Thursday, October 8, 2015

Azucena (1930) - Jose Padilla Jr & Arsenia Francisco






Azucena 

September 14, 1939

Jose Padilla Jr

Arsenia Francisco

Precioso palma

Victor Sevilla

Rosario Lam

Paco Zamora

Bert LeRoy Sr

Rolando Liwanag

Salvador Saragoza

Pugo

Togo

Tor Villano
(direction)













Dalisay (1939) - Rogelio dela Rosa & Corazon Noble



Dalisay

April 1 1939

Sampaguita Pictures

Rogelio dela Rosa

Corazon Noble

Fely Vallejo

Ernesto la Guardia

Precioso palma

Nati Rubi

Lita Bella

Tomasa Alvarez

Exequiel Segovia

Manual Silos
(direction)

Yaman ng Mahirap (1939) - Angel Esmeralda & Mercedes Ponce



Yaman ng Mahirap 
(1939)

Angel Esmeralda

 Mercedes Ponce

Tito Arevalo,

 Antonina Hernandez

Carmen Concha
 (direction)

Nagpasalamat sa tulong ni Boy; dedma sa promise ni Kris Ate Guy nag-iipon pa para sa operasyon sa lalamunan: Milyones kasi ang gagastusin!





MILYONES ang magagastos sa pagpapaopera ng lalamunan ni Nora Aunor kaya hanggang ngayon daw ay nag-iipon pa siya para sa kabuuang halagang kakailanganin sa kanyang o-perasyon na gagawin sa Amerika.

Nilinaw ng Superstar ang balita na hindi na niya itutuloy ang kanyang throat operation dahil may mga nagpayo sa kanya na baka hindi rin bumalik ang boses niya kahit pa ma-gamot ang lalamunan niya. Baka raw magsayang lang siya ng panahon at pera.

Sa pocket presscon ng bagong teleserye ni Ate Guy sa GMA 7, ang Little Mommy, nasabi nga nitong ipinagdarasal pa rin niyang maibalik ang boses niya para muli siyang makakanta.
Kaya nga todo-kayod pa rin siya para makaipon ng gagastusin sa operasyon. Sabi ni ate Guy, malaking tulong ang ibinigay sa kanya ni Boy Abunda pero ang pangako ni Kris Aquino na financial assistance ay hindi naman nakarating sa kanya.“Grabe ang suporta sa akin ni Kuya Boy.

Pero sabi ko nga, hindi pa yun sapat, kasi malaki talaga ang kailangan, milyon. “Pagdating mo pa lang du’n, siyempre kailangan mo ng matutuluyan, wala ka namang bahay sa Boston. Yung ospital na pagdarausan ng operasyon da-pat walking distance lang du’n sa tutuluyan mo (hotel).
“Mga ilang linggo kang mag-stay du’n. Tapos halimbawa after ng operasyon, pupunta ka pa ng New York para magpa-therapy. Kung ilang buwan, hindi ko pa alam,” mahabang esplika ni Ate Guy.

Nang matanong kung ti-nupad ni Kris ang promise nitong tulong pinansiyal, “Wala naman. Naku, sa mga tao siguro (nag-promise). Pero sabi ko nga, hindi ko naman inasahan yun. Tampo? Bakit naman ako magtatampo? Hindi ko nga iniintay yun, e. Walang ganu’n.”

Mukhang hindi na nga ibinigay ni Kris ang pangako niyang tulong sa Superstar dahil nga alam naman ng madlang pipol na isa ang award-winning actress sa mga nagprotesta noon laban kay Pangulong Noynoy Aquino.

