Saturday, August 22, 2015

Kris madaling maloko ng lalaki




MERON akong feeling that common law partners Mayor Herbert Bautista and Tates Gana are playing their cards well by sacrificing a little pero mas malaki ang ganansiya sa kanilang private drama.

Iyon nga lang, for making the world believe that Herbert is romancing with someone else, naaapektuhan ang mga anak nila. Konting hurting-hurting drama kuno ang nakikita natin kay Tates pero ang ending sa kanya pa rin naman umuuwi si Bistek, di ba?

“Kasi nga, matayog ang pangarap ni Herbert sa larangan ng pulitika – whether to remain mayor of Quezon City or sa pagtakbo bilang senador in next year’s polls.

Both ways ay panalo talaga siya in terms of mileage,” simulang pahayag ng aming kausap. “Yung pagli-link sa kaniya kay Kris Aquino whom we all know is one of the biggest stars in the business, talagang pag-uusapan siya once linked to Kris.

Kahit siguro si Mura ang i-link sa Queen of all Media ay sisikat. Kakambal na ni Kris ang popularity dahil she is her own best publicist kung napansin lang ninyo.
“Kaya heto si Bistek, sinamantala ang pagkakataong ma-link kay Kris – kumbaga, lalaki naman siya, walang mawawala sa kaniya kung patulan man siya ni Kris.

Kung sakali, hindi naman siya ang mabubuntis. Mahusay magpaikot ng mga tao ang mga iyan – Kris may not just be aware that she is so used by Mayor Herbert in terms of media mileage – puwede talaga siyang dyowain kuno ni Herbert at paniwalaing willing siya to give up Tates for that.
“Alam niyo naman si Kris, very vulnerable in the name of love. Sabik sa pagmamahal ang babaeng iyan at baka akala niya ay natagpuan na niya kay Bistek ang sagot sa matagal na niyang pangarap na makapag-asawa ng isang taong kahit paano’y hindi malayo sa estado o level niya.

Matalino si Herbert, mahusay na aktor dati at mayor ng Quezon City ngayon – merong posisyon na hindi basta-basta kaya hindi alangan para sa kaniya.
“Matagal na sa politics si Bistek, ‘no! Hindi na bago sa kaniya ang gamitan issues para lamang manalo. Siyempre, he gets free publicity mileage, I mean, wala talaga siyang gastos para pag-usapan lang.

You know naman kung gaano kagastos ang magpakilala sa public – many politicians spend so much money para lamang malagay sa iba’t ibang sections ng newspapers at mapag-usapan sa radio and television or even social media.
“Pero para ma-link kay Kris and get everything for free – only Bistek knows this. Hindi iyan pakakawalan ni Bistek until after election time.

Believe me,” mahaba pang litanya ng isang kaibigan naming analyst. We believe so too. Kasi nga, narinig naming kay Tates Gana pa rin umuuwi si Herbert despite all the rumors that he bonds with Kris regularly.

Pareho na nilang napagkasunduan nga siguro ni Tates na sakyan na lang ang mga bagay-bagay dahil pare-pareho rin naman nila itong mapapakinabangan.
Kasi nga Tates is also running for councilor sa Quezon City. Ang drama niya ay pa-underdog para makakuha rin ng public sympathy sa public.

Alam niyo naman ang siste sa bansa natin, once you get public sympathy, chances are, mananalo ka. Ganoon talaga. Kaya husayan na lang nina Bistek at Tates ang kadramahan nila para hindi sila mabuko ng publiko that they are all taking us for a ride.

Madali namang umiyak-iyak kuno – na nasasaktan or what echos. Laki yata ng pakinabang nila pag na-sustain nila ito hanggang May of 2016, di ba?

Konting tiis na lang kumbaga, pareho silang mahusay magdalang magdyowa. Ang kawawa rito ay si Kris Aquino na clueless sa mga pangyayari – that she is ultra used. Agree?

Kanino kayo mas natatawa kay Jose o kay Vhong?


Kanino kayo mas natatawa

kay Jose o kay Vhong?

