Thursday, October 29, 2015

Yaya Dub ginawang Inang Kalikasan sa isang mural sa Italy






GINAWANG Inang Kalikasan si Yaya Dub na Maine Mendoza sa totoong buhay sa isang mural sa Italy.
Nagpost sa kanyang Facebook si dating Climate Change Commissioner (CCC) Naderev “Yeb” Saño, isa mga lider ng Climate Walk, ng isang litrato kung saan nakaupo siya sa isang mural na ginawa ng kanyang kapatid na si AG Saño.


“AG Saño does it again. A masterpiece in Galliate, Italy. The woman portrayed as Madre Della Terra looks familiar. And AG painted this in 4 degrees Celsius super cold weather,” sabi ni Saño sa kanyang post.

Nakalagay sa caption ang “#yayadub as mother nature… art attack italia.”


Sa isang text message, sinabi ni AG, na
 umaasa siyang makakatulong ang popular na love team ng AlDub na sina Alden Richards at Yaya Dub para ipaalam sa buong mundo ang mga isyu na kinakaharap ng Inang Kalikasan.



Tanong ng madlang pipol: Bakit si Vice lagi ang nagtatanggol sa Showtime?




SALUDO kami kay Vice Ganda dahil marunong siyang tumanggap ng pagkatalo, hindi naman niya itinago na talagang naungusan na sila ng Eat Bulaga in terms of ratings game.

Ang panawagan lang ni Vice na isinapubliko nga niya sa It’s Showtime noong nakaraang Sabado na huwag nang mag-away-away ang fans sa social media tungkol sa kung sino ang number one na programa sa pagitan ng Showtime at Eat Bulaga dahil personally, magkakaibigan daw sila ng mga host ng EB.

Sa ganang amin ay bakit para-ting si Vice Ganda ang nagsasalita in behalf of Showtime? Bakit siya na lang lagi ang naglalabas ng kanyang saloobin tungkol sa mga isyu? Dahil ba si Vice Ganda lang ang may balls sa programa?
Baka puwedeng iba naman ang magsalita o humarap sa mga isyu, baka may iba rin naman silang gustong sabihin o ipaliwanag. 

Obserbasyon kasi namin bilang ordinar-yong manonood kung parating si Vice ang nagpapaliwanag o nagsasalita tungkol sa mga isyu ng Showtime at Eat Bulaga, e, hindi na namin siya pakikinggan kasi iisa lang naman ang sinasabi, kumbaga nakakasawa na, papasok sa isang tenga at lalabas na lang sa kabila.

At dahil sawa na nga kaming makinig kay Vice, e, iba-bash na lang namin siya para lalong gumulo lalo’t pumapatol naman siya sa bashers kaya walang katapusan ang gulo sa social media.

Kaya ang suhestiyon sana namin bakit hindi subukan ng executives ng Showtime na iba naman ang magsalita in behalf of the show at hindi parating ang TV host-comedian.
Ito rin ang su-hestiyon namin sa nakausap naming taga-Dos, at ang balik-tanong niya sa amin, “May makikinig ba, e, si Vice lang naman ang pinakikinggan ng lahat.” Ang sabi namin, bakit hinuhusgahan naman masyado ang ibang hosts?

Baka naman may iba rin silang opinyon na puwedeng pakinggan ng masa. Naniniwala kami na halos lahat ng co-host ni Vice sa Showtime ay may gusto ring i-share sa lahat ng madlang pipol at sa mga netizens na walang ginawa kundi magkumpara kung sino ang panalo o hindi.



Liz Uy pumalpak uli, inupakan ng Aldub fans




OOOPPSSS, she did it again.

Who did what? Liz Uy, that is.

Lumabas kasi sa isang popular website ang dalawang photos, that of Maine Mendoza and Liz. It was obvious that they were wearing the same jacket.
Liz’s photo was taken just a few weeks ago sa kanyang pictorial for Preview magazine.

It was obvious na siya ang nagpasuot ng jacket kay Maine who is a client. Siya kasi ang stylist ni Yaya. Social media people were barking against Liz sa popular website.
“Ok Lang naman Dahil bu-mabagay naman ke Maine kaso YAYA ba talaga tingin ni Liz Uy ke Yayadub at parang hand me downs ang pinapasuot???!!!!!”
“Bingong bingo na tong si Liz Uy ha!”
“It seems that Liz Uy doesn’t realize or doesn’t give enough importance to her client Maine Mendoza.
Maine may be a newbie, but she is obviously a fast rising star, all eyes are on her, she’s been getting breaks left and right, as a stylist – and a much-hyped one at that, she should make sure na wala namang repeat ng clothes, nagmumukha kasing pinagpasahan ng damit si Maine and SHE DOES NOT DESERVE THAT.
“With the right crew she could be the next superstar, the support is already there. Pero pinagmumukhang pipitsugin ng stylist. Nasuot mo na, ipapasuot mo pa sa client mo? Parang pinasahan mo ng damit ang dating eh. Haller!”
Let’s just see how the Eat Bulaga people who hired Liz as stylist for Maine will react on this controversy.
Hindi na ba natuto si Liz sa kanyang recent mistake of making Maine wear a gown previously worn by Kim Chiu noong 2013? Mukhang hindi siya aware sa kanyang mga kapalpakan, ha.
Fresh na fresh pa sa memory ng mga tao ang ginawa niyang kapalpakan sa gown ni Maine noong grand event nito sa Philippine Arena tapos meron na naman siyang bagong kapalpakan.
They say that it comes in threes so let’s wait for another fashion blunder by Liz. Ano naman kaya ang susunod?



Wednesday, October 28, 2015

Joey: Wag madaliin ang career, wag itulad sa karera ng kabayo!




JOEY de Leon seems to have taken a SWIPE at Vice Ganda on his recent tweets.
“Like LOVE, ang CAREER ay hindi minamadali. Ang minamadali lang na karera ay sa KABAYO!”

“I repeat, wag madaliin ang career. Treat it like LOVE. Wag i-tulad sa karera ng KABAYO, tapos agad!”

The patutsada is uncalled for, very unethical and very pedestrian. What has Vice done to deserve it? Nothing! It baffles us why this TV host is making non-stop patu-tsada on Twitter when they already have the number.

Isn’t he happy that the noontime show he’s part of is making waves? Hindi pa ba siya masaya roon?
Again, we felt that making parinig to somebody who’s down reeks of unprofessionalism!


He, too, made a sarcastic comment about the controversial gown which Yaya Dub wore during an event, “Ano naman yang isyu tungkol sa GOWN? Tayo nga lahat ang saya-saya pag Graduation, pare-pareho naman tayo ng gown!”

“Yan bang gumagawa ng ‘gown issue’ colegiala? Malamang hindi. Ang mga colegiala kasi pare-pareho suot ‘no!” “Baka naman yung nag-raise ng gown issue bats for originality. Malamang NAG-IISA LANG ang salawal nyan!” That was his aria.



Sam Pinto takot na takot sa fans nina Alden at Maine



NAPATILI si Sam Pinto nang tanungin ng entertainment press kung may chance bang magkalapit muli sila ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

Kung matatandaan, na-link noon ang dalawa habang ginagawa nila ang pelikulang “Tween Academy Class of 2012″ ng GMA Films. Nabalitang nag-date sila for a couple of times – pero hindi rin sila nagkatuluyan hanggang sa itambal na nga si Alden kay Louise delos Reyes.

Itinanggi ni Sam sa ginanap na presscon ng horror-suspense-drama movie na “Maria Labo” under Viva Films (showing on Nov. 11), na naging magdyowa sila ni Alden, pero inamin niyang na-ging malapit talaga sila sa isa’t isa.

Pero sey ng sexy actress, huwag na siyang  i-link kay Alden dahil natatakot siyang mapag-initan ng milyun-milyong fans nina Alden at Maine Mendoza alyas Yaya Dub.

“Oh, my God! Ayaw kong mangialam sa AlDub na ‘yan ngayon. Baka mawala na talaga ang career ko. Ha-hahaha! Everybody wants them to be together. I don’t wanna be in-between that,” ang napasigaw na depensa ni Sam sa panayam ng media sa kanya after ng “Maria Labo” presscon.
Dugtong pa nito, “First of all, I’m very happy for Alden.

 He really deserves this break finally, kasi ang tagal na niyang climbing up. And finally, he’s here telling everybody, ‘I’m here, I’m Richard (Faulkerson Jr., tunay na pangalan ni Alden.’) I’m super happy for him.

And with the whole AlDub thing, grabe! Nakakalurkey!”  Inamin din ni Sam na super fan din siya ng AlDub at ng kalyeserye ng Eat Bulaga, “Yes, of course, I’m a fan and how they did get this crazy, so ang galing lang talaga!”
May nagtanong naman sa Kapuso actress kung may regrets ba siya na hindi natuloy ang panliligaw ni Alden sa kanya, “No, not at all! Ang bagets pa niya noon. Para akong nagiging cougar! I don’t like. I mean, he’s too young for me.”
Until now ay wala pa ring dyowa si Sam, “Yes, single pa rin ako, matagal na. Almost nine months na ngayon. My last (boyfriend) was a businessman, he’s non-showbiz. Waley ako sa…complicated pag showbiz, e,” chika pa ni Sam.

Tatlong record-breaking TV rating ng mga nakaraang laban ni Manny Pacquiao ang binura ng “Tamang Panahon Fans Day” ng Eat Bulaga na naganap noong nakaraang Sabado sa Philippine Arena.

Bukod sa winasak na record sa Twitter (with 41 million tweets), ang nasabing Eat Bulaga episode na ngayon ang may hawak ng titulong Most-watched (highest-rating) program sa history ng telebisyon sa Pilipinas.
Base sa overnight ratings ng AGB Nielsen sa Mega Manila households, ang Tamang Panahon episode ng Eat Bulaga noong Oct. 24 ay nagtala ng 50.8%, samantalang 5.4% lang ang nakuha ng It’s Showtime.

Winasak nga nito ang most-watched Pacquiao fight noong April 13, 2014 – ang Manny Pacquiao vs Timothy Bradley na nakapagtala ng 48.9%. Pa-ngalawa na lang ito ngayon sa listahan habang nasa third spot naman ang Sept. 26, 2015 episode ng Eat Bulaga na may hashtag na #ALDubEBforLOVE, with 45.7%; pang-a-pat ang Pacquiao vs Floyd Mayweather fight (May 3, 2015) with 44.4%; at panglima ang Pacquiao-Algieri fight (Nov. 23, 2014) with 43.8%.

Lahat ng nabanggit na programa ay ipinalabas sa GMA. Ang Pacquiao-Mayweather fight naman ay ipinalabas din sa ABS-CBN at TV5 bukod sa GMA.

Base naman sa National ratings ng Kantar Media/TNS, nakapagtala ang Eat Bulaga ng 40.1% noong Oct. 24 habang 10.2% naman ang nakuha ng It’s Showtime.



Mga negosyante apektado na rin ng AlDub fever…pero walang reklamo



Totoo ang ginawang pagkukumpara ng aming mga kaibigan sa laban ni Manny Pacquiao at sa matinding tagumpay ng Eat Bulaga…Tamang Panahon nu’ng nakaraang Sabado.

Walang gaanong sasakyan sa mga kalye, walang ingay sa kalsada, pero may mga nagtitilian at kinikilig sa kani-kanyang tahanan. Pagtatapat ni Von, anak-anakang naming tagapamuno sa isang departamento ng Wilcon, “Nu’ng mismong tanghali ng Sabado hanggang mga alas kuwatro, walang gaanong tao sa amin.