Samantala, diretso namang sinabi ni Nora na handa siyang sumama sa campaign sorties ni Sen. Grace Poe para sa 2016 elections. Magbibigay daw siya ng panahon para ikampanya ang senadora sa pagkapangulo.
“Oo, Grace Poe ako. Alam n’yo naman di ba, kung saan siya nanggaling—kay Ate Susan (Roces), kay kuya Ronnie (Fernando Poe Jr.). Actually, nagkita na rin kami at nagkausap. At naniniwala ako na may puso siya para sa mga tao.
Kasi, iba pa rin talaga pag babae na mata-lino pero may puso at madaling lapitan. “Naniniwala rin ako na malaki ang maitutulong niya sa ating bayan at sa mga Filipino. Lalo na yung mga iiwanang problema ng present administration.
Naaawa nga lang ako dahil sa mga ibinabatong mga issue sa kanya. Pero alam ko kakayanin niya yun para sa bayan.” Samantala, excited na si Ate Guy sa bago niyang teleserye sa GMA 7, ito ngang Little Mommy kung saan makakasama niyang muli ang premyadong actor-director na si Eddie Garcia.

Gagampanan ng Superstar ang karakter ni Annie Batongbuhay, isang cool retro lola. Bibigyang-buhay naman ni Mr. Eddie ang karakter ni Don Miguel Valle na sabik na sabik maka-experience ng mga bagong bagay sa bagong henera-syon.

Sinabi ni Nora na ngayon pa lang ay kinakabahan na siya sa muling pagsasama nila ni direk Eddie, “Kapag kaeksena ko siya, nahihiya pa rin ako, nandu’n pa rin yung nerbiyos!”
Makakasama rin dito sina Kris Bernal, na gaganap bilang isang mentally-challenged na apo nina Eddie at Ate Guy, Mark Herras, Gladys Reyes, Hiro Peralta, Renz Fernandez, Juancho Trivino, Bembol Roco, Keempee de Leon at Sunshine Dizon.

Ito ay sa direksiyon ni Ricky Davao at magsisimula na sa darating na Nobyembre.



‘Mami-miss ka namin Mama Beth, paalam po! Hanggang sa muli!’



SHE may not be my mom but i just love Mama Elizabeth Ramsey very much like my own mother.
We’re so fond of each other – she always remembers me the same way that she’s always in my heart every second of the day.
It’s been a while since the last time we talked, after niyang ma-hospitalize recently ay kausap ko pa siya. We had plans for some shows – alam n’yo naman si Mama Beth, sobrang lambing niyan. 

Sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM lang siya sobrang komportableng magkuwento ng talambuhay niya, we would have good laugh. And her songs! Whew! Magnificent!

Now that Mama Beth is gone, it’s truly very painful. Sobra! We’ll miss her beautiful and funny stories. Her laughter! Her grooves! Her long lashes! Her beautiful dresses! Her Sto. NiƱos. Her wit! Her kindness! Her love for us! Her bopis! Her ma-caroni salad! The best that we can do for her now is pray for the repose of her soul.

She was a great mom to her darling children! Kinukuwento niya sa akin kung gaano kabait at kung gaano ka-independent ang mga anak niya; kung gaano ka-thoughtful si Jaya. Hindi siya nagkulang bilang ina sa kaniyang mga anak.
She did her very best to raise her children with pride. Kahit may edad na siya, she insisted to work kaysa umasa sa mga anak niya though hindi naman siya pinababayaan ng mga ito. 

Survivor yata ang Mama Beth natin kaya nakakabilib siya.
She was a great friend to many of us. Grabe ang pagmamahal na iniukol niya sa marami sa atin, lalo na sa akin dahil we would be on the phone every now and then. Marami akong fond memories kay Mama Beth. Sobrang sweet niya – sobrang lambing talaga.

Hay, paano na ‘to? So, wala na tayong shows together, Mama? Malungkot pero kailangan talaga naming tanggapin gaano man kasakit ang paglisan mo, Mama Beth. Pakibaon mo na lang sa puso mo ang taos-puso naming pagmamahal at paggalang! Hanggang sa muli nating pagkikita! We truly love you, Mama Elizabeth Ramsey! Mwah!

Mahirap maka-get over pag nawalan ka ng mahal sa buhay. Isang icon sa music and showbiz industry ang Mama Elizabeth Ramsey natin. Sayang lang at hindi man lang nabigyan nang magandang tribute si Mama Beth noong nabubuhay pa siya.

May mga naplano na sana before pero hindi natuloy. Sana ay mabigyan nang karampatang pagpapahalaga ang mga naging kontribusyon niya sa industriyang ito. She deserves a great applause. Hats off kaming lahat sa iyo Mama Beth at alam mo iyan.

As of this writing, nasa mortuary pa si Mama Beth ng Philippine Heart Center at malamang na nakalagak na ngayon ang kanyang mga labi sa St. Peter’s Chapels sa Commonwealth, Quezon City.

Hindi pa rin ako makapaniwala that she’s already gone – parang naririnig ko pa ang malulutong niyang halakhak sa mga tenga ko. Those crazy jokes she would throw to us ay vivid pa sa aking isipan.

Grabe ang saya namin nung nabubuhay pa siya. Ah ewan. Ang hirap paniwalaan pero totoo. Godspeed my dear Mama Beth.

Let’s talk na lang once magkasalubong ang landas natin sa takdang panahon. Let’s laugh again, okey?

Arnel Pineda patatalsikin sa grupong Journey?




HINDI totoong tsinugi na si Arnel Pineda sa international band na Journey. Mismong si Arnel na ang nagsabi na tuluy-tuloy pa rin ang shows ng grupo sa iba’t ibang panig ng mundo.
Wala rin daw siyang planong umalis sa banda, “Hindi siguro. Unless mag-disband yung banda. Pero as of now they have no plans of disbanding. Pero any time I’m ready kasi actually nung sinali nila ako, nung ginawa nila akong permanent member nu’ng banda, I didn’t expect na tumagal ako eh.
“Para sa akin, ‘Maka-one year lang ako sa kanila. Malibot ko lang ang buong Amerika touring with them okay na sa akin.’ Kahit nga isa nga lang or dalawang show na nakasama ko sila. Pero my God after 500 shows with the band I’m still here. They still keep me so it’s such a blessing,” paliwanag ni Arnel sa isang panayam.
May mga kumakalat kasing chika na papalitan na si Arnel bilang vocalist ng grupo, nagpa-audition na raw ang
Journey para makahanap ng bago nilang frontman. Pero mukhang may gusto lang manira kay Arnel kaya ipinakalat ang maling balita.



Ilang staff ng Wowowin ni Willie sa GMA 7 mawawalan ng trabaho




MASAYA na malungkot si Willie Revillame nu’ng banggitin niya ang technical staff sa taping ng Wowowin noong makapanood kami two weeks ago. Isa sa mga maaapektuhan kasi ng bagong pagpapatakbo ng show ang technical people ng programa.
Gaya ng lumabas na balita, pumayag na si Willie na makipag-collaborate sa production ng show with GMA 7. Pero noong huling taping pa lang ay maugong na ang usap-usapan sa studio ng Wowowin ang mga pagbabagong magaganap. At habang nagho-host si Willie ng isa sa mga segments ng show, binanggit na niya sa audience na makikipag-co-production na sila sa GMA.
Dahil kahati na ni Willie sa gastos ng show ang GMA, isa sa mga unang magaganap ay ang pagpapalit ulit ng studio ng Wowowin. Sa studio na raw sila magti-taping and since may sa-riling technical staff ang GMA kaya sila na rin ang gagalaw sa show.
This maybe the reason kung bakit after the taping ay nagpiktyuran ang technical staff ng Wowowin kasama ang production team ng show. Mala-king kabawasan nga naman sa production cost ng Wowowin ang studio na nirerentahan ni Willie at sweldo ng technical staff. Napakalaki raw kasi talaga ng bayad sa renta ni Willie sa studio nila sa may Kalayaan.
Laking panghihinayang naman ng ibang staff ang laki ng ginastos na naman ni Willie sa pagpapagawa ng studio sa Kalayaan na inabot ng ilang milyon. Matatandaan na ilang milyong piso rin ang ginastos ni Willie sa pagpapaayos ng studio ng Wowowillie sa Delta Theater nu’ng nasa TV5 pa siya.
Umaasa naman ang mga taong nagmamalasakit kay Willie na hindi pababayaan ng GMA 7 ang Wowowin at ma-sustain ang patuloy na pagbulusok sa ratings ng kanyang programa.