‘Rambutan’ ni Wally agaw-eksena sa love story ng AlDub



Sumakit ang panga namin sa katatawa nu’ng mapanood namin ang episode ng Eat Bulaga kung saan nag-hello ang ipinakakatagu-tagong rambutan sa pagitan ng dalawang hita ng magaling na komedyanteng si Wally Bayola.
Hindi namin ‘yun nakita mismo, pero nakakahawa ang sobrang paghalakhak nina Jose Manalo, Allan K, Paolo Ballesteros, Senator Tito Sotto at Joey de Leon.
Grabe ‘yun! Mabuti na lang at maraming hosts ang Eat Bulaga, kapag iniihit ng katatawa ang isa o dalawang hosts ay meron pa ring magsasalita sa ere, hindi nagkakaroon ng dead air.
“Sumungaw!” sigaw pa ni Jose na talaga namang nagpahalakhak sa lahat ng hosts, lalo na kay Allan K na tumayo na at saka akala mo naghe-headbang sa sobrang katatawa, nakakaengganyo ang kanilang sobrang kasiyahan sa noontime show.
Si Wally naman bilang ang New Yorker na si Dhories ay wala na ring nagawa, yumuko na lang siya at saka humagalpak sa katatawa, mabuti na lang ay may suot siyang malaking sombrero para matakpan ang kanyang mukha.
Grabe ang Eat Bulaga, mula Batanes hanggang Jolo talaga ang hatid nilang saya sa manonood, isang tanghali ‘yun na halos kabagan na kami sa pakikihalakhak sa mga hosts ng noontime show.
Kabog pa rin ng AlDub ang kanilang kalaban, magdikit lang ang pisngi nina Yaya Dub at Alden Richards sa split shot sa TV ay hindi na magkamayaw sa pagsisigawan at kakiligan ang kanilang mga tagahanga, paano pa sila mahahabol ngayon ng mga napipikon na nilang katapatan sa tanghalian?
Hampasin man nila nang hampasin ang kanilang kabayo ngayon ay hindi na makahahabol ang katapatan ng Eat Bulaga dahil sa milya-milya na nilang layo.
May lagnat na talaga ang buong bayan sa tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub. Lagyan na natin ng check ‘yan!

Dennis walang balak pakasalan si Jennylyn



KAHIT na anong tanggi pa nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na nagkabalikan na sila ay wala namang naniniwala. Mas marami ang nagpapatunay na maligaya na muli ang dalawa sa kandungan ng isa’t isa.
In fact, kamakailan ay maraming nakakita sa dalawa na magka-date sa isang sosyal na mall at sweet na sweet. Ayon sa ating source, super alalay si Dennis kay Jen habang nag-iikot sila sa nasabing lugar.
Sey ng aming kausap, “Bakit kasi ayaw pa nilang umamin. Buking na buking na sila, ‘no! Tsaka in fairness, bagay na bagay sila. And very obvious na mahal na mahal nila ang isa’t isa.
Sana nga sila na ang magkatuluyan sa huli, tutal pareho naman silang single.” Dagdag pa nito, “Actually, napapanood ko yung soap nila sa GMA, yung My Faithful Husband, du’n pa lang halata mong magdyowa na uli sila.
Kaya huwag na silang magdenay, umamin na sila pag may time.”  Samantala, sa presscon naman ng bagong movie ni Dennis, ang biopic na “Felix Manalo”, natanong ang aktor kung nagkausap sila ni Patrick Garcia sa birthday party ng anak nito kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz recently.
Nagpunta rin kasi roon si Dennis kasama ang anak na si Calix. “Nag-meet naman na kami dati. Wala naman (ilangan). Di kami nakapag-usap dahil busy rin siya siyempre,” anito.
Tungkol naman sa planong pagpapakasal, wala pa naman daw sila ni Jen sa level na ‘yun, “Hindi pa naman. Hindi naman yun ang basehan.
Normal lang naman na maging maayos lahat. Pero hindi naman ibig sabihin ia-up na namin sa next level.”  Hindi pa niya priority ang pagpapakasal, “Wala pa rin (wedding plan).
Darating na lang siguro yun pag naramdaman ko na. Pero sa ngayon, marami pang dapat pagkakaabalahan. Doon muna ako.”
Anyway, sa pagpapatuloy naman ng GMA Telebabad series nina Dennis at Jennylyn na My Faithful Husband, narito ang mga susunod na eksena sa Lunes: Iiwasan na ni Dean (Mikael Daez) si Melanie (Jennylyn) sa trabaho, pero hindi alam ni Melanie kung dapat siyang matuwa.
Pagsasabihan ni Dodong (Kevin Santos) si Emman (Dennis) na ang babae kapag hindi nagpagalaw sa mister, may iba nang iniisip.
Madidisgrasya si Dean, at si Melanie lang ang nandoon para tulungan siya. Aaminin ni Dean kay Melanie na binalikan niya ang babae noon – pero nalaman niyang kasal na ito nung bumalik siya.
Ipagtatapat ni Dean kay Melanie na wala na siyang ibang minahal na babae bukod dito. Lalabanan ni Melanie ang feelings niya para kay Dean, pero hindi niya maitatanggi sa sarili na affected na siya.
Magugulat si Melanie nang bisitahin na naman siya ni Emman sa opisina; pero nang tanungin siya ng asawa kung may problema ba, hindi magsasabi ng totoo si Melanie.
Mababalitaan ni Dodong ang set-up sa bahay nina Emman, kaya aalukin niya nag kaibigan ng trabaho sa Dubai. Mapipilitan si Melanie na pumunta sa ospital para magpapirma ng forms kay Dean dahil sa aksidente niya.
Mahuhuli ni Emman si Carla (Jazz Ocampo) na kasama ang itinatago niyang boyfriend. Maaalala ni Melanie kung paano si Dean sa kaniya noon tuwing may sakit siya.
Susubukan ipasa ni Melanie sa iba ang trabaho niya, pero mawawalan rin siya ng choice kung ‘di ang harapin si Dean.
Hindi sadyang masusumbatan ni Emman si Carla, kaya magagalit si Mercedes (Snooky Serna) at hahamunin nito ang anak na iwan na sila.
Sasabihin ni Emman sa mga anak niya na kailanman ay ayaw niyang maging pasanin sa kanila.
Malalagay si Melanie sa isang compromising situation with Dean—kung saan sasabihin ng lalaki na mahal pa rin siya nito.