Madalang talaga, samantalang peak day namin ang Sabado. “Nagdagsaan ang mga shoppers nu’ng mga alas singko na, kasi pala, e, nanood muna sila ng kalyeserye. Talagang AlDub pa rin ang pinagkukuwentuhan nila, kinikilig pa nga ang iba, talagang napakalakas ng AlDub ngayon,” pag-amin ni Von.

Si Louie Tolentino, isang magaling na pintor, ay may maliit na tindahan. Bandang ala una ay nag-text ito sa amin, “’Nay, ano ba ito, walang bumibili sa tindahan namin! Sigurado, nanonood sila ng Tamang Panahon.

Okey lang, nakatutok din naman kami sa Eat Bulaga!” Marami pang ibang kuwentong nakarating sa amin tungkol sa pansamantalang paghinto ng mundo ng mga kababayan natin nang ganapin ang noontime show sa Philippine Arena.

Pinaghandaan talaga ng mga Pinoy ang pagdating ng tamang panahon para kina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub).


Carla, Tom naetsapwera sa MMFF entry nina Bossing at Ai Ai?




Were Carla Abellana and Tom Rodriguez displaced by Maine Mendoza and Alden Richards?

We’re asking this because there are reports that Carla and Tom were the original love team to be featured in a Metro Manila Film Festival movie starring Vic Sotto and Ai Ai Something.

Apparently, the producers are cashing in on Yaya and Alden’s popularity so they eliminated Carla and Tom pronto. Naku, baka ma-hurt nang husto ang fans nina Carla and Tom if they learn na natsugi ang idols nila because of this AlDub.



Nicco Manalo kay Jose: Pareho lang naman kami ng Daddy ko…may topak!




SA Nob. 9 hanggang 17 ay mapapanood na sa mga sinehan sa Trinoma, Glorietta, Resorts World at SM Megamall ang mga pelikulang kalahok sa Cinema One Originals 2015 Film Festival.

Ang mga pelikulang maglalaban-laban ngayong taon ay ang “Baka, Siguro Yata” (Romantic Comedy); “Bukod Kang Pinagpala: (Horror); Dahlin Nick (Docu-Drama); “Dayang Asu” (Action Drama); “Hamog” (Drama); “Manang Biring” (Drama-Comedy); “Mga Rebeldeng May Kaso” (Youth Drama); “Miss Bulalacao” (Drama); at “The Comeback” (Drama-comedy).

Kasama rin sa mga pelikulang mapapanood this year sa naturang filmfest ang mga short film na “Junilyn Has”; “Sanctissima”; “Dindo”; “Pusong Bato”; “Reyna Christina”; “Memorya:, “Mabuhay ang Pili-pinas”; “Anino”; “A Love Story” at “Tenant”.

Nakausap namin ang isa sa bida ng “Mga Rebeldeng May Kaso” na si Nicco Manalo bilang si Pat, ayon sa anak ni Jose Manalo ay personal siyang inalok ni Direk Raymond Red para magbida sa proyekto,
“Nag-personal message po sa akin si direk Raymond at nabanggit niya kung anong klaseng pelikula ang gagawin niya at kung paano nagsi-mula ang indie film base sa alam niya.

“Tungkol po sa young filmma-kers na gumawa ng sariling indie films na tumatalakay sa mga nangyayari noong 1980’s. Actually, comedy po itong movie,” kuwento ni Nicco. Pawang seryoso ang mga papel ni Nicco sa mga indie movies na ginagawa niya kaya itong “Mga Rebeldeng May Kaso” ang unang sabak niya sa comedy.

Natanong kasi ang aktor kung bakit puro seryoso ang ginagawa niya at tila wala siyang namanang humor sa tatay niyang si Jose, “Siguro po, nahihilera lang sa (seryosong role), mas napapansin, pero mayroon din po akong topak (humor) tulad sa daddy (Jose) ko,” napangiting sabi ni Nicco. ‘Topak’ ang tawag ni Nicco sa mga taong nagpapatawa.

Tinanong namin siya kung sino sa kanila ng tatay niya ang mas may topak, “Pare-pareho po kaming tatlo ng daddy ko, ‘yung isang kapatid ko po, may topak din, ‘yung nasa On The Wings Of Love po,” paliwanag ng aktor.

Ang binabanggit na kapatid ni Nicco ay si Bench Manalo o Axcel, ‘yung kabarkada ni Nico Antonio sa Tenement at karpintero ni James Reid sa furniture shop na mahaba ang buhok at may mga tattoo.

Pawang indie films ang ginagawa ni Nicco pero umaasa siyang mapapasama rin sa mainstream movies na mahaba ang role at hindi lang cameo tulad ng ginawa niya sa “10,000 Hours” ni Robin Padilla at “Kimmy Dora 3″ ni Eugene Domingo (entry sa MMFF 2013).
“Siyempre po, nagtatanong din, pero nae-enjoy ko rin po talagang gumawa ng independent films kasi doon po ako galing, theater to indie. So parang babalik at babalik ako. “Naghihintay po ako, hinahanap ko pa rin po ang place ko sa mainstream kung saan ako ilagay o makita nila,” ani Nicco.
At sa tanong namin kung sino ang dream leading lady niya, “Dream leading lady, meaning mataas, kasi dream ko, si Anne Curtis po. Kasi magaling siyang umarte sa ‘The Gifted’, napanood ko po ‘yun.”

E, chubby si Anne sa “The Gifted”, mahilig ba siya sa medyo bigatin? Tumawa nang tumawa ang anak ni Jose sabay naalala namin na nas type ni Nicco ang chubby dahil ang partner niya ngayon sa buhay ay siksik din. “Hindi po kasi ako mahilig sa sexy o balingkinitan,” ani Nicco.