DJ Mo kay Pacman: Nagsamantala ka sa kasikatan mo at kahinaan ng botante!



NAGBIGAY ng comment si Mo Twister sa issue ngayon kay Manny Pacquiao na tatakbo bilang senator in next year’s elections.

Posting ANC’s message, “Pacquiao on being absent: Inaamin ko yan. Minsan kasi nagkakataong may fight ako, kailangan nasa training ako, so hindi ako nakakapasok,” Mo said. He added, “Being there is a responsibility. Prioritizing your personal projects, will that change when you’re a Senator?”

Tama nga naman si Mo. Actually, marami rin ang nag-comment against Manny.

“Nagsamantala ka sa kasikatan mo at kahinaan ng botante. Moral obligation: don’t run if u cant do d job 100% even if u know ul win.”

“In short someone might be doing the responsibility that you failed to do. Shame!



Francine ikakasal na sa isang American scientist




ENGAGED na si Francine Prieto sa kanyang American boyfriend na si Frank Shotkoski. Mismong sa bahay ng former sexy star nag-propose si Shotkoski dala ang kanilang engagement ring. At siyempre “yes” ang sagot ng aktres.

“Dapat daw nu’ng birthday ko kaso nag-Bible study ako. Tapos halos wala kaming chance na kami lang, palagi may kasama. Kagabi lang,” Francine said in an interview with ABS-CBN.

Although engaged na sila, hindi pa raw nila napaplano ang kanilang magiging kasal.
Si Frank ay isang scientist and a molecular biologist at eight months na raw silang magdyowa ni Francine.



Alden ilang beses napaiyak habang nagre-record ng ‘God Gave Me You’



ILANG beses na namang napaluha si Alden Richards habang nire-record ang isa sa mga theme song nila ni Yaya Dub (Maine Mendoza) na “God Gave Me You”.
Iba raw talaga ang epekto sa binata ng kanta ni Bryan White, bukod kasi sa ito ang pinakasikat at pinakanakaka-kilig na Dubsmash song ni Alden para kay Yaya sa kanilang Kalyeserye sa Eat Bulaga ay nakaka-relate raw talaga rito ang Kapuso hearthrob.
Kung matatandaan unang kinanta ni Alden nang live ang “God Gave Me You” noong Sept. 26 sa Eat Bulaga, kung saan naganap ang unang pag-akyat niya ng ligaw kay Yaya Dub sa mansiyon. Dito unang naluha ang Kapuso actor habang kumakanta. Inialay pa nga niya ito kay Yaya Dub bilang pasasalamat sa dalaga.
Makakasama ang “God Gave Me You” sa second album ni Alden under GMA Records na naglabas nga ng snippet ng ginawang recording ni Alden. Dito makikita na muling napaluha ng ilang beses ang binata.
Bukod dito, nakapaloob din sa second album ni Alden ang hit song niyang “Wish I May,” na nag-top recently sa iTunes at lagi na ring pinapatugtog sa radio stations. Bukod dito, napabalita rin na ang self-titled debut album ni Alden under Universal Records na ni-release noong 2013 ay pumasok sa Top 10 ng Billboard’s World Album



Luha (1932) Rosita Rivera & Jaime Castelvi


LuhaFausto J. GalauranRosa Rivera, Jamie Castelvi, Francisco Zamora, Violeta del PradoJose Nepomuceno Productions