April Boy, lumalabo ang paningin


During his contract signing with GMA Records last week, April Boy Regino said that a lot of people don’t know that he lost his complete vision. Although he partially gained it back, he can only see bright lights and vague silhouettes.

“Medyo malabo pa paningin ko. [Pero mas okay na ’to dahil] isang taon din ako nawalan ng paningin. Dalawang mata ko, natakpan ng dugo [kaya’t] nagpa-opera ako. Pumutok [kasi] 'yung ugat sa sobrang taas ng blood sugar [at] naapektuhan mata ko,” he revealed.

Despite his handicap, he is confident that his current recovery and renewed faith will restore his vision and health.

“Balang araw po ay makakakita na ko. Kahit 'yung mata ko, bulag [ngayon], gagaling ‘to. Magkakaroon [ako] ng panibagong paningin. Lilinaw 'yan dahil sa pag-asa ng Panginoon. Tutulungan niya ko. Malaki 'yung paniniwala ko sa kanya,” he added.

He shared how this experience humbled him and brought him closer to the Lord.

“Lahat naman tayo nagdadasal na sana humaba buhay natin. Ganun ang buhay eh. Bandang huli, [sa] Diyos [ka talaga kakapit]. Ang buhay natin ay walang pag-asa kapag wala ang Diyos. Siya ang tutulong sa ‘tin,” he shared.

Because of his stronger relationship with the Lord, he decided to release an album that chronicles his journey of faith.

“Lahat ng mga kinompose ko ay hango sa buhay ko dahil kung ano'ng nangyayari sa buhay ko, kung ano'ng pagsubok, tinulungan ako ng Diyos,” he concluded.

The ‘Di Ko Kayang Tanggapin singer is set to release an inspirational album under GMA Records.

Kilala ba ninyo kung Sino Ako GUESS.....



Kilala ba ninyo kung Sino Ako

GUESS MO NOW NA

....marahil ay ako na ang pinakamapalad na artista ng Premiere Production ...dahil ako ang kauna-unahan....





....marahil ay ako na ang pinakamapalad na artista ng Premiere Production

...dahil ako ang kauna-unahan nilang binild-up

....ang anak ko naging action star 

...isang matagumpay na aktor naman ang asawa ko

...yung nga lang nauna siyang pumanaw sa akin

SINOAKO?

IGOROT


,,,,ako si Nena Cardenas

.... ako naman ay si Rogelio dela Rosa

ang papel namin dito ay mga tribong Igorot

ANO ANG TITULO NG PELIKULANG ITO NOONG 1950?

Paramihan ng makapagbibigay ng......


Paramihan ng makapagbibigay ng mga pangalan ng mga artistang ito?

KathNiel, LizQuen fans niresbakan ng mga palabang AlDub loyalist




May It’s Showtime fanatics na super affected sa tinatamasang tagumpay ng AlDub. Hinahamon nila na gawan ng teleserye or movie sina Alden at Maine nang magkaalaman na kung kikita ito at magki-click.


Kaya naman nag-react agad ang AlDub loyalists. “Ang dameng kumaen ng AMPALAYA na mga fantards ng DOS dahil sa ALDUB fever haha dame nyo SATSAT na kesyo bigyan ng MOVIE or SERYE ng magkaalaman kung ckat tlaga yang ALDUB? HALERR? 1month pa lang ung LOVETEAM masyado na kayo AFFECTED lahat.

