Tuesday, November 3, 2015

Mahal nagpakasal na sa dyowang bagets




May mga na-shock pero marami ring natuwa sa pagpapakasal ni Mahal sa kanyang boyfriend na si Jobbie Hebrio noong mismong All Souls’ Day, Nov. 2.

Ikinasal ang dalawa sa Quezon City Hall sa harap ni Quezon City First District Councilor Victor Ferrer na sinaksihan din ng mga kaibigan ng bagong kasal, kabilang na ang mga sexy singer na sina Mae Rivera at Kissa Kurdi.

Naganap naman ang wedding reception nina Mahal (Noeme Tesorero sa tunay na buhay) at Jobbie (na dating butcher/merchandiser sa isang supermarket), sa pag-aaring farm ni Councilor Ferrer sa Fairview, Q.C..

Ayon sa mag-asawa, maligaya sila dahil sa wakas ay legal na ang kanilang pagsasama. Bago magpakasal si Mahal, nagkaroon din ito ng relasyon sa dating That’s Entertainment member na si Jimboy Salazar na kamakailan lang ay namaalam na, at sa aspiring actor na si Aries Navarro.

No comments: