Mag-asawang Gladys at Christopher nagsalita na sa iskandalo sa INC




MARAMING local celebrities ang miyembro ng Inglesia ni Cristo.
Simula nang pumutok ang iskandalo sa liderato ng INC dahil sa pagkakatiwalag sa ilang matataas na opisyal nito ay patuloy ang paglabas ng iba pang isyu tungkol sa nasabing relihiyon.
Marami nang opisyal ng INC ang nagsalita tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanilang lider na si Ka Eduardo Manalo, ang ina nitong si Ka Tenny Manalo, at mga kapatid, kabilang na si Ka Angel Manalo.
Tinangka ng BANDERA na kunin ang pahayag ng ilang artistang kabilang sa Iglesia ni Cristo, ngunit hanggang ngayon, ni isa sa kanila ay ayaw magsalita. Marahil ay natatakot silang madamay pa sa isyu o maaaring ayaw na nilang palakihin pa ang kontrobersiya.
Hanggang sa mabasa na nga namin ang Facebook post ng isang kilalang miyembro ng INC tungkol sa isyu, si Christopher Roxas, ang asawa ng magaling na aktres na si Gladys Reyes. Actually, si Gladys lang ang original member ng Iglesia, nagpa-convert lang si Christopher dahil aniya, mas nakilala niya ang Diyos sa INC.
Narito ang mensahe ni Christopher na kanyang ipinost sa FB: “Sa mga nagtatanong at may komento about INC… ito po ang stand ko…
“IGLESIA PO AKO NI CRISTO… Hinde po ako Iglesia ng kung sino man…Kung ano po ang sinasampalatayanan ko doctrina at laman ng Biblia, yun ang sinusunod ko. Ang Iglesia Ni Cristo ay banal ang tao po ay kanya-kanyang punas lamang po ng lamesa…
“Bakit ako titingin sa tao siya ba ang Diyos ko… at higit sa lahat sa akin ba sisingilin yan kung sino ang may sala siya ang haharap pagdating ng takdang panahon… panu niyo hihiklatin sa puso ko ang naramdaman ko ng tawagin ako ni Cristo…!”
Dahil dito, maraming kaibigan ng aktor sa Facebook ang nagpahayag ng paghanga sa kanya dahil sa kanyang paninindigan sa kanyang relihiyon. May nagkomento pa na ngayon nila napatunayan na matapang ang mister ni Gladys dahil siya yata ang unang artistang INC ang unang nagsalita tungkol sa isyu ng Iglesia Ni Cristo.
Matapos magbigay ng reaksiyon si Christopher, ang asawa naman nitong si Gladys ang nag-post ng mensahe sa kanyang Instagram account. Anang aktres, “Ako’y Iglesia ni Cristo.. Dahil sa kaabalahan sa teyping ng serye, pagrerebyu ng mga materyal sa telebisyon at pelikula bilang isa sa lupon ng MTRCB, kabi-kabilang pulong bilang ‘executive producer’ para sa aking programa, pirmahan ng kontrata para sa isang makabuluhang programa sa telebisyon at higit sa lahat oras para sa asawa at aking tatlong mga anak, ay hindi ako nagkaron ng pagkakataong  maglahad ng aking saloobin ukol sa maituturing na pinakamalaking pagsubok sa INC.
“Sa aking mga katrabaho at ‘kaibigan’  sa tunay na kahulugan ng salitang yun, maging hindi ko personal na kakilala, na hindi ko naringgan ng sarkastikong komento, na hindi agad-agad nanghusga, di nagpadama ng pagiging insensitibo, bagkus nagpaabot ng pagmamalasakit, simpatya at respeto sa aming nararamdaman kulang ang salitang salamat!! Sa mga kapatid sa Iglesia, mas lalo tayong magpakatatag at pakahigpitan ang pagkapit sa doktrina at aral na tumimo sa ating puso, isip at kaluluwa.
“Mas lalo natin pagtibayin ang pundasyon ng ating pananampalataya. Sa mga ganitong panahon, wag tayong manghina, wag tayo manlupaypay, hindi kahinaan ang pagluha, iiyak natin lahat sa ating Panginoong Dyos sa pamamagitan ng panalangin, ang lahat ng hapis at suliranin. Pakatandaan po natin sa Dyos tayo naglilingkod at hindi sa tao.
Ako’y Iglesia ni Cristo.. mananatili at maninindigan!!”

Jasmine Curtis (1994 - )


Picture


Jasmine Curtis

Born: Jasmine Casandra Ojales Curtis-Smith
          Apr 6, 1994 (19)
          Melbourne, Victoria, Australia
Ethnicity:  Australian-Filipina
Screen name: Jasmine Curtis-Smith
Occupation: Actress, Commercial Model, Writer, Endorser, DJ
Yrs active:2011-present
Height: 5 ft  6 in 

Jasmine Casandra Ojales Curtis-Smith, better known by her stage name Jasmine Curtis-Smith. Curtis is the younger sister of fellow actress and ABS-CBN contract artist Anne Curtis and the second youngest daughter of Carmencita Ojales, and James Ernest Curtis-Smith. 

During her first stay in the Philippines, she studied in St. Paul College in Pasig City before leaving in 2005. She then graduated from high school with honors at Loyola College in Watsonia, Melbourne. She plans to settle in the Philippines to continue her college education as well as work full time.

Curtis first came into notice during her vacations in the Philippines visiting her sister Anne, and it was not until mid-2011, when she appeared in ABS-CBN's noontime variety show Showtime, that networks began pushing to sign her. 

On late 2011, Curtis signed an exclusive three-year contract with TV5 and is being groomed by the network to be one of its Primetime Princesses. Curtis's first miniseries for TV5 was a television remake with JC de Vera of the 1991 Philippine action-romance film Ang Utol Kong Hoodlum, which was top billed by Robin Padilla and Vina Morales.

Luis: Kung bastusan ang gusto n’yo, game ako!



Todo-depensa si Luis Manzano sa kanyang retaliation sa isang basher na talagang walang awa niyang pinatulan at nilait nang husto.
When someone told Luis that “What the hater did was wrong but u retaliated & resorted to throwing physical insults, which is stooping down to his level”, the son of Vilma Santos retorted, “The same way imposing a gender preference on someone is foul right? I’m not on a pedestal, never claimed i was ;).”
“I’ve nothing against you but please be mindful of the things you say, lalo na you’re a celeb!” parang may malasakit na say pa ng follower ni Luis, to which the actor answered back, “Then tell him not to impose his opinion of someone’s sexual preference to another.
Kung bastusan lang, game ako :)” Apparently, game na game si Luis sa pagsagot sa mga tanong ng followers niya like the question of BANDERA kung tuloy ang pagpasok niya sa politika. “Good question :) still uncertain :)” sagot ni Luis.
When asked kung hindi siya naiirita sa gay issue na palaging ipinupukol sa kanya, say ng actor-TV host, “nothing new”.
May isang Luis defender ang nagbigay ng details about the actor’s basher at sinabi nitong isang teacher pala ito sa Mulanay, Quezon.
Actually, full name ang ipinost ng follower ni Luis based on his Instagram account pero hindi na namin siya pinangalanan.
What do we learn from this Twitter brouhaha involving Luis and his basher? Na Luis can be ballistic on social media. Na he has a temper at kaya niyang awayin ang basher niya.
Na he can lose his cool when he is being taunted as gay. Teka, hindi nga ba’t one time ay napikon na rin si Angel Locsin sa kanyang pang-aasar yata noong nagkahiwalay sila.
Hindi ba’t nagbigay ng tila ultimatum itong si Angel na magsasalita na siya about Luis kaya naman biglang tumahimik na lang ang anak ni Vilma Santos.
Parang ang basa namin ay masyadong pikon itong si Luis at lahat na lang ay kanyang pinapatulan.
Marami ang napa-yuck sa kanyang choice of words like etits.

Marami ang na-turn off sa kanya because he once studied sa isang prestigious school and he’s capable pala of posting messages which border on kabastusan.
Well, inamin naman niyang game siya sa bastusan, right?

Matteo ipinagsigawan sa buong mundo ang pag-ibig kay Sarah: Paliligayahin kita!



Maraming kinilig sa naging birthday message ni Matteo Guidicelli sa kanyang girlfriend na si Sarah Geronimo. The Pop Princess just turned 27 last Saturday at sa kanyang Instagram account idinaan ng aktor ang kanyang pagbati sa dyowa.
Isang larawan na kuha sa naging selebrasyon ni Sarah ang ipinost ni Matteo sa IG na may caption na: “Before the night ends I would like to say HAPPY HAPPY BIRTHDAY to the person I love so dearly.”
“You’re happiness is contagious and your presence has been life changing. I will do my best to fill your life with sincere limitless JOY. Things are not easy but with Love, everything is possible. Happy birthday!”
Ito’y patunay lamang na walang katotohanan ang mga balitang on the rocks na ang relasyon ng dalawa dahil na rin sa pakikialam daw ng magulang ng singer-actress.