“Baket inde nyo SAKSAK sa mga BAGA nyo na 2 years bago nagkaron ng TELESERYE ang JADINE, yung KATHNIEL nyo bata pa lang c KATHRYN artista na pero NGAYON lang SUMIKAT c DANIEL payatot pa before pero nag intay ng 1-2years bago SUMIKAT sa LOVETEAM na KATHNIEL.

“At yung LIZQUEN nyo naman na c LIZ supporting lang muna bago naSWAK sa serye nila ni ENRIQUE kumbaga NAKATYAMBA lang at c ENRIQUE? ILANG BABAE na ba ang naPARTNER dyan bago sumikat? TAPOS dame nyo SATSAT sa 1month LOVETEAM na ALDUB?

“HINDE nyo ba ma take na TALAGANG PHENOMENAL ang BIGLANG PAGSIKAT nila na halos pati mga POLITICIAN gamet na gamet na ang ALDUB sa maagang PAGTAKBO sa HALALAN, mga CELEBRITIES na KAHIT taga ABS or TV5 or GMA kinikilig sa ALDUB and EVEN Sports personalities ramdam ang ALDUB and pati mga TV REPORTERs and news ANCHOR nagpa PABEBE WAVE and PABEBE SWEAR na din! Haha.”

‘Yan ang mahabang aria ng isang AlDub ardent fan. Tama naman siya. The ABS-CBN loveteams did not become popular overnight. Dumaan din sila sa pagiging starlet hanggang sumikat.

Bistek sumablay sa pagkukumpara sa Aldub ng Eat Bulaga at It’S Showtime




INIMBITAHAN kami ni kaibigang Direk Frannie Zamora sa grand opening ng Kia Theater (dating New Frontier) sa Cubao, Q.C. the other night kung saan palabas ang musical about the life story ni ex-President Manuel L. Quezon.

Kasama ko siyempre ang baby nating si Michael Pangilinan na galing pa that time sa rehearsal ng “Kanser@35 The Musicale” na kanyang pinagbibidahan.

Pagpasok na pagpasok namin sa theater ay nagsasalita na sa entablado si Mayor Herbert Bautista – a very heartwarming speech for the audience na karamihan ay mga empleyado ng city hall at barangay and many other invited guests like us.

Nakatawag-pansin ang biro ni Mayor Bistek regarding AlDub loveteam and It’s Showtime.

“Sinong nanonood ng AlDub? (nagsigawan ang mga tao sa theater) Kasi nang mag-guest ako sa It’s Showtime, nalungkot ako,” biro niya.

Pero nang makita niyang may mga taga-media biglang bawi si Bistek. “Naku, may mga taga-ABS-CBN pala rito. Joke lang iyon!” aniya pa.
Nakakatuwa ang mga sinabi niya pero parang mali naman iyon. Puwede naman niyang purihin halimbawa ang AlDub without putting down the opponent, di ba? After all, malaki naman ang pakinabang niya sa mga show ng Dos.

Tsaka ang makakapareha pa naman niya sa supposed MMFF entry niya this year ay si Kris Aquino under Star Cinema. Iyan ay kung matutuloy pa dahil lagi ngang nagkakasakit lately si Kris for being so overworked yata.

“It was a bad joke, na-realize ko. I shouldn’t have done that,” aniya nang biruin namin siya sa birthday party ni Mother Lily Monteverde nang makita rin namin siya roon an hour after.
Natakot siguro si Bistek na birahin ng Dos dahil sa kaniyang joke na iyon – very uncalled for nga naman dahil aminin man natin at hindi, affected ang Showtime sa sobrang kasikatan ng AlDub loveteam ng Eat Bulaga.

Milya-milya kasi ang agwat ng rating nila kaya it’s quite painful nga naman pag masyado pang ipinamumukha sa It’s Showtime na talo sila.

Pero iyon naman ay obvious na joke lang ni Bistek kaya huwag namang personalin masyado, okey?

Life story ni Felix Manalo nakakakilabot; INC bumilib kay Dennis




KINILABUTAN kami sa trailer ng pelikulang “Felix Manalo” ang biopic ng kauna-unang executive minister ng Iglesia Ni Cristo at siyang nagtatag ng nasabing relihiyon noong July 27, 1914.

Bukod kasi sa mga nakakaantig at madadramang eksenang napanood namin, napakarami ring malalaking artistang pumayag na mag-guest appearance sa pelikula na pinagbibidahan ni Dennis Trillo, ang gumaganap sa karakter ni Ka Felix Manalo.