At doon sila nagkaiba ng tatay niyang si Jose dahil sa pagkakaalam namin mahilig sa sexy ang TV host-comedian. Samantala, bukod sa dalawang indie films na natapos ni Nicco ngayong taon ay kasama rin siya sa seryeng Walang Iwanan ng ABS-CBN bilang sidekick ni John Estrada kaya masaya siya dahil mahaba raw ang papel niya rito.



Pokwang dedma sa panlalait ng Bashers; pilit na ikinukumpara sa tagumpay ni Ai Ai




Napangiti na lang si Pokwang sa maintrigang tanong kung ano ang reaksiyon niya sa mga sinasabi ng bashers na sa tagal na niya sa industriya ay wala pa rin siyang matatawag na super big hit.

Ito raw ang dahilan kung bakit hindi pa siya pwedeng matawag na certified box-office star unlike Ai Ai delas Alas na marami nang napatunatan.

Sey ni Pokwang during the presscon of her latest movie “Wang Fam” under Viva Films, “The fact na may mga producer at direktor pang naniniwala sa akin at nagbibigay ng projects, obligado po akong magtrabaho ng maayos at mag-deliver accordingly.”

Sinusugan naman ito ng kanilang direktor na si Wenn Deramas, wala raw siyang ibang naiisip na gumanap bilang si Malou Wang sa naturang movie kundi ang komedyana dahil bukod sa husay at galing nitong makisama, ito raw kasi ang local version ng famous character ni Anjelica Huston na si Morticcia Addams sa “Addams Family” ng Hollywood na siyang peg ng movie, “Pagkakatiwalaan mo siya. Iba siyang klaseng katrabaho,” sabi ni direk Wenn.

May following na ang tandem nina Pokwang at kaibigan-kumpare naming si Benjie Paras (dahil sa serye nilang Nathaniel ng ABS-CBN) kaya’t naniniwala rin si direk Wenn na magugustuhan ng manonood ang mga bagong gimik at pasabog ng dalawa sa “Wang Fam”.

Bukod kina Pokwang at Benjie, kasama rin dito sina Andre Paras at Yassi Presman, Alonzo Muhlach, Wendel Ramos, Candy Pangilinan, Joey Paras at Atak. Showing na ito nga-yong Nov. 18 nationwide.

Dalaga (1931) Mary Walter


DalagaMary WalterMalayan Pictures Corporation

Joey gustong maging ninong sa kasal nina Alden at Maine





Kung mauuwi man sa totohanan ang pag-iibigan nina Alden Richards at Maine Mendoza na nagsimula lang sa makasaysayang kalyeserye ng Eat Bulaga, willing daw si Joey de Leon na tumayong ninong sa kasal ng dalawa.
Kung si Joey daw kasi ang tatanungin, gusto rin niyang magkatuluyan sa totoong buhay sina Alden at Yaya Dub dahil naniniwala siyang bagay na bagay ang dalawa. Sa katunayan, lagi raw niyang kinukulit si Alden kung meron nang something sa kanila ni Maine.
Sa isang panayam sinabi ni Joey na botong-boto sila kay Yaya para kay Alden, at feeling niya, wife material din ang dalaga. Hindi rin naman daw ito dehado sa “manok” nila dahil alam naman ng buong mundo kung gaano kabait at karesponsableng lalaki ang Pambansang Bae.
“Kaya nga minsan, tinanong ko kay Alden kung wala bang tamang pana. Magba-Valentine’s Day na, e. E, bata pa si Alden, e. Sabi lang niya, ‘Meron naman, Tito Joey, meron naman. Tingnan natin.’
“Sana magkatuluyan para matuwa lalo ang AlDub Nation. At kung makasal, lahat kami magni-ninong. Kahit hindi kami kunin, mag-a-apply kami!” natatawang chika pa ng TV host-comedian sa nasabing interview.
Noong Sabado, naging record-breaking na naman ang episode ng Eat Bulaga at ang phenomenal na kalyeserye ng AlDub. Nagtagumpay ang mga Dabarkads sa paglikom ng malaking halaga para sa “AlDub Library Project” sa pamamagitan ng “Tamang Panahon” grand fans day kung saan mu-ling nagkita sina Alden at Yaya Dub.
Bukod dito, tinalo na rin ng #ALDubEBTamangPanahon ang may hawak ng highest number of tweets worldwide, ang #WorldCup match sa pa-gitan ng Brazil at Germany (#BRAvsGER) noong 2014 (with 35.6 million) matapos itong makapagtala ng mahigit 39.5 million tweets.
Ayon naman kay Joey, sa maniwala kayo at sa hindi, hindi na raw nila masyadong iniintindi ngayon ang pagiging record breaker ng Eat Bulaga, “Yun mismong venue (Philippine Arena), world record na, e.
Pero hindi na namin pinapansin ‘yang mga world record. Ang importante sa amin, masaya yung mga tao.” Feeling din ni Joey magtatagal pa sa ere ang kalyeserye ng AlDub ngayong binigyan na ng freedom ni Lola Nidora sina Alden at Yaya Dub.
Sabi nga ni Lola Nidora, wala siyang balak na tapusin ang kalyeserye dahil gusto pa niyang makita ang magiging apo niya.

Kim Chiu nakiusap: 'Wag nang palakihin ang isyu AlDub fans, Allan K rumesbak sa isyung ‘recycled’ ang gown ni Yaya Dub





ISA ang TV host-comedian na si Allan K sa mga nagtanggol kay Maine Mendoza alyas Yaya Dub sa mga bashers na walang ginawa kundi ang gumawa ng isyu mula sa isang maliit lamang na bagay.

Usap-usapan kasi ngayon ang gown na isinuot ni Yaya Dub sa “Tamang Panahon Fans Day” ng Eat Bulaga noong Sabado sa Philippine Arena – recycled lang daw pala ito dahil una nang naisuot ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang nasabing Francis Libiran gown sa isang fashion show noong 2013.