Kahit pinagbawalan na raw ni Anne…Sam Concepcion nakikipag-usap pa rin kay Jasmine



Pagkalipas ng tatlong taon ay muling mapapanood si Sam Concepcion sa pelikula, ang “Makata (Poet)”, isang indie film na idinirek ni Dave Cecilio produced by Andrei James Acuna.
Huling napanood si Sam sa pelikulang “I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila” noong 2012 at pagkatapos ay nag-serye na siya sa ABS-CBN at gumawa ng album.
Tinanggap ni Sam ang “Makata” dahil na-challenge siya sa papel niya bilang underground street rapper o fliptoper.
“Ang challenge sa akin ay kung paano ko mabibigyan ng depth ‘yung mga simpleng salita, saka ‘yung Tagalog, malalim at kung paano mo sasabihin.
Of course, we have script (sinusunod), pero (atake) parang naglalaro lang, may mga guest rapper din kami sa rap battle,” kuwento ng singer-actor.
Bagama’t musikero si Sam ay hindi naman niya linya ang pagra-rap kaya aminadong kailangan niyang pag-aralan ito ng husto.
Tinanong namin si Sam kung bakit niya tinanggap ang “Makata (Poet)” dahil pakiwari namin kaya siya gumawa ng indie film ay para maabot ang masa dahil nga hanggang ngayon ang mataas ang imahe niya dahil sa pagiging Inglisero.
“Kasama na rin po iyon, I think it only appears that way. In the recent, well last year especially, I was privilege to have a few hits nu’ng ni-release ‘yung album ko.
Gusto ko rin sana ma-blur ‘yung lines at kung ano ang accepted ng masa,” pahayag ni Sam.
Samantala, hindi naiwasang tanungin si Sam tungkol sa ex-girlfriend niyang si Jasmine Curtis pero hindi niya sinasagot ang mga tanong, ang sabi lang niya, hiwalay na sila ng TV host-actress ng ga- win niya ang “Makata” kaya hindi ito ang naging therapy niya para makapag-move on.
Tinanong namin nang diretso si Sam kung single siya ngayon, “focus po muna ako sa career and work and will have a teleserye coming.”
Kasama si Sam sa soap opera nina Richard Gomez at Dawn Zulueta na “You’re My Home” at kapartner niya si Claire Ruiz na kasama rin sa Makata.
Muli naming tinanong si Sam kung loveless siya ngayon pero hindi na naman niya sinagot kaya kinumusta na lang namin ang “baby” nila ni Jasmine na isang aso kung dinadalaw niya.
Medyo natagalan siyang sumagot at sabay sabing, “well, we still have communication because we have a lot of common friends. Hindi naman nawawala na minsan magbatian kami.”
Sa madaling salita, single si Sam, pero baka naman gumagawa siya ng paraan para muli silang magkabalikan ni Jasmine.
Anyway, mapapanood ang “Makata” sa Setyembre at mga estudyante ang target audience ng pelikula, sinadya ring hindi ito isali sa mga international film festival dahil hindi naman daw interesado sina direk Dave sa awards.
Bukod kay Sam ay ka-join din sa pelikula sina Angelo Ilagan, Rez Cortez, Julio Diaz, Claire Ruiz-Hartell, Dianne Medina, Lou Veloso, Lance Raymundo, Anna Marin, Mini Jugs Reodica at Rosanna Roces.

