nila kakilala ang isa’t isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tanong bago sila makapag-date. Nasagot naman nila ang mga ito pero naging handlang naman ang isang napakahabang table sa venue ng kanilang date.
First Akyat ng Ligaw sa Mansyon at First Hawak kamay: Napapayag na rin si Lola Nidora na makapunta si Alden sa kanilang mansion para umakyat ng ligaw kay Yaya Dub. Nangyari rin dito ang kanilang first “holding hands” nang masamid si Maine habang kumakain at inabutan siya ng tubig ni Alden kung saan aksidenteng naghawak ang kanilang mga kamay. Ang episode na ito ang nakakuha ng record-breaking na 25.6 million tweets.
First TV Commercial: Isang sikat na fast food chain ang unang endorsement sa TV ng dalawa kung saan na-feature ang pagda-dubsmash ng dalawa habang sarap na sarap sa kanilang pagkain. Mula dito ay sunod-sunod na ang mga endorsements at commercials ng phenomenal couple.
First Voice: Unang narinig ang boses ni Yaya Dub nang may isang boses na tumawag na “Lola!” noong Sept. 21 (Lunes). Pero hindi ito nakumpirma dahil agad siyang dinala ng mga Rogelio sa ospital. Bago pa ito ay nakipagpalitan pa ng fan sign si Yaya Dub kay Alden. Dito na nagsimulang magsalita si Maine, hanggang sa kumakanta na rin ito at nakikipag-duet pa sa Pambansang Bae.
NAGSIMULA LANG ANG LAHAT SA TUKSUHAN…MAUWI NA NGA KAYA SA TOTOHANAN?
AKSIDENTE lang ang pagkakabuo ng loveteam nina Richard Reyes Faulkerson, Jr. (Alden Richards) at Nicomaine Dei Capili Mendoza (Maine Mendoza o Yaya Dub) – kaya walang nag-akalang gagawa ng kasaysayan sa mundo ng telebisyon at social media ang dalawang Dabarkads ng Eat Bulaga.
Binansagag Social Media King and Queen at TV Ad Prince and Princess sina Alden at Maine dahil sa record na ginawa nila sa Twitter at sa sunud-sunod nilang TV commercials na umeere ngayon.
Nagsimula ang makasaysayang kalyeserye ng Eat Bulaga nang tuksuhin sina Yaya Dub at Alden ng mga dabarkads. Dito rin nabuking na matagal na palang crush ni Maine ang Kapuso matinee idol kaya pala kinilig ito nang makita niya si Alden na nakaupo sa front row ng studio. And the rest, as they say – is HISTORY!
Sa panayam kay Eat Bulaga director Mike Tuviera, sinabi nitong kahit sila ay na-shock sa pagiging phenomenal ng AlDub, “On our side, in-terms of APT, Eat Bulaga, and TAPE, it was all an accident, really. Kami, we are really, really very thankful. Yung gratitude rin naman po na nararamdaman namin is overflowing.
“Kasi it was not planned. It was not planned at all. It was born from the moment that the staff found out that in real life, Yaya Dub had a crush on Alden. No one knew that.
“As a number one fan, I know the back story dahil nag-investigate talaga ‘ko. You can see it in YouTube the first time it happened. Yaya already appeared, a few episodes already, so I asked, ano ba talaga ang nangyari behind the scene, they found out accidentally that Yaya in real life has a crush on Alden.
“Alden was already having lunch and he was done for the day kasi, nasa Juan For All All for One na. Noong nalaman nila yun, nilabas nila si Alden na kumakain, sabi niya, ‘Sige po, sige po.’ Nilagay nila si Alden sa front row, sabi nila, ‘Diyan ka lang Alden, pa-guwapo ka, tingnan nga natin.’
“Si Alden, yun na, nag-wave na siya. Nu’ng in-insert na, tingnan nga natin ang reaksiyon, so that’s all. It was all an accident!”
Mula nang sumabog na parang napakalakas na bomba ang kalyeserye ng Eat Bulaga, hindi na ito binitiwan ng milyun-milyong dabarkads sa bansa at sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Araw-araw ay la-ging top trending topic ang hashtag ng GMA noontime show, bukod pa ‘yan sa napakataas na rating ng programa na kamakailan lang ay gumawa na naman ng record sa ratings game.
Kung matatandaan, umabot sa 26.5 million tweets ang hashtag ##ALDubEBforLOVE ng Sept. 26, 2015 episode ng kalyeserye, kung saan unang umakyat ng ligaw si Alden kay Yaya sa mansion ni Lola Nidora.