Si Bela Padilla ang gaganap na asawa ni Dennis sa pelikula bilang si Honorata habang sina Mylene Dizon at Yul Servo naman ang gaganap na mga magulang ng Kapuso actor.

Ilan pa sa mga celebrities na nakita namin sa trailer ng “Felix Manalo” ay sina Gaby Concepcion, Richard Yap, Lorna Tolentino, Alice Dixson, Gladys Reyes, Heart Evangelista, Snooky Serna, Raymond Bagatsing, Jaclyn Jose, Phillip Salvador, Bembol Rocco, Elizabeth Oropesa, Eddie Gutierrez, Bobby Andrews, Ruru Madrid, Joel Torre at marami pang iba. Ito’y sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Mapapanood sa mala-epic na pelikulang ito ang naging buhay ni Felix Manalo mula nang siya’y bata (1886) hanggang sa pumanaw siya noong 1963.

Sa presscon ng pelikula noong Huwebes, si- nabi nina Dennis at Bela na hindi sila nagdalawang-isip na tanggapin ang nasabing proyekto kahit na nga kilala silang mga debotong Katoliko.

Anila, napakaganda raw kasi ng movie at naniniwala sila na mara- ming mapupulot na aral ang mga Pinoy dito kahit na anong relihiyon ng mga ito.

Samantala, naniniwala naman si INC spokesman Edwil Zabala na hindi makakaapekto ang kinasangkutang kontrobersiya ng Iglesia sa “Felix Manalo”, “Naninindigan ako at naniniwala ako na hindi, walang epekto yun,” ani Ka Edwil.
Hindi na rin nagdetalye pa ang INC official tungkol sa balitang pag-aaklas diumano ng ilang INC members laban sa mga namamahala ng kanilang organisasyon.

Sangkot dito si INC Executive Minister Eduardo Manalo, ang ina nitong si Cristina “Tenny” Manalo, at kapatid na si Felix Nathaniel “Angel” Manalo.

Sa presscon, naitanong din kay Ka Edwil kung inaasahan ba nilang tatabo sa takilya ang “Felix Manalo”, “Lilinawin lang namin, hindi ginawa ang pelikula para kumita.

Hindi yun ang layunin ng INC.” Hindi rin daw nila inoobliga ang bawat INC member na manood ng pelikula. Kasabay nito, kinumpirma naman ng Viva Films producer na si Vincent del Rosario na umabot sa P150 million ang kabuuang budget sa paggawa ng “Felix Manalo.”
Mapapanood na ito sa mga sinehan simula Oct. 7, at magkakaroon ng premiere screening sa Philippine Arena sa Oct. 4.

Erap nabuking habang nasa puntod ni Fpj: Si Grace ang mamanukin sa Eleksiyon 2016



Ayon sa mga kuwentong lumalabas ay hindi pa sigurado ni Pangulong-Mayor Joseph Estrada kung sino ang kanyang susuportahan sa panguluhan sa darating na halalan.

Kung sino sa pagitan nina VP Jejomar Binay at Senadora Grace Poe Llamanzares ang gusto niyang ikampanya sa pagiging pangulo ay wala pa raw siyang tiyak na maisasagot.
Kaibigang-matalik kasi ni Mayor Erap ang Hari Ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. na ama ni Senadora Grace, kaibigan niya naman at kapartidong maituturing si VP Binay, nakapagitna raw siya ngayon sa dalawang nag-uumpugang bato.

Pero nu’ng nakaraang Huwebes, sa isang misang ginanap sa harapan mismo ng puntod ng nagdiwang ng kaarawang si Da King, ay nadulas ang dila ng aktor-pulitiko.
Sa kanyang maigsing mensahe para sa pumanaw niyang bestfriend ay binati ni Mayor Erap ang lahat ng mga nakaalala sa kanyang kaibigan, pero pagdating sa pagpapakilala niya kay Senadora Poe ay binitiwan niya ang salitang, “Ang susunod na…”

Hindi niya ‘yun itinuloy, sa halip ay itinutok niya ang mikropono sa mga nandu’n, kaya ang isinagot sa kanya ng mga ito, “Ang susunod na pangulo ng ating bayan!”
Dahil du’n ay kumalat na agad ang mga ispekulasyon na ang anak ng kanyang kaibigang-matalik na si Da King ang susuportahan niya sa susunod na eleksiyon.

Hindi si VP Binay. Lalo namang hindi si DILG Secretary Mar Roxas na minamanok ng partido Liberal.
Si Senadora Grace Poe Llamanzares.