Rhian, Glaiza payag maghalikan pero takot ma-MTRCB



PAYAG na payag sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro na magkaroon ng totohanang kissing scene sa tomboy serye na The Rich Man’s Daughter.
Wala silang nakikitang masama rito dahil mga artista sila. “Why not? Normal naman to kiss when you’re in a relationship, but what’s holding us back is what we can or can’t do on TV.
Kung sa amin lang, as actors, or even sa writers and director namin, okey lang sa amin. “But there are forces which are not beyond our control.
Kung gagawin namin at haharangin ng MTRCB at ipatatanggal lang later on, we’d have second thoughts about doing such a scene,” pahayag ni Rhian sa isang panayam.
Kaya sa lahat ng nanonood ng serye, tingnan na lang natin kung mas magiging matapang ang produksiyon sa paggawa ng ganu’ng uri ng eksena.
Feeling naman namin, papayag ang MTRCB na maghalikan sina Rhian at Glaiza sa TV basta hindi bastos ang pagkaka-execute ng eksena.
Narito naman ang kailangan n’yong abangan ngayong gabi sa GMA Telebabad series na The Rich Man’s Daughter: Oscar (Al Tantay) questions Tommy (Paolo Contis) for not taking Batchi (Chynna Ortaleza) and Wila (Katrina Halili) along sa plano niya, kinakabahan na kahit wala si Althea (Glaiza de Castro) ay may masabi ang dalawang kaibigan nito kay Jade (Rhian Ramos).
Pero walang sasabihin si Wila kay Jade – at sasabihan rin nito si Batchi to do the same. Mawawalan naman ng ulirat si Batchi nang biglang himatayin si Marinel.
Malalaman nina Batchi na may dengue si Marinel – at si Lester (Ken Alfonso) lang ang puwedeng magbigay ng dugo sa anak.
Dadalhin ni Tommy si Althea sa isang bahay kung saan hinihintay na raw siya ni Miggy–pero wala ang bata sa loob. Ikukulong ni Tommy si Althea sa loob ng abandoned na bahay.
Itatanong ni Tommy kay Oscar kung hanggang kailan niya ikukulong si Althea–at sasabihin sa kaniya ng lalaki na hindi na niya ito pakakawalan pa.
Huhulihin naman ni Pearl (Pauleen Luna) si Gabriel (TJ Trinidad) sa kaniyang pagsisinungaling. Susugurin niya sina Gabriel at Angeline (Charee Pineda) na magkasama.
Magwawala si Pearl kaya kakaladkarin ito ni Gabriel palayo; pero the damage has already been done kay Angeline – pahiyang-pahiya na ito sa mga kapitbahay.
Makikiusap si Althea kay Tommy na pakawalan siya, pero hindi makikinig ang lalaki. Ililibing na si Angkong (Tony Mabesa).
Malulungkot si Jade na hindi nagpakita si Althea sa libing ni Angkong, kahit para makiramay lang.
Susubukan ni Althea makatakas mula sa pagkakakulong niya kay Tommy.
Hihingi ng tulong si Wila kay David para malaman kung saan mahahanap si Althea. Matatalo ni Tommy si Althea, at hindi pa rin ito makatatakas mula sa lalaki.

Julia Montes


Picture

Julia Montes
Born: Mara Haurea Schnittka
           Mar 19, 1995 (18)
           Quezon City, Ph.
Ethnicity: German-Filipino
Screen name: Julia Montes
Occupation: Actress, Host, Model, Endorser, Singer, Dancer
Yrs active: 2003-present
Height: 5 ft  6 in 

Julia Montes, is a Filipina actress and commercial model. She was a cast member of Goin' Bulilit before. She was popularly known as Katerina in Walang Hanggan, which catapulted her into fame. She also played the main protagonist Sarah in the primetime series Muling Buksan Ang Puso. She began her showbiz career under her birth name, Mara Schnittka. She was discovered after appearing in TV commercials, which landed her spots in a number of GMA-7 shows such as Sana Ikaw Na Nga as the daughter of actors Robin da Rosa and Angelu de Leon.

In 2010, she started going by Mara Montes and made guest appearances in shows such as Gimik 2010 and Katorse. That same year, her biggest break-out role came when she starred as Clara Del Valle/David in the remake of one of the famous Philippine telenovela, Mara Clara. In 2011, she starred in Growing Up as Tammy and it  ended in February 2012.

In 2012, Montes starred in the teleserye Walang Hanggan as Katerina, marking her first team-up with Coco Martin. The Reunion as Ligaya, with an ensemble cast composed of Enchong Dee, Enrique Gil and more. She was also a part of the horror film, The Strangers .

She had her newest teleserye titled Muling Buksan Ang Puso started July 8, 2013 on Primetime Bida, she portray Sarah, She is also working on a romantic comedy distributed by Star Cinema, once again with Enrique Gil, and actors Martin del Rosario and Pokwang. the film is currently in production.

