Wednesday, October 7, 2015

Mega kay Gabby: Pagpayat ko humanda siya, baka ma-develop uli siya sa akin!




Usapang Gabby Concepcion na rin lang, ipinarating namin kay Megastar Sharon Cuneta ang pagnanasa niya na matuloy na ang kanilang reunion movie.
“Ako rin!” ang mariing sagot sa amin ni Mega when we chanced u-pon her sa studio ng Tonight With Boy Abunda. “Nagpapapayapat naman muna. Huwag naman ‘yung mukha kaming magtiya.

Ha-hahaha! Dahil hindi siya nagbago. Pagpayat ko, humanda siya. Baka ma-develop siya ulit sa akin. Ha-hahaha!” Aprub din kay Mega na isang love story or family-drama movie ang gawin nila ni Gabby.

Pero tumanggi naman siya na isama na agad si KC Concepcion sa reunion movie nila ni Gabby.


“Baka atakihin na ang fans namin. Ha-hahaha! Kami rin ni KC sana magkaroon. Meron na sila (movie, Gabby and KC), e.


Sana kami naman magkaroon ng separate,” sey pa ni Mega. Natanong din namin si Sharon tungkol sa nababalitang pagtakbo ng mister niyang si Francis Pangillinan bilang senador sa 2016.

“Actually, yeah. Kasi parang kapag sinabi mo na huwag ka nang mag-politics, para mong sinabi sa akin na huwag ka nang kumanta, huwag ka nang mag-artista. ‘Yun ang buhay niya.

Saka lalaki siya, e. Parang, he likes to serve the country and it’s a good position for him. So, ako kung saan siya, he’s still praying,” paliwanag ni Mega.

Wala namang itinanim na masama si Kiko sa publiko, “Yun! (And) I think people like good government. So, maski paano naman kahit konting kontribusyon, kahit isa lang siya, may magawa siyang mabuti.

Kasi we’ve proven na. Abonado pa kami,” ani Sharon. Tumanggi namang sumagot si Mega sa amin noong tinanong namin siya kung ieendorso ba niya si Sec. Mar Roxas bilang susunod na pangulo ng bansa.

“I cannot answer. My concern right now is my husband. I don’t know who else is running. Mahirap magsalita. Pero sa puso ko meron akong gusto.
Pero asawa ko muna ang pag-usapan natin. Ha-hahaha!” sey ng Megastar.

Pacquaio lalaban pa bago ang halalan






Lalaban pa si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa boxing ring bago ang 2016 elections.

Hindi naman masabi ni Pacquiao kung magreretiro na siya sa boksing kung mananalong senador.
“Depende,” sagot ni Pacquiao. “Kaya nga matagal ako nagdesisyon. Pinagisipan natin yan, nakapakalaking responsibilidad, kung ano yung I give up ko sa mga pinagkakaabalahan ko, to focus on serving the people.”
Napapabalita ang posibleng paglaban ni Pacquiao kay Amir Khan.
Samantala, sinabi ni Pacquiao na kanyang pag-aaralan ang reklamo ng ilang player ng Kia, ang kanyang team sa Philippine Basketball Association, kaugnay ng hindi pagbabayad ng suweldo ng mga ito.
”Ah ganun ba aalamin natin, nagpalit ng management yung team, aalamin natin ang problema,” ani Pacquiao sa panayam. “Kontrata is kontrata, I rereview natin, aalamin natin kung anong naging dahilan bakit nagkaganun.”


Self-titled album ni Alden pumasok sa Billboard’s World albums chart





ISA na namang malaking achievement ang napasakamay ni Alden Richards kahapon. Pumasok kasi ang self-titled album ng Pambansang Bae sa 10 top-selling world music albums, ayon na rin sa ulat ng Billboard.com.
Nasa ika-10 pwesto ang kauna-unahang album ng Kapuso matinee idol ng World Album weekly Top 10 chart sa website ng American music magazine na Billboard. Nakabase ang nasabing album chart sa nakukuha nilang sales data mula sa Nielsen Music.
Nakapasok din sa listahan ang albums ng K-Pop groups na iKON at Se-venteen, pati na ang Swedish rock band na Dungen. Nasa number one spot naman ang extended play album na “Mad” mula sa all-male K-Pop group na GOT7 na nag-perform na sa Manila recently.
Kamakailan lang ay ibinigay kay Alden ng Universal Records ang Gold record award ng kanyang debut album sa Eat Bulaga. At inaasahang mas lalo pang tataas ang sales nito dahil sa patuloy na tinatamasang kasikatan ng binata dahil sa kalyeserye nila ni Maine Mendoza.
Naging emosyonal pa nga ang binata nang tanggapin ang kanyang Gold Record Award dahil aniya, talagang hindi niya i-naasahan na mararating niya ang tagumpay na ibinigay sa kanya ng Diyos at ng publiko.
Ayon kay Alden, “Nagpapasalamat po ako sa Universal Records for trusting me with my first album na kahit hindi po ako singer ay binigyan nila ako ng chance. Sa lahat po ng sumusuporta ng album, salamat po!”
Samantala, sa pagpapatuloy ng kalyeserye ng Eat Bulaga kahapon, wala pa rin si Alden. Pero hindi naman malungkot si Yaya Dub dahil muli siyang pinasaya siya ng cute na cute na Dabarkads na si Baste.
Ayon naman kay Lola Nidora (Wally Bayola) huwag na siyang malungkot dahil ganu’n talaga ang buhay, may kanya-kanya silang dapat ga-win at tapusing commitments. Nadulas pa nga ito at sinabing nag su-shooting daw si Alden sa bandang Alabang.
Marahil ay para ito sa unang pelikula nila ni Maine na isa sa mga official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival. Samantala, todo na ang pagtuturo ng mga lola kay Yaya Dub bilang paghahanda para sa darating na “Bulaga Pa More” finals.
Si Lola Tidora (Paolo Ballesteros) ay nagsabing tinuruan niyang kumanta si Yaya Dub habang pinagaya naman ni Lola Tinidora ang kanyang dance steps to the tune of “Mambo Number 5″ with matching hagdan pa.
Hindi naman nagpahuli si Lola Nidora at humataw din kasama si Maine. May dumating namang sulat at nu’ng mabasa ito ni Lola Nidora ay nalungkot siya at mangiyak-ngiyak. Maya-maya ay sinabi niya ang nilalaman ng sulat sa dalawa pang lola pero pabulong.
Nalungkot din ang dalawa. Sa pagtatapos ng kalyeserye ang huling nasabi ni Lola Nidora kay Yaya Dub ay, “Ito na yata ang tamang panahon para sa inyo ni…Isadora,” na ang tinutukoy ay ang tunay na ina ni Yaya Dub.
Ano kaya ang magiging papel ng long-lost mother ni Yaya Dub? Magiging panggulo rin kaya ito sa pagmamahalan nina Alden at Yaya? O, baka siya na ang maging daan para masabi ng AlDub na ito na ang “tamang panahon” para sa kanilang dalawa?