Kumalat pa nga sa social media ang litrato ni Kim suot ang kaparehong gown ni Maine noong Saturday, at dahil nga rito, maraming nang-okray kay Maine.
Pero siyempre, hahayaan ba ng milyun-milyong netizens na nagmamahal kay Yaya na basta apihin ang ka-loveteam ni Alden Richards?

Ayon sa ilang comments na nabasa namin sa Twitter at Facebook, wala naman daw issue kung nagkapareho ng gown sina Maine at Kim, nangyayari naman daw talaga iyan sa showbiz.

At mismong ang fashion designer nang si Francis Libiran ang nagsabi na binili ng Eat Bulaga wardrobe team ang gown ni Maine at hindi pa raw ito nagamit ng kahit sinong artista sa kahit anong event.

Komento naman ng isang AlDub fan, “Naku, wag nang ikumpara si Yaya kay Kim Chui, wag nang maki ride sa mga pumuna ng gown damit lang yan. Ang importante ang nangyari sa PhilArena.

Hindi magagawa ni kim chui un, eh kung movie lang ang pag uusapan wag kayong atat oi abangan sa december 25 ipapakita namin kung anung kakayahan ng aldub!”

Sa kanyang official Twitter account halatang napikon din si Allan K sa mga namba-bash sa gown ni Maine, aniya sa kanyang post, “Wag na lagyan ng issue yung gown.

Ang importante, nang sinuot ni Meng yun, history ang turn out. Argument anyone?” Kasabay nito, hinamon din ng komedyante ang mga bashers ni Yaya, “Para matigil na lahat- ipasuot nyo yung gown kahit kaninong pinay, punuin nya ang phil arena tapos ibreak nya ang 39.5 million tweets.

Ok?” Kahit si Kim ay nakiusap na huwag nang palakihin ang isyu ng gown nila ni Maine, aniya sa kanyang Instagram post, “No hate please. A gown is just a gown…its how you make people happy.

Angel umatras bilang Darna




HINDI na magagawa ni Angel Locsin ang bagong movie version sana ng Darna. Ito ang ibinalita ng Star Cinema na siyang magpo-produce sana ng nasabing pelikula.
Ayon sa ipinalabas na joint statement, ito’y dahil na rin sa sakit ni Angel sa likod na slipped disk.

Nagdesisyon ang kampo ni Angel at ang Star Cinema na huwag nang ituloy ang pagbibida ni Angel sa pagsasapelikula muli ng Darna dahil baka hindi kayanin ng aktres ang mabibigat ng action scenes na kailangan niyang gawin.

Lumabas dito sa BANDERA ilang linggo na ang nakararaan na na-confine si Angel sa ospital matapos maka-experience muli ng matinding sakit sa likod. Ito’y dahil na rin sa pinagdaanang physical training ng girlfriend ni Luis Manzano bilang paghahanda nga sa muli niyang paglipad bilang Darna.

Ayon sa panayam sa isang doktor maaaring lumala nang lumala ang sakit ni Angel kung gagawin pa niya ang maaaksiyong eksena sa Darna, posibleng tuluyang humina ang kanyang legs kapag patuloy niyang papagurin ang kanyang likod dahil nga sa lagay ng kanyang spinal column.
Sa pagkakaalam namin, nakuha ni Angel ang kanyang slipped disk matapos siyang mahulog noon sa kabayo habang nagsu-shooting sa pelikula nila ni Piolo Pascual na “Love Me Again” taong 2008.

Narito naman ang official statement ng ABS-CBN hinggil sa issue mula kay Mr. Kane Errol Choa, Head, ABS-CBN Corporate Communications. “It is with deep regret that we announce that ABS-CBN, Star Cinema, and Angel Locsin have mutually agreed that Angel will no longer do the ‘Darna’ movie due to health reasons.

“Because of her passion, dedication, and commitment to the project, she underwent various rigorous training regimens for two years. Unfortunately, this led her to developing a disc bulge in her spine.

“This then limits her from doing strenuous activities such as stunts, liftings, and the usage of harness, all of which will be required of her for the action scenes in the film. Aside from that, she will need to undergo rehabilitation and treatment.
“And so while we have envisioned her to do the iconic Filipino heroine, Angel’s health and safety are both our primary concern. Hence, the decision. “Fans need not worry. They can still look forward to seeing her in a movie that she is currently shooting with Vilma Santos.

Angel’s physical condition does not prevent her from finishing the said project. “Again, we sincerely thank Angel for her hard work and pray for her recovery.”

Sunday, October 25, 2015

Mary Walter (September 10, 1912 – February 25, 1993)






Mary Walter – She was busiest as a lead actress of silent pictures which included Don Juan Tinoso, Ang Lumang Simbahan, Dimasalang and Ang Gayuma with Gregorio Fernandez as her loveteam partner. 

Gregorio Fernandez (father of Merle fertnandez and Rudy Fernandez) later became a prolific director for LVN PIctures. Up to the 1960s, she was still appearing in grandmother or mother roles or family matriarch. 

She was a 1982 Walang Kupas awardee.

Saturday, October 24, 2015

Alden, Yaya Dub napaluha habang magkayakap nang mahigpit;




NAKAKAPANGILABOT!
Yan ang naramdaman ng libu-libong Dabarkads at AlDub supporters na nasa loob ng Philippine Arena sa Bulacan habang ginaganap ang record-breaking “Tamang Panahon Fans Day” ng Eat Bulaga.
Tulad ng inaasahan, naging maligaya ang lahat ng nag-effort at naglaan ng panahon para makisaya at maki-bonding sa Eat Bulaga Dabarkads sa tinaguriang pinakamalaki at pinakabonggang fans day sa kasaysayan ng showbiz industry.
Dito muling pinatunayan nina Alden Richards at Maine Mendoza ang kanilang makamandag na karisma hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi rin ng mundo.
Hindi binigo ng AlDub Universe (hindi lang Nation) ang panawagan nina Alden at Yaya Dub na magkaisa ang lahat ng Dabarkads para sa tunay at makabuluhang layunin ng Tamang Panahon Fans Day.
Sa simula pa lang ng programa ay ibinandera na agad ni Lola Nidora (Wally Bayola) at nina Tito, Vic & Joey na umabot sa P14 million ang kinita ng Eat Bulaga mula sa mga naibentang ticket sa Tamang Panahon grand fans day.
Ang kabuuang halagang ito ay mapupunta sa “AlDub Library Project” ng programa na magsisimula na anytime soon. Bukod ditto in-announce din ng mga host na ang buong programa ay mapapanood ng walang commercial break kaya non-stop ang kilig at saya ng viewers.
Pero bago ito nag-showdown muna ang tatlong lola ni Yaya Dub – sina Lola Nidora, Lola Tidora (Paolo Ballesteros) at Lola Tinidora (Jose Manalo).
Hataw kung hataw ang tatlo with their signature dance. Sinundan ito ng performance ng iba pang dabarkads kung saan isa-isa nilang kinanta ang themesongs ng AlDub, kabilang na ang TVJ.
Ilang sandali pa, nag-perform na rin si Yaya Dub with her pasabog dance number kasama sina Baste at Ryzza Mae Dizon na nagpakitang-gilas sa kanyang hoover board dance moves.
Pero siyempre ang talagang inabangan ng buong mundo ay ang muling pagkikita nina Yaya at Alden sa Tamang Panahon na wala nang mga kundisyon. Pumagitna si Maine sa stage habang papasok naman ng Philippine Arena si Alden na may dalang pulang kahon.
Feeling namin ay magigiba na ang Arena dahil sa sigawan at padyakan ng mga AlDub fans nang magkalapit na ang dalawa at salubungin ni Lola Nidora sa stage.
At tulad ng inaasahan naging emosyonal ang tatlo habang inihahabilin ni Lola kay Alden si Maine. Nagyakapan din ang mga ito na ikinaluha rin ng mga manonood.
Pagkatapos magpaalam ni Lola kinantahan na ng Pambansang Bae si Maine ng “God Gave Me You” at habang nasa kalagitnaan na ng kanta hindi na nakapagpigil si Alden at niyakap ng mahigpit si Yaya na parang nagpapasalamat sa lahat ng magandang naidulot nito sa kanyang buhay.
Nagkaiyakan din ang dalawa nang muling magyakap ng mahigpit sa harap ng tatlong lola. Nang pagsalitain si Maine nagpasalamat din ito kay Alden at sinabing, “Alden thank you, ipinagdasal ko talaga ang araw na to.
Marami nang nagbago sa buhay natin pero meron ding mga bagay na hindi nagbabago…yun ay IKAW AT AKO!” na sinundan na naman ng sigawan at palakpakan mula sa libu-libong dabarkads sa Arena.
Nag-duet din ang dalawa nang live habang magkalapit ang mga mukha gamit ang isang microphone na muling ikinakilig ng manonood. Kulang na lang kasi ay mag-kiss sila sa harap ng milyun-milyong manonood.
Pagkatapos nito, pinayagan na rin ni Lola Nidora ang dalawa na magsayaw. Kinuha ni Alden ang isang glass shoes mula sa dala niyang red box at isinuot kay Maine at pumagitna muli sa stage para sa kanilang first formal dance.
Ngunit sa pagtatapos ng kalyeserye ay biglang ipinakita na nakikipag-agawan ng kung ano si Lola Nidora sa isang lalaki – nagtagumpay naman itong makuha ang diary na ninakaw noon ng riding in tandem.
Nagtatakbo siya…at ditto na nga natapos ang eksena. Ano nga kaya ang mga nakasulat sa diary? At ano na rin ang mangyayari kina Alden at Maine ngayong Malaya na silang ibandera ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa? Yan ang dapat n’yong abangan sa Lunes.
Samantala, inaasahang wawasakin muli ng Eat Bulaga ang sarili nilang record sa social media dahil as of 2:05 p.m. (hindi pa natatapos ang show) ay nakapagtala na agad ang hashtag #ALDubEBTamangPanahon ng 20.7 million tweets. Imagine, as early as 6 a.m. ay umabot na sa mahigit 7 million tweets ang nakuha nito.



Friday, October 23, 2015

Dugo sa Kapirasong Lupa (1930)


Dugo sa Kapirasong LupaAction, Warfilm depicts the Japanese Army during First Sino-Japanese War

Oriental Blood (1930) Annie Harris



Oriental BloodCarlos Vander TolosaAnnie Harris, Atang de la Rama, Purita Clarino, Jose Corazon de Jesus, Jr.Action, Drama

Prinsipe Teñoso (1930) Mary Walter


Prinsipe TeñosoMary WalterAdventure, Fantasy

Ang Infierno sa Mundo (1930) Faustino Maurat


Infierno sa MundoManuel SilosFaustino MauratBanahaw PicturesDrama, Fantasy

Ang Anak sa Ligaw (1930) Gregorio Fernandez & Nena Linda


Ang Anak sa LigawJosé NepumucenoGregorio Fernandez, Nena Linda, Rosita RiveraMalayan MoviesDramabased on the novel by Julian Cruz Balmaseda

Sharon napaluha sa b-day ni Charo, hiyang-hiya kay Piolo





SHARON Cuneta is now singing a different tune. After seething with anger some three years ago, the Megastar was profusely sorry for what she did to Piolo Pascual after he hurt KC Concepcion’s heart.
Nagkita sina Sharon at Piolo sa birthday party ni Madame Charo Santos and in an instant Sharon’s anger vanished in thin air. She made kuwento her encounter with Piolo on her Facebook account.
“Now take a deep breath…because I am about to share with you one of the best gifts God gave me this year. “As a human being, sometimes when you are very hurt, your emotions overtake your sensibilities, and your tendency is to hurt back.
This is especially true when you are a mother. Like a mama lion whose cub has been hurt, you will defend her without caring about the possible consequences of your actions and do not care even if you put your own ‘safety’ on the line.
“And sometimes, unlike a mama lion, a human being will regret losing her temper, her patience – never mind that the cause of such anger was also her being provoked by people who could never understand, and even rubbed salt in her wounds, kicked her when she was down, still, you end up being angry at yourself because you know that you were raised to be decent, that some things would have been best discussed in private, and people with the worst intentions should have been ignored totally.
“Now, because the words said were said on social media, The words I write now I also put forth on social media. Because I feel it is fair and right.
“I was in my wheelchair amongst friends and I didn’t see him coming. He hugged me tight and when I looked at his face, I hugged him back so tight…’I am so sorrys’ and ‘I love yous’ and ‘I miss yous’ later, making me tear up…I thanked Father God for the happiness in my heart.
“My ‘son,’ who is the only one I managed to hurt (and I imagine, his family too…) – and he knows this: because not just my daughter but I loved him very much, and sometimes it is the ones we love that we hurt and are hurt by, is still, after all is said and done, my ‘son’ that I love.
“I know your apology was sincere. Please know that mine was, too. I think of your mama and feel very badly about how she must’ve felt, because she too, is a mother like me. I am sorry that you and my baby had to end your relationship, and I am sorry for how very publicly I made my emotions known.
For what it’s worth, I was not that kind of person. Was not, am not, and hopefully never will be. I believe you know that in your heart.” “Thank you, Lord Jesus for forgiveness, restored friendships, and love.
Most of all, thank you that my Kristina is fine now and happy. And thank you, dear Piolo, that I can still call you my son no matter what. God bless you, P.J.! Love you.”
That was Sharon’s long aria.



Amalia...na-stroke!






MY dear friend Ms. Divina Valencia (my other mom sa showbiz actually) texted me yesterday asking for prayers for her colleague Ms. Amalia Fuentes, Tita Nena to many of us, dahil nasa Korea raw ito ngayon at doon dinale ng stroke and currently confined sa isang undisclosed hospital.

Actually, ilang araw ko nang nabalitaan ito through a blind item and someone very close to me whispered na si Tita Nena nga raw ang tinutukoy doon. Bigla akong nag-flashback sa beautiful moments ko with Tita Nena who became very close to me too.

There were times na bigla na lang darating sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz iyan sa DZMM, wala lang. Gusto lang daw niyang dumalaw dahil ayaw siyang tamaan ng antok.
“Hindi ako makatulog at na-miss lang kitang bigla. Kaya nang makita kita sa Te-leradyo, bumalikwas ako sa higaan ko at kahit nakapantulog na ako ay sumugod ako para lang makigulo sa program ninyo. Ha-hahaha!” she would fondly tell me noon.

Totoo nga, nakapantulog lang si Tita Nena nang makipagtsikahan siya sa amin ni Papa Ahwel. Kasi nga, she just lives nearby – sa New Manila lang siya nakatira kaya mabilis siyang nakarating sa program namin.

Siyempre, with Tita Nena around, no dull moments. Kahit isang oras kang makinig sa pagtataray niya oks lang dahil very cute ang dating. And meron siyang karapatang magtaray dahil siya si Ms. Amalia Fuentes, ‘no!

Minsan naman ay niyayaya ko iyan to attend sa ilang personal events ko. Join iyan sa akin provided na ipapasundo ko lang siya at pakakainin nang masarap. Mababaw lang ang kaligayahan ni Tita Nena kaya magkasundo kami talaga niyan.

“Mahal kita Jobert, I just love you and Boy Abunda. You are just very special to me,” ang madalas niyang sinasambit sa akin na siyempre’y ikinakapa-flatter ko talaga.
Now ay wala siya sa tabi natin, nasa malayong lugar siya kaya imadyinin n’yo na lang ang pag-aalala naming mga nagmamahal sa kaniya.

Sana ay huwag siyang pabayaan ng nasa Itaas, sana ay malagpasan niya itong pagsubok na ito sa buhay niya. Mahirap kasi pag nagkakaedad na tayo, hindi talaga maiiwasan ang ospital.

Kasi nga humihina na ang ating system kaya sana ay tulong-tulong tayong magdasal that she’d be fine. Kahit mataray iyang si Tita Nena she is very sweet in reality.

Pag mahal ka niya, she will fight for you till the end pero pag irita siya sa iyo, walang kinatatakutan iyan. Susugurin ka niya kahit saan para iparamdam lang sa iyong masama ang loob niya.

That’s why I love her. Get well soon, Tita Nena. We love you.

Ngayon na ang ‘TAMANG PANAHON’!