Mga nakakalokang video nina Alden at Yaya Dub kalat na sa iba’t ibang bansa



Kabaligtaran naman ng ugali ng bida sa blind item natin ang Kapuso Teleserye Prince na si Alden Richards na puro papuri ang natatanggap mula sa kanyang supporters at ng kanyang mga nakakatrabaho sa GMA 7.
In fairness, mabait talaga ang binata sa lahat ng nakakasalamuha niya, noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz ay talagang marespeto na siya, lalung-lalo na sa kanyang fans na walang sawang sumusuporta sa kanya.
Magalang at marespeto rin sin siya sa mga miyembro ng entertainment media, lalo na sa pagsagot sa mga sensitibong issue. Kaya hindi na kami nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay patuloy siyang inuulan ng blessings.
Sabi nga ng isang nakausap namin na nagulat sa kabaitan ni Alden, “Lahat talaga binabati niya, laging naka-smile. Hindi mo siya makikitang naiirita kahit na ang dami-daming nagpapa-picture sa kanya. At talagang siya pa ang aakbay sa fans, kaya tingnan mo, until now, very visible pa rin siya.”
At napatunayan namin na talagang sikat na sikat na ngayon ang binata dahil isa siya sa nakatanggap ng pinakamalakas na tinilian at palakpakan sa ginanap na “Thank You Kapuso Grand Fans Day” noong Linggo sa MOA Arena.
Talagang dumagundong ang MOA Arena nang mag-perform na si Alden (as in hataw kung hataw ang binata sa kantang Twerk It Like Miley) kasama ang iba pang Kapuso stars, tulad nina Iya Villania, Kris Bernal, Louise delos Reyes, Mark Herras, Enzo Pineda, Rochelle Pangilinan at marami pang iba.
Sayang nga lang at hindi kasama ni Alden sa Kapuso Fans Day ang bagong itinatambal sa kanya na si Yaya Dub (Maine Mendoza) sa noontime show ng GMA na Eat Bulaga. In fairness, sikat na sikat na ngayon ang loveteam nilang “AlDub” hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba’t ibang bansa.
Sa katunayan, ang AlDub tandem ang sinasabing pinakamalaking factor kung bakit patuloy na nagiging number one sa ratings game ang Eat Bulaga. Lagi nitong tinatalo ang katapat na programa sa ABS-CBN na It’s Showtime.
Palagi ring nagte-trending ang AlDub loveteam sa social media, bukod pa riyan ang pagkalat ng kanilang video collection na kuha sa mga episodes ng Eat Bulaga.
Kaya hindi na kami magtataka kung isang araw ay magkaroon na rin ng sariling show sina Alden at Yaya Dub dahil nga sa biglang pagsikat ng kanilang loveteam. Sa pagkakaalam namin, marami nang natatanggap na request ang GMA at ang Tape Inc., ng Eat Bulaga na bigyan na ng teleserye ang AlDub habang mainit na mainit pa sila sa televiewers.

Enrique Gil, Joey Marquez saksi sa binyag, kumpil at first communion ni Liza Soberano



SPEAKING of Liza (Hope Elizabeth Soberano sa tunay na buhay), nu’ng Biyernes pala ay bininyagan ang Kapamilya princess kasabay ng kanyang kapatid na si Justin David.
Bukod sa binyag, isinabay na rin ang kumpil at first communion ni Liza na ginanap sa Nuestra SeƱora Dela Paz y Buenviaje Parish sa Old Balara, Quezon City. Ito’y sinaksihan ng pamilya at ilang kaanak nina Liza, pati na rin ng ilang malalapit niyang kaibigan.
Ilang larawan ang kumalat sa social media kahapon na kuha sa simbahan, at ilan sa mga celebrities na nakita naming present sa napakaimportanteng bahagi ng buhay ni Liza ay ang ka-loveteam niyang si Enrique Gil at si Joey Marquez, ang gumanap na tatay ng young actress sa seryeng Forevermore.

Totoo ba, Ate Guy winaldas ang ibinigay na pera ni Boy Abunda?




This Nora Something is not true to her words.
She has been, for the longest time, yakking about her intention to have her throat treated in the US dahil gustung-gusto na niyang bumalik ang kanyang golden voice na nasira sa isang operasyon years ago.
Since she came back many years back, iyon na ang kanyang aria, na gusto na niyang ipagamot ang kanyang lalamunanpara manumbalik na ang kanyang boses.
Apparently, she was not really serious to do this. Binigyan na siya ng malaking halaga ni Boy Abunda para ipagamot ang kanyang lalamunan pero hindi pa rin niya itinuloy ang plano niyang magpagamot sa US.
The laos na Superstar apparently does not have any plan to have her throat treated because she keeps on postponing her operation. Puro siya next month na lang dahil may gagawin siyang projects na mostly indie films. Bakit, hindi ba niya mapaghintay ang Adolf Alix na ‘yan, eh, hindi naman ‘yan most award-winning director?
Naku, baka naubos na niya ang naibigay na tulong ni Boy, ‘no!
We are baffled over the fact that she still needs financial help gayong multi-million ang kontrata niya sa TV5. Bakit noong malakas pa siyang kumita sa Singko ay hindi siya nakaipon ng pampagamot?

Piolo tinawag na tito ni Liza: Huwag mo nang uulitin ‘yun!



Tawa kami nang tawa nu’ng Linggo ng hapon habang nanonood ng ASAP 20 sa ABS-CBN kung saan nag-celebrate ang lahat ng Star Magic artists para sa ika-23 anibersaryo ng talent center ng Kapamilya network.
Kuwela kasi ang eksena nina Liza Soberano at Piolo Pascual sa isang segment ng nasabing Sunday noontime show.
Tinawag kasing “tito Piolo” ni Liza si PJ habang ipinakikilala nila ang susunod na magpe-perform sa stage ng ASAP. Kaya naman tinukso-tukso na si Piolo ng iba pa nilang kasamahan sa programa, partikular na sina Bea Alonzo at Jodi Sta. Maria.
Pagkatapos kasing magsalita ni Piolo sa kanilang spiel, sumunod naman si Liza at nag-dialogue ng, “Tama ‘yan, Tito Piolo…!” Na sinundan na nga ng tawanan ng iba pa nilang kasamahan sa show.
Ang tumatawang hirit ni Jodi, “Ang tanda ng Tito Piolo!” Humirit naman si Bea at tinawag ding “Tito!” si PJ. Kaya naman nagkunwari ang aktor na magwo-walkout siya.
Kaya naman ang birong tugon ng reigning Box-Office King, “Huwag mo nang uulitin ‘yon, Liza…!” Nag-sorry naman si Liza kay PJ.
Habang nasa backstage, nagpakuha uli si Piolo kasama si Liza at ipinost sa kanyang Facebook account.

Jane Oineza type ligawan ni Jerome Ponce, pero…



UNTI-UNTI nang nakikilala ang young actor na si Jerome Ponce, ang ka-loveteam ni Jane Oineza sa afternoon series ng ABS-CBN na Nasaan Ka Ng Kailangan Kita?.
Malaki na ang improvement sa acting ni Jerome mula nang magsimula siya sa showbiz at patuloy na dumarami ang supporters ng tandem nila ni Jane sa kabila nga ng pagkaka-link ng dalaga sa basketball player na si Jeron Teng.
Sa thanksgiving presscon ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? kung saan in-announce ang extension nito, todo-todo ang pasasalamat ni Jerome sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila ni Jane.
“Ako, masayang-masaya po talaga ako. Kasi alam niyo naman kung saan ako nag-umpisa, kung paano ako nag-start dito. Ewan ko, heto pa rin, e. Despite yung sa sarili ko, ewan ko. Kahit ako sa sarili ko, aminado naman ako na parang hindi…may mga ugali rin naman ako na ‘di okey sa ibang tao, pero heto pa rin ako,” pahayag ng binata.
Aminado rin si Jerome na nagiging taklesa rin siya sa ilang pagkakataon, “May nasasabi akong hindi maganda sa pandinig ng ibang tao. Yun ang nakasanayan ko noong bata pa ako…may pangit din akong ugali, e. Lahat naman siguro, merong pangit na ugali. Yung sa akin lang siguro, kitang-kita, pero minsan nagpapasensiya rin po ako.
“Nami-misinterpret lang siguro ng iba, pero I’m doing my best para maayos po yung mga bagay na dapat kong ayusin.
“Open naman po ako at ang isip ko sa mga sinasabi ng mga taong nagkakaproblema sa akin, mga taong nasa taas ko. Dapat talaga na pakikinggan ko sila,” aniya pa.
Tungkol naman sa kanila ni Jane, sa ngayon daw ay nananatili silang magkaibigan ni Jane, pero inamin niyang hindi nagle-level up ang relasyon nila ng dalaga dahil kay Jeron Teng.
“Talagang yun na yun. I’m just doing my job and doing my craft. Gusto ko rin lang pasayahin ang mga taong gustong sumuporta sa amin. As much as possble, gusto kong maging in touch kay Jane, kasi ayaw ko ding mawala,” chika ng aktor.
At dahil daw sa “relasyon” nina Jeron at Jane kaya siguro hindi niya maligawan ang dalaga, “Kaya naman ako nag-hold back dahil nga du’n. Pero sa nakikita niyo naman, ‘di naman ako naghu-hold back.
As much as possible, ‘di ako pumupunta ako du’n sa bagay na meron akong limitations. At alam ko naman yung limits ko pagdating kay Jane.”
Samantala, nag-uumapaw ang pasasalamat ng buong cast ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? dahil sa tindi ng suporta ng TV viewers para sa Kapamilya Gold na pinagbibidahan din nina Denise Laurel, Christian Vasquez, Loisa Andalio, Joshua Garcia at Vina Morales.
Tiyak na mas kapananabikan ng viewers ang mas umiinit na mga tagpo sa NKNKK ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng serye na napapanood araw-araw, 3:15 p.m. pagkatapos ng Flordeliza.