ANG AlDub craze ay nagsimula lamang sa tuksuhan nang malaman ng mga Dabarkads na crush ni Yaya Dub si Alden Richards. Nangyari ito sa isang episode ng “Problem Solving” segment ng Juan For All, All For Juan ng Eat Bulaga. Dito na nga nagsimula ang makasaysayang pagka-kilala ng dalawa sa pamamagitan ng split-screen shots.
Nagsimula lang sa asaran ngayon ay isa nang global phenomenon. Balikan natin ang nakaka-kilig at nakaka-in love na mga tinaguriang “first” ng AlDub at muling damhin ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.
First Pagkikita on screen: Nagda-dubsmash noon si Yaya Dub nang biglang i-close up sa camera si Alden. Biglang nawala sa poise ang dalaga at napangiti. Napakaway lang ito kay Alden na tinatawag na ngayong “Pabebe Wave”.
First Split-screen Kiss: Sino ba ang maka-kalimot sa unang “kissing scene” ng dalawa? Flying kiss pa lang yun na naganap noong second day ng kalyeserye.
First Pagkikita nang Live: Tandang-tanda ng lahat ang episode na ito kung saan nagkita in person sa kauna-unahang pagkakataon sina Alden at Maine. Katatapos lang noon ng Wild Card edition ng Dabarkads Pa More. Naghanapan ang dalawa sa backstage at doon sila nagkita. Pero nu’ng maglalapit na ang dalawa ay biglang umapir si Lola Nidora at hinarangan sila ng plywood. Dismayado noon si Lola Nidora sa dalawa dahil hindi nila tinupad ang mga kondisyon na binigay nya.
First Indirect Kiss: Pagkatapos ng Dabarkads Pa More Wild Card Edition ay dinukot naman ang dalawa ni Durizz. At dahil nauuhaw ay pinasipsip ni Durizz sa iisang straw ang AlDub. Nagwala ang mga fans dahil sinasabi nila na ito raw ang unang “indirect kiss” nila.
First Record Breaking Hashtag: Ang #AlDubMaiDenHeaven ang pinakaunang record breaking tweet ng kalyeserye loveteam dahil umabot ito sa 3.5 million tweets. Natalo nito ang #PapalVisit na nagtala noon ng 3.3 million tweets. Pagkatapos nito ay sunod-su-nod nang winasak ng AlDub ang kanilang mga naunang record hanggang sa makamit nila ang pinakabonggang 25.6 million tweets para sa #ALDUBEBForLove.
First Date: Dito si-nubukan ni Lola Nidora kung gaano nila kakilala ang isa’t isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tanong bago sila makapag-date. Nasagot naman nila ang mga ito pero naging handlang naman ang isang napakahabang table sa venue ng kanilang date.
First Akyat ng Ligaw sa Mansyon at First Hawak kamay: Napapayag na rin si Lola Nidora na makapunta si Alden sa kanilang mansion para umakyat ng ligaw kay Yaya Dub. Nangyari rin dito ang kanilang first “holding hands” nang masamid si Maine habang kumakain at inabutan siya ng tubig ni Alden kung saan aksidenteng naghawak ang kanilang mga kamay. Ang episode na ito ang nakakuha ng record-breaking na 25.6 million tweets.
First TV Commercial: Isang sikat na fast food chain ang unang endorsement sa TV ng dalawa kung saan na-feature ang pagda-dubsmash ng dalawa habang sarap na sarap sa kanilang pagkain. Mula dito ay sunod-sunod na ang mga endorsements at commercials ng phenomenal couple.
First Voice: Unang narinig ang boses ni Yaya Dub nang may isang boses na tumawag na “Lola!” noong Sept. 21 (Lunes). Pero hindi ito nakumpirma dahil agad siyang dinala ng mga Rogelio sa ospital. Bago pa ito ay nakipagpalitan pa ng fan sign si Yaya Dub kay Alden. Dito na nagsimulang magsalita si Maine, hanggang sa kumakanta na rin ito at nakikipag-duet pa sa Pambansang Bae.
NAGSIMULA LANG ANG LAHAT SA TUKSUHAN…MAUWI NA NGA KAYA SA TOTOHANAN?
AKSIDENTE lang ang pagkakabuo ng loveteam nina Richard Reyes Faulkerson, Jr. (Alden Richards) at Nicomaine Dei Capili Mendoza (Maine Mendoza o Yaya Dub) – kaya walang nag-akalang gagawa ng kasaysayan sa mundo ng telebisyon at social media ang dalawang Dabarkads ng Eat Bulaga.
Binansagag Social Media King and Queen at TV Ad Prince and Princess sina Alden at Maine dahil sa record na ginawa nila sa Twitter at sa sunud-sunod nilang TV commercials na umeere ngayon.
Nagsimula ang makasaysayang kalyeserye ng Eat Bulaga nang tuksuhin sina Yaya Dub at Alden ng mga dabarkads. Dito rin nabuking na matagal na palang crush ni Maine ang Kapuso matinee idol kaya pala kinilig ito nang makita niya si Alden na nakaupo sa front row ng studio. And the rest, as they say – is HISTORY!
Sa panayam kay Eat Bulaga director Mike Tuviera, sinabi nitong kahit sila ay na-shock sa pagiging phenomenal ng AlDub, “On our side, in-terms of APT, Eat Bulaga, and TAPE, it was all an accident, really. Kami, we are really, really very thankful. Yung gratitude rin naman po na nararamdaman namin is overflowing.
“Kasi it was not planned. It was not planned at all. It was born from the moment that the staff found out that in real life, Yaya Dub had a crush on Alden. No one knew that.
“As a number one fan, I know the back story dahil nag-investigate talaga ‘ko. You can see it in YouTube the first time it happened. Yaya already appeared, a few episodes already, so I asked, ano ba talaga ang nangyari behind the scene, they found out accidentally that Yaya in real life has a crush on Alden.
“Alden was already having lunch and he was done for the day kasi, nasa Juan For All All for One na. Noong nalaman nila yun, nilabas nila si Alden na kumakain, sabi niya, ‘Sige po, sige po.’ Nilagay nila si Alden sa front row, sabi nila, ‘Diyan ka lang Alden, pa-guwapo ka, tingnan nga natin.’
“Si Alden, yun na, nag-wave na siya. Nu’ng in-insert na, tingnan nga natin ang reaksiyon, so that’s all. It was all an accident!”
Mula nang sumabog na parang napakalakas na bomba ang kalyeserye ng Eat Bulaga, hindi na ito binitiwan ng milyun-milyong dabarkads sa bansa at sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Araw-araw ay la-ging top trending topic ang hashtag ng GMA noontime show, bukod pa ‘yan sa napakataas na rating ng programa na kamakailan lang ay gumawa na naman ng record sa ratings game.
Kung matatandaan, umabot sa 26.5 million tweets ang hashtag ##ALDubEBforLOVE ng Sept. 26, 2015 episode ng kalyeserye, kung saan unang umakyat ng ligaw si Alden kay Yaya sa mansion ni Lola Nidora.