Daniel sa ‘smoking photo’: Hindi po yosi yun, hindi rin po droga!



IPINAGTANGGOL ni Daniel Padilla ang sarili sa kumalat na “smoking photo” sa social media kung saan kasama niya ang rumored girlfriend na si Kathryn Bernardo.
Makikita sa nasabing litrato si Daniel habang tila binubugahan ng usok si Kathryn na pasakay sa isang van. Nabatid na isang e-cigarette lang ang gamit ni DJ at mariin niyang dinenay na totoong sigarilyo iyon.
Paglilinaw ni Daniel sa isang panayam, “Hindi yosi ‘yun. Hindi rin ‘yun droga. Vapor po ‘yun. Hindi naman ako nag-yosi, talagang vape lang. Hindi ko naman lahat sinasabi mag-vape na pero siguro tayo namang tao, may mga sariling buhay din naman tayo. May mga sarili tayong gusto.”
Sey ni Daniel, naniniwala siyang wala siyang ginagawang masama, dalawa lang daw ang matatawag niyang “bisyo”, “Magpuyat at basketball, ‘yun lang.”
Aminado si Daniel na mahirap talagang maging isang artista, kahit maliit na bagay lang ay pinalalaki pa, “Mahirap kasi parang ‘yun nga, nakita akong nagve-vape, mali kaagad. Mahirap. Pero kung ayaw niyo na sa akin, ayaw niyo na.”
Kung anu-anong masasamang komento ang nabasa namin tungkol sa kumalat na video ni Daniel, may mga nagsabing kahit daw e-cigarette lang ‘yun ay hindi na raw dapat pang ibinabandera ni DJ in public dahil maraming kabataan ang umiidolo sa kanya.
Pero meron din namang nagtanggol sa bida ng seryeng Pangako Sa ‘Yo, tao lang daw si Daniel at hindi santo. At wala rin siyang inaakapan o inaagrabyadong tao kaya hindi tamang husgahan siya nang dahil lang sa pagyoyosi.
Samantala, patuloy pa ring nangunguna sa ratings game ang Pangako Sa ‘Yo nina Daniel at Kathryn, kasama pa rin ang love triangle nina Ian Veneracion, Jodi Sta. Maria at Angelica Panganiban.
Gabi-gabi pa ring nagte-trending ang #PSY sa social media dahil na rin sa matitinding tagpo sa serye, lalo na kapag magkaeskena na sina Daniel at Kathryn bilang sina Angelo at Yna.
At siyempre, nananatiling malakas sa manonood ang tatlong co-stars nina DJ at Kath na sina Ian bilang si Eduardo Buenvista, Jodi as Amor Powers at Angelica na gumaganap bilang Madam Claudia. Atat na atat na nga ang viewers sa mga pasabog nina Jodi at Angelica.
Kuwento nga nina Daniel at Kathryn, napakarami pang magaganap sa Pangako Sa ‘Yo na hindi dapat palagpasin ng madlang pipol. Dapat daw huwag silang aabsent gabi-gabi dahil mas matitindi ang mga tagpong mapapanood ng viewers.

Marian ayaw nang magmaldita, baka chumaka ang baby



PAPASOK daw si Marian Something sa last episodes ng teleserye ni Dingdong Dantes.
Paniwalang-paniwala ang Siyete na may hatid na suwerte si Marianita sa mga shows kung saan siya nagge-guest. Ang chika kasi, tumataas ang rating ng show kapag guest nila si Marianita.
Gano’n? Teka, kung true ‘yan, bakit hindi nag-rate nang husto ang last teleserye ni Marian? Bakit kulelat ito sa rating?
Well, we felt na ang paglabas ni Marian, that is, kung true nga ang chika, sa soap ni Dingdong ay bilang suporta na lang sa kanyang asawa.
Actually, napapansin namin na medyo behave na ngayon si Marianita. Sa kanyang mga interview ay careful na careful na siya sa kanyang binibitiwang salita. Siguro good vibes lang siya dahil baka maapektuhan ang baby sa kanyang tummy. Baka nga naman chumaka ang anak nila kapag nagpakanega siya.


Mang Ramon maayos na ang kundisyon; matindi pa rin daw ang bisa ng ‘agimat’




Nakakakuwentuhan namin ang magkapatid na Princess at Andeng Revilla tungkol sa pinagdaanan ni dating Senador Ramon Revilla, Sr. kamakailan. Parang naniniwala na rin ang mag-utol na may agimat nga ang kanilang daddy.
Nang itawag daw ng nurse ni Tito Ramon ang kanyang sitwasyon ay parang biglang nanginig ang tuhod ng magkakapatid, halos sabay-sabay silang nagtakbuhan sa ospital, ang sabi raw ng mga nurses ng kanilang ama ay mas matindi kesa sa dating sitwasyon ang pinagdadaanan ngayon ng matandang Revilla.
Dehydrated si Tito Ramon dahil apat na beses itong nagsuka, kaya ang bilin ng magkakapatid, sa unang pagsuka pa lang ay kailangan nang dalhin sa ospital ang aktor-pulitiko.
“Hindi na bumabata si daddy, hindi na niya kayang magsakripisyo, latang-lata siya nu’ng dumating sa ospital. Malaki ang eyebags niya, halos hindi na makadilat, dehydrated siya,” kuwento ni Andeng.
Si Princess ang daddy’s girl sa magkakapatid, ‘yun ang dahilan kung bakit Pepes ang kanyang palayaw, kinuha sa karaniwang ipinangtatawag kay Tito Ramon ng kanyang mga kaibigan.
“Nu’ng tumawag sa akin ang mga kapatid ko, para na akong lantang gulay. Hindi ko alam ang gagawin ko, walang direksiyon ang mga galaw ko. Basta, parang lutang na lutang ang isip ko,” sabi ni Pepes.
Panay-panay ang sabi ng matanda na gusto nitong makita ang kanyang anak na senador. Maraming salamat naman at pinakinggan ng Sandiganbayan ang mosyon ni Senador Bong Revilla na madalaw ang kanyang ama.
“Napakalaki ng ibinuti ng sitwasyon ni daddy nu’ng makita at mayakap na siya ni Kuya Bong. Umiiyak siya, pero alam mong ang saya-saya niya nu’ng magyakap na sila at hinihimas na siya ni Kuya Bong sa noo.
“Naku, hindi pa kami handa. Sabihin na nilang matanda na si daddy, pero totoo, basta, hindi pa kami handa na mawala siya,” nangingilid ang luhang reaksiyon ni Andeng Bautista Ynares.

Anak nina Jolina at Mark Escueta product endorser na rin



Dream come true para kay Ms. Aileen Go, Mega Soft Hygienic Product Inc. Vice-President for finance, na kunin ang Escueta family (Jolina Magdangal, Mark Escueta and son Pele) to endorse Super Twins Premium Baby Diaper.
A self-confessed Jolina fan, Ms. Aileen said, “First of all, siyempre noong high school pa ako si Jolina sobrang idol ko siya. Lahat ng movies niya, ‘yung mga shows niya sa TV ay talagang pinapanood ko.
Meron pa nga akong Jolina na doll. Sobrang idol ko siya. Kaya noong nalaman ko na nagkaroon na siya ng baby ay sinabi kong si Jolina ang kukinin kong endorser. Sobrang excited ako na ma-meet siya for the first time. Bonus na lang talaga ‘yung magkasama kami sa project.”
“Sobrang tiwala ako sa talent niya, kung sino siya talaga kaya as a fan ay excited ako sa kanya. Wala akong ibang choice, si Jolina lang,” sey ni Ms. Go.
Bilang endorser, pina-try ni Ms. Aileen kay Pele ang product nila and asked the couple kung ano ang reaction ni Pele.
“Talagang ipina-try namin kay Pele ‘yung diaper. Iba pa rin talaga ‘yung gusto mo ang product. Actually nakakatawa kasi si Mark ‘yung sagot nang sagot. Ibig sabihin sobrang hands on dad siya. Nakakatuwa kasi talagang kita mo ang involvement nila